DARREN'S POV
Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas nung nainterview ako. Matapos ang araw na yun, ay hindi muna ako nagparamdam kina kuya Julian at Zaira. Gusto ko kasi bago lahat, gusto kong maayos yung pangalan ko sa Showbiz para okay na lahat. Para hindi narin makaapekto pa kay Zaira.
Sa dalawang linggong binigay sa akin, ay naayos ko naman iyon. Naging malinaw na sa kanilang lahat ang nangyari.
Si Kylevin ay humarap narin sa Media, at sinabi ang totoo. Nagkaayos narin kaming dalawa, at bumalik narin kami sa dati. Pero si Allison? Nagpatuloy parin silang dalawa ni Kylevin, naging sila ulit. Gusto ko paring magalit kay kylevin. Pero para saan pa diba? Baka madagdagan pa lalo yung problema ko. Mas gugustuhin ko nalang atang hindi siya maalala ni zaira, para hindi na ulit masaktan si Zai.
"Kuya, Kuya! Pwede na ba tayong pumunta kina ate Zaira? Miss na miss ko na siya. " biglang sulpot naman ni nenen sa akin. Andito kasi ako sa kwarto ko ngayon.
"Oo naman, pwedeng pwede na. Miss ko narin siya eh. " sabi ko naman.
"Ano kuya? Miss mo rin si Ate Zaira? Yieeee sabi ko na eh. ZAIREN FOR THE WIN WOHOOOO! " Tuwang tuwa namang pangaasar ni nenen.
"Syempre, bestfriend ko kaya si Zaira kaya dapat lang na mamiss ko siya hahaha" sabi ko naman, pero tong kapatid ko kilig na kilig sa mga sinasabi ko.
"Kuya? Promise me na hindi mo ipagpapalit si Ate Zai ah? Gusto ko kayo, kayo ang magkatuluyan. " sabi naman ni nenen, botong boto talaga siya kay Zaira.
"Huwag ka magalala nen, hindi ko na hahayaang mapunta siya sa iba." sabi ko naman ng walang ano ano.
"Oh diba kuya umamin karin, sabi ko na eh gusto mo talaga si Ate Zaira eh. Ewan ko ba sayo bakit mo hinayaang maging sila ni Kuya Kylevin. Nanggigigil ako sayo kuya! Pigilan moko, pigilan moko. " sabi naman ni nenen, hahahaha sobrang cute naman 'tong kapatid kong manggigil. Hahahaha.
"Oh kalma, sorry na baby. Magbihis kana pala para makapunta na tayo kay future ate mo hahaha" sabi ko naman sa kanya.
"Sige sige kuya. " sabi naman niya at tuluyan ng umalis sa kwarto ko.
Ako naman ay agad naring nagayos, sa totoo lang mas excited pa talaga ko sa kapatid ko. Hahaha.
After 30minutes
"Kuya! Kuya! Anuna? Ang tagal mo namang magayos. Dinaig mo pa ako. Huwag ka mag-alala gwapo ka naman na eh." sabi naman ni nenen, habang kumakatok sa pintuan ko. "Pengeng piso" dugtong naman nito. Okay na talaga eh, bat nanghigi pa ng piso? Hays
"Eto na nga, wait lang. " sabi ko naman sabay bukas ng pinto.
"Kuya" nakatulala naman nitong sabi sa akin.
"Ano? "
"Kuya? Aakyat kaba ng ligaw? Don't tell m--" ha? Ako, alam ko namang gwapo talaga ko eh.
"Hindi ah. Gwapo ba? " sabi ko naman sabay pacute sa kanya.
"Parang kasi eh, pupunta lang tayo kina ate Zaira nakaporma ka pa. Tas ang bango bango pa hahaha" sabi naman ni nenen sa akin.
"Di ka pa ba nasanay, naka tshirt lang naman ako ah? Ganun na ba ako kagwapo? " pamimilosopo ko naman sa kanya.
"Ewan ko sayo kuya, tara na nga po. " sabi naman nito sabay baba na kami sa hagdan.
Pagkababa namin....
"Mom, Punta lang po kami ni nenen sa bahay nila Zaira. " paalam ko naman kay mommy.
YOU ARE READING
Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]
FanfictionThe Best Relationship are the ones you didn't expect to be in, The ones you Never even saw coming. Eyow! Especially sa mga Darrenatics. Hindi naman kagandahan eto. Pero sana Suportahan niyo HAHAHA. Pero kahit first time ko gagawin ko parin best ko p...