CHAPTER 11: The Interview

148 25 1
                                    

ZAIRA'S POV

Andito ako ngayon sa bahay, kagabi rin ay umuwi kami hindi narin nakasunod sa subic sina kuya. May biglaang interview kasi si Darren sa TWBA kaya umuwi na kami. Si Kyle naman tinawagan siya nina tita Grace at may lakad sila. So magisa ako ngayon. Pero si Kuya andito sa bahay rest day naman niya.

Inayos ko muna sarili ko bago ako bumaba. Actually yun lagi yung daily routine ko. Dahil sa bahay lang ako naka shorts at tshirt lang ako.

Pababa na ako sa sala dala dala ko yung isang libro ko at syempre yung phone ko.  At pagbaba ko naabutan ko si kuya na nasa sala nanonood ng tv.

"Good Morning Zai. " bati naman niya sakin habang nakangiti. Good mood ata 'tong kuya ko.

"Good Morning Kuya. " balik na bati ko naman sa kanya sabay tumabi ako sa kanya.

"Kuya ano ba yang pinapanood mo. Basketball nanaman. " pagrereklamo ko sa kanya.

"Aba syempre. Baka gusto mo lang panoorin si Darren. " pangaasar niya naman. "Dibale mamaya pa naman yung TWBA ililipat ko para sayo. " dagdag na asar naman sabay kumindat.

"Papansin ka talaga. " inis na sabi ko naman sa kanya. "Asan si mama? " tanong ko naman.

"Umalis, may lakad daw siya. " sabi naman ni kuya.

"Kuya? " pagtawag ko naman sa kanya. At lumingon naman ito sa akin. "Nagluto kana?" Pagtatanong ko naman.

"Matapos mo akong sabihang papansin. " pagtataray naman niya sakin. "Hahahaha Joke lang. May pagkain na dun nagluto si mama bago siya umalis. " sabi naman niya.

"Tara na kuya sabay tayo. " aya ko naman sa kanya.

"Sabay lang walang tayo. " pamimilosopo naman niya.

"Kapatid mo ko kaya merong tayo! " pagtataray ko naman sa kanya. Sabay naglakad na papunta sa kitchen.

"Oy Joke lang di ka naman mabiro naglalambing lang eh. " pagsuyo naman niya sakin sabay inakbayan.

At nagsimula na nga kaming kumain ni kuya.

"Kuya papuntahin mo ka--" sabi ko naman pero hindi niya ako pinatapos.

"Ah si Darren? Nasa Abs yun. Wala yun ngayon. " sabi naman niya. Epal talaga 'to hindi naman si Darren.

"Patapusin mo muna kaya ako no kuya?! " taas kilay ko namang sabi sa kanya. "Si ate Ella kasi yun. " sabi ko naman.

"Ah si Ella ba. Sige tatawagan ko mamaya. Hahaha" sagot niya naman at walang ano anong tumawa.

"Tamang hinala kase. " bulong ko naman.

"Zai may sinasabi ka? " tanong naman niya.

"Ah sabi ko ang gwapo sana ng kuya ko kaso bingi. Hahaha" pangaasar ko naman sa kanya.

"Kamusta pala kayo ni Darren kahapon. " pagtatanong naman ni kuya na halatang nangaasar.

"Ewan ko sayo kuya. " pagtataray ko naman. "Kumain ka na nga lang. " sabi ko naman sa kanya.

                              •••••

Tapos na kaming kumain ni kuya at bumalik na kami dito sa sala siya nanonood ng tv ako naman nag cecellphone.

Habang nanonood kami ay biglang nag ring yung phone ni Kuya. Kaagad naman niya itong sinagot dahil yung RM niya tumatawag.

Saglit lumabas si Kuya para kausapin at naiwan naman ako dito sa sala.

Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]Where stories live. Discover now