Zai's POV
Nandito ako ngayon sa labas ng room namin hinihintay ko si darren, maaga kasi kaming pinauwi ng adviser namin dahil may pinuntahan ata.
Nagbabasa ako ng notes habang naghihintay kay darren may quiz kasi kami bukas. Tahimik lang ako nagbabasa ng biglang may nagtakip ng mata ko.
"Sino to?" hindi ganto yung amoy ni darren kaya for sure hindi siya to. Sino na naman kaya to?
"Guess who?"sabi niya. Alam ko na kung sino to, kilala ko na yung boses e.
"Anong kailangan mo marcus?" sabi ko sa kanya habang nakatakip parin yung kamay niya sa mata ko.
"Nakilala mo ko agad, ikaw ha" sabi niya sabay kiliti sakin.
"Hoy ano ba hahaha tama na nakikiliti ako hahaha"sabi ko habang tumatawa,pano ba naman kasi ang lakas lakas ng kiliti ko sa tagiliran e.
"Nice"rinig kong sabi ng lalake sa likod namin. Tinignan ko kung sino yun.
Nakita ko si darren na seryosong nakatingin samin ni marcus.
"Darren ikaw pala"sabi ko sa kanya.
"Tara na" seryosong sabi ni darren habang masama yung tingin niya kay marcus. Ikinagulat ko naman ng bigla niya akong inakbayan.
"Ah sige marcus una na kami. " paalam ko naman kay marcus, kasi ang bait ko.
Sa itsura pa lang niya makikita mo na nagseselos siya.
Tinignan ko naman siya.
"Oh ano? Hanggang sa bahay ka aakbay? Bahala ka yari ka kay kuya. Nasa bahay pa naman yun. " ani ko naman.
"Hindi, eto na nga eh. " sabi naman niya sabay bukas ng pinto ng van.
"Nagseselos ka? " pabiro ko namang sabi.
"Hindi. " tanggi naman nito, kahit halata na sa mukha na selos na selos. "Ako? Magseselos dun? Mas gwapo pa ko dun eu. " pagpapalusot naman niya. Pero realtalk ang cute niya magselos.
"Wag ako Ren, Bahala kana nga diyan. " sabi ko naman sa kanya, sabay sakay ng sasakyan. Bahagya akong tumalikod dahil hindi ko mapigilan ang mapatawa.
Pero kahit dinedma ko na siya, dedma rin naman siya sakin. Hays jusko, mas malala pa ata magselos ang mga lalaki.
Hanggang ngayong nandito na kami sa loob ng sasakyan hindi parin kami nag uusap, ang tahimik tuloy.
"Darren at zai bakit ang tahimik niyo ata?" sabi ng driver ni darren.
"Just drive po kuya" seryosong sabi naman ni darren.
Hindi na ko nakapagsalita kasi feeling ko nagseselos talaga si darren kanina.
Andito na kami sa tapat ng bahay, naunang lumabas ng sasakyan si darren kaya bumaba na rin ako.
"Pakisabi na lang kay tita na una na kami" seryoso paring sabi sakin ni darren. Tumango naman ako. "Uwi na kami" pagulit niya sabay yakap sakin. Tignan mo paselos selos pa to, hohokage rin naman hahaha. Jk
"Sige ingat kayo" sabi ko sa kanya. "Huwag kana magseselos ah? " dugtong ko naman sabay baba n sasakyan.
Nandito ako ngayon sa kwarto, nagi guilty ako sa nangyari kanina kasi hindi niya dapat kami nakita ni marcus sa ganong posisyon. Baka kasi kung ano yung isipin niya. Itext ko kaya siya? Pero wag na baka hindi din siya magreply.
Matutulog na lang ako, baka bukas maging maayos na din lahat.
••••
YOU ARE READING
Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]
FanfictionThe Best Relationship are the ones you didn't expect to be in, The ones you Never even saw coming. Eyow! Especially sa mga Darrenatics. Hindi naman kagandahan eto. Pero sana Suportahan niyo HAHAHA. Pero kahit first time ko gagawin ko parin best ko p...