CHAPTER 33: My Childhood Friend?

92 7 2
                                    

ZAIRA'S POV

This is it. Andito na kami sa loob ng Venue. Super lapit namin dito sa mismong stage kung saan mag peperform yung BTS. Nakaka excite grabe.

"Grabe hindi naman kayo masyadong excited no? " sabi naman ni Kuya Julian.

"Oo nga eh. Grabe handang handa kayo. " sabi naman ni Darren.

Jusko! Ito na talaga yun, iba talaga pakiramdam kapag first timer. Malaking salamat para kay Darren kung hindi dahil sa kanya di ako makakaranas huhuhu.

"Uy diba si Darren yung nasa harap natin? "

"Hala baka kamukha lang. "

"Baliw si Darren nga. "

"Hala shems bat ang gwapo. "

Ano ba yan, hanggang dito ba naman may mga DARRENatics? Grrr. Umiiral nanaman pagiging selosa ko.

"Hi Darren, pwede bang mag papicture? " sabi naman ng mga babae sa likod. Tilang kilig na kilig sa nakita nila.

"Hanggang dito ba naman may Darrenatics. Tss. " pabulong ko namang sabi.

"Zai may sinasabi ka? " sabi naman ni Kuya Julian.

"Ah-eh kuya ang layo mo na nga sakin narinig mo parin. " pagtataray ko naman kay Kuya.

"Omaygad! Si Julian Trono nandito rin. " sabi naman ulit ng mga babae. Talagang talaga!!!! Nagsisitalunan naman sila kaya natamaan nila yung upuan nung babae sa tabi ko.

"Hala, yung salamin ko. " sabi naman nung girl na katabi ko habamg kinakapa yung salamin niya.

Tinulungan ko nalang maghanap ng salamin yung babae kesa manood sa mga nagpapapicture sa mga famous kong kasama.

"Hi, ito pala yung salamin mo oh. " sabi ko naman dun sa girl sabay abot ng salamin niya.

"Ahm ay, thankyou. " sabi naman nung girl habang sinusuot niya yung salamin.

"Ahmm, pansin ko lang kanina ka pa tumitingin sa kanilang nagpapapicture. " sabi ko naman.

"Ah-eh, kasi fan ako ni Darren. Di ko kasi inexpect na malapit lang yung seat niyo sa amin. " sabi naman nung babae.

"So Darrenatic ka? " tanong ko naman sa kanya. Tumango naman ito habang nakangiti. "Buti hindi ka katulad nung mga babae dun, ang wawild grabe natamaan ka pa tuloy. " bulong ko naman sa kanya. Natawa naman ito sa sinabi ko.

"Hahaha. Nagseselos ka no?" Sabi naman niya sa akin. HALA?! BAKIT ALAM NIYA?! NABABASA NIYA BA YUNG ISIP KO?!

"BAKIT MO ALAM? " Gulat ko namang tanong.

"Diba Darrenatic ako? Alam ko na ikaw yung kapatid ni Julian Trono na balibalitang nililigawan ka ni Darren HAHAHA. " Sabi naman niya, ako naman na shookt kasi. "Pero dont worry, di ako basher sa totoo fan ako ng loveteam niyo. At tsaka, si Ate Ja lang naman nag chismis sakin di ko naman pinagkakalat hehe. " pabulong namang sabi nito.

"Kilala mo rin si ate Ja? " gulat ko nanamang tanong sa kanya. Kasi nakaka shookt to the max. Kasi akalain mo yun, sa dami kong makakatabi diba.

"Pinsan ko kasi si Ate Ja. " sabi naman niya sa akin. Wowwww!

"Wowww! By the way, ano nga palang pangalan mo? Kasi kanina pa tayo nag kukwentuhan di ko pa alam name mo. " sabi ko naman sa kanya.

Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]Where stories live. Discover now