ZAIRA'S POV
Andito na nga kami sa Enchanted Kingdom, kami ni Darren oo kami ni Darren, iniwan kami ng mga kasama naman diba? Ang saya.
"Zai Space Shuttle tayo. " tugon naman sa akin ni Darren na halatang excited na excited.
Ako naman tinignan ko muna kung paano yung rides. At ako'y na shookt ng makita, baka mamatay ako dito jusko huhuhu.
"Darren ayoko pa. Huhuhu" sabi ko naman sa kanya.
"Halika na, promise masaya dito. " sabi naman niya sakin sabay tingin at kindat. "Ako bahala sayo. " dugtong niya namang sabi sabay hawak ng kamay ko at hinila papunta sa entrance ng space shuttle.
Nakasakay na nga kami dito ni Darren sa space shuttle. Actually hindi pa umaandar kasi naghihintay pa ng iba.
"Jusko lord kayo na po bahala sakin, pasabi kay kuya at mama na mahal na mahal ko sila. Huhuhu. " pagdadasal ko naman habang nakapikit. Si darren naman narinig ko na bahagyang natatawa. "Darren naman eh. " sabi ko naman sa kanya.
"Diba sabi ko sayo ako bahala? Huwag kang matakot. " sabi naman sa akin ni Darren, sabay hinawakan niya ang aking mga kamay ng napakahigpit. Hindi ko alam pero parang nabawasan yung kaba ko nung hinawakan niya kamay ko. Ako naman hindi nako kumalas sa pagkakahawak niya.
"Oh andito rin pala yung couple eh" pangaasar naman ni Christine sa amin. What?! Yes.
"Speaking of couple, tignan mo kamay nila hahahaha" turo naman ni Ashley.
"Tama na nga kayo jan! " suway ko naman, pero kahit inasar nila kami hindi ko parin tinatanggal kamay ni Darren.
"Hahahahaha buti nalang wala si Winzel baka umiyak na yun. " dagdag na asar naman ni Roselyn.
"Ah-eh asan pala si lynelle? " pagtatanong naman ni Darren.
"Ah magkasama sila ni Winzel, takot kasi si winzel sa mga gantong rides pati kaya yang si Zai takot buti napapayag mo hahahaha" sabi naman ni Sam.
"Syempre ako pa hahaha. " sabi naman ni Darren sabay tinaasan ko siya ng kilay.
Sumakay na nga ng tuluyan ang mga tcr at nagsimula na ngang paandarin ng operator yung space shuttle.
DARREN'S POV
Ito na nga at the moment kami ni Zai with Tcr hahaha, grabe. Grabe makasigaw si Zai, halos ang higpit na ng hawak niya sa kamay ko hahaha.
"Darren ayoko na huhu" sigaw naman niya. "Darren huhuhu ayoko na! Kuyaaaaaaaaaaaaa" dagdag naman niya na malakas na sigaw.
"Safe ka naman pag ako kasama mo. " sabi ko naman sa kanya habang kumindat.
"Jusko nakuha mo pa talagang kumindat. Ahhhhhhhhhh" nanginginig namang sabi ni Zai.
Natapos na nga kaming sumakay sa space shuttle, kasalukuyan andito parin kami ni Zai. Si Zai, ito hilong hilo.
"Zai ayos ka lang ba? " tanong ko naman sa kanya.
"Sa tingin mo? Darren naman eh kung di lang talaga kita bestfriend inupakan na kita. " sabi naman niya, pero realtalk kahit ang haggard niya tignan ang ganda niya parin. Messy hair ang ate mo hahaha. "Tara na nga. " dagdag naman niya, inalalayan ko naman ito sa pagbaba baka mamaya matuluyan tong si Zai, halata sa kanya ang pagkahilo eh hahaha.
"Darren pahinga muna tayo. " sabi naman ni Zai. "Nahihilo talaga ko realtalk. " sabi ni Zai, nakokonsensya tuloy ako, ako talaga may sala eh.
YOU ARE READING
Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]
FanfictionThe Best Relationship are the ones you didn't expect to be in, The ones you Never even saw coming. Eyow! Especially sa mga Darrenatics. Hindi naman kagandahan eto. Pero sana Suportahan niyo HAHAHA. Pero kahit first time ko gagawin ko parin best ko p...