CHAPTER 19: The Enchanted Kingdom

154 16 3
                                    


KYLEVIN'S POV

"Anak! Gumising ka na! Maaga tayong aalis."

Nagising ako sa pagtawag ni mama sa pintuan nang kwarto ko. Kumatok ulit siya.

"Kylevin! Gising na si Darren! Dalian mo!" Iritado na yata si mama sakin. Haha.

"Opo ma. Maliligo na ko!"

Naligo ako at inayos ang mga gamit na dadalhin sa Baguio. Kinuha ko ang cellphone ko at ni text si Zai.

To Zaira:

Goodmorning Zai! See you!

Oo, pupunta kami ni Darren sa bahay nila bago ako umalis patungong Baguio. Kaya dito ko na rin pinatulog si Darren kasi yun ang napag planuhan bago ako umalis. Iiwan ko si Darren sa bahay nila Zai para di naman siya masyadong malungkot ay may pag kaabalahan siya.

Pagtapos kong mag ayos ay dinala ko na yung mga gamit ko sa sala at bumaba na para kumain. Nakita ko sa hapagkainan si Darren na kumakain na.

"Hey bro. Kain na." Maikling pag aya niya saakin habang siya kumakain. Si Mama naman nag aayos nang mga ipapabaon saakin. Tinanguan ko lang si darren at umupo na sa upuang katabi niya.

Habang kumakain kami ni Darren ay nang ring ang cellphone niya. Sinagot niya ito. At mukhang si Lynelle ang tumawag.

"Hello nenen? Ha? Andito ako kina tita. Ano? Sasama ka? Ang aga pa! Ha? Osige pala. Mag ayos ka na. Oo na. Iloveyoutoo nen."

"Anong meron bro? Anong sabi ni lynelle?" Kuryosong tanong ko habang binababa niya ang cellphone niya at nag kamot nang ulo.

"Ayun. Tinanong kung nasaan ako tapos gustong sumama saatin. Daanan natin siya bro. Bago tayo pumunta kina Zai."

Medyo mahabang pag papaliwanang niya.

"Bro walang tayo." Pamimilosopo ko naman sa kanya.

•••••

Andito na kami ngayon sa tapat ng bahay nina Darren, nagpapadaan kasi si Lynelle sasama daw siya. Bago kami pumunta kina Zai.

Mga ilang saglit lang ay nakasakay na din si nenen, Masaya naman itong bumati sa amin sabay tabi sa kuya niya.

After 30minutes

Andito na kami sa tapat ng gate ng bahay nina Zai, Una naming nakita si Kuya julian na agad naman kaming pinuntahan nito.

"Oh kayo pala, pasok muna kayo andun si Zai. " sabi naman sa amin ni Kuya Julian. Tumango naman kami ni Darren. "Kayo muna bahala kay Zai, aalis lang ako. " dugtong pa nito.

"Okay Kuya, pero hindi po ako magtatagal kasi aalis rin po ako papaalam lang kay Zai. " sabi ko naman sa kanya.

"Saan punta mo? " tanong naman ni Kuya julian.

"Sa baguio po. Si Darren at lynelle po maiiwan ata dito. " sabi ko naman sabay tingin kay Darren.

"Ah-eh" nauutal naman na sabi ni Darren.

"Opo Kuya Julian, sasamahan po namin Kuya si ate Zai. Si Kuya na po bahala sa kanya. " singit naman ni Lynnelle sabay kinindatan si Julian, si Darren naman napangiti nalang. Tumingin muna sa akin na parang tinatanong kung pwede. Why not naman diba? Kaya tumango naman ako sa kanya.

"Yes Kuya Julian, kami na po bahala. " sagot naman ni Darren.

"Osyasya! Sige na. Si Mama wala eh kaya walang kasama si Zai. " sabi naman ni Kuya. "Aalis na ako, ikaw kyle mag iingat ka sa byahe. " paalam naman ni Kuya.

Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]Where stories live. Discover now