CHAPTER 16: The Unexpected Visitor

159 19 12
                                    

KYLEVIN'S POV

Allison....allison....allison......allison....

Paulit ulit nalang bumabalik sa aking isipan ang pangalan na yan. Yung pangalan na matagal ko ng kinalimutan, yung pangalan na yan yung nangiwan sa akin, yung pangalan na yan kung sino nagbigay ng pasakit sa aking puso. Kung kelan okay na ako doon siya babalik?!

Pero kahit sinaktan, iniwan ay parang hindi ko kayang magalit sa kanya. Sa isip ko galit na galit ako sa kanya dahil iniwan niya ako. Pero yung puso ko naman ay parang walang galit sa kanya.

Hays bat nagsabay sabay?

Andito ako ngayon sa kwarto ko, nakatingin sa isang kulay puting malaking pader. Wala akong ibang nakikita kung di puti. O tanga lang kyle? Alangan makakita ka ng black. Iniisip ang mga nangyayari kahapon. Nakaramdam na nga ako ng selos mula kay Darren at Zai tas makikita ko pa yung babaeng unang minahal ko at babaeng sinaktan ako ng sobra. Ano ba 'to?

Habang nagmumukmok naman ako dito sa kwarto ko ay may kumatok. At yung mama ko yun, istorbo hays iiyak nako eh panira talaga hahaha jk.

"Kylevin! " tawag naman sa akin ni mama habang kumakatok.

"Pasok ma. " sabi ko naman. Sabay nagbukas na nga ang pinto at lumapit sa akin si mama.

"Anak may bisita ka. Tiyak na matutuwa ka. " sabi naman ni mama. Ha?! Sino? Si Zai ba? Sanaaaa.

"Ha? Sino po ba? " pagtatanong ko naman kay mama dahil wala talaga akong ka ide-ediya kung sino yung bibisita.

"Basta bumaba ka nalang doon. Hinihintay ka niya. " sabi naman ni mama sabay labas sa kwarto ko.

Mga limang minuto bago ako bumangon. Iniisip ko muna kung sino naman ang pupunta dito sa bahay. Sa pagkakaalam ko hindi ko naman niyaya si Zai at Darren.

Nang matapos akong makapag isip, ay dumeretso na ako sa banyo para makapag hilamos at sipilyo. Hindi muna ako maliligo kasi tinatamad pa ako. Kahit di naman ako maligo mabango parin ako hahaha.

Matapos kong magayos ay kinuha ko muna yung cellphone ko bago ako bumaba. Inopen ko ito at naglaro muna ako ng skillful finger. Favorite game ko ito, nagpupustahan pa kami ni Zai at Darren kada talo isang stick-o hahaha.

Naglalaro ako habang papababa ako sa hagdan. Habang naglalaro ako ay may tumawag sa aking pangalan, ang boses nito ay sobrang pamilyar sa akin. Sa pangalawang tawag nito ay napalingon na ako sa kanya.

"Allison?!" Gulat ko namang tugon.

"Hi Kylevin. " bati naman nito sa akin. Agad naman akong umiwas tingin sa kanya. At sa hindi inaasahan nilapitan ako nito.

"Kylevin, i'm sorry. " paghingi naman nito ng tawad. Matapos niya akong iwan?! Saktan?! Babalik siya. Gustong gusto kong magalit pero hindi ko magawa.

"Wala na yun. Matagal ko ng kinalimutan yun. Kaya wag kanang mag alala. " sabi ko naman habang papalakad papunta sa aming sala.

"Alam kong nasaktan kita ng sobra. Pero ngayon? Gusto ko ng pagsisihan lahat. Nung iniwan kita. Gusto kong bumawi sayo. " sabi naman nito habang sinundan ako sa sala at tumabi sa akin.

"Babawi ka? Kung kelan huli na. " sabi ko naman. Bigla namang yumakap ito sa akin.

"I'm sorry, i'm sorry Kyle. " walang tigil na paghingi ng tawad naman ni allison.

"Okay na ako. Tinatanggap ko na sorry mo. Tanggap ko na lahat, naka move on na ako matagal na. At higit sa lahat may mahal na akong iba. " sabi ko naman, sa puntong iyon ay hindi ko maiwasang hindi mapaluha. Yung tipong tutulo nalang siya bigla yung hindi mo na mapigilan.

Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]Where stories live. Discover now