ZAIRA'S POV
So ayun, Nandito na ako sa bahay ngayon. Nakakapagod pero masaya naman. As in masaya talaga! Hahaha.
Anong oras na din pero hindi pa ako makatulog. Pagod ako pero yung saya talaga feel ko pa eh. Lalo na yung nangyare kanina! Grabe. Hindi ko inakalang mahal din pala ako ng bestfriend ko.
Flashback
Sinundan ko ng tingin si Ren at tumingin na ulit kay Kyle na nakatingin sakin. Nagagandahan siguro sakin. Hahaha.
"Upo ako ah?" Paalam ko at umupo. "Grabe, Pauwi na tayo pero parang ayaw ko pa hahaha. Hays, Ang ganda kasi talaga dito eh." Sabi ko. At Nilibot ko yung mata ko. Napalingon din ako kay Kyle kasi hindi siya nag sasalita, Nakatingin lang siya sakin. "Okay ka lang?"
"Zai.."
"Oh?"
"May.. Ahm.. May gusto kasi akong s-sabihin.. Sayo." Naguguluhan akong nakatingin kay Kyle. Bakit pinag papawisan ba siya? Hindi naman mainit eh.
"Ano 'yon? "
"Zai.. Gusto kita.. Gustong-gusto talaga kita. Pag di ko pa sinabi sayo 'tong nararamdaman ko Feeling ko. Feeling ko sasabog na 'to. Zai.. I like you--No. I love you."
Nahulog ang panga ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko! Oh My ghad.. Pakiramdam ko ay gustong tumalon palabas ng puso ko! Gusto ako ni Kyle! Gusto DIN ako ni Kyle! Teka.. I love you daw. MAHAL AKO NI KYLE!!
"Kyle.. Mahal din kita.." Nauutal na sabi ko. Grabe, Ang saya saya ko. Mahal niya din pala ako! Mahal niya ako! Mahal pala namin ang isa't isa!
"Talaga?!" Gulat pa na tanong ni Kyle. Tumango naman ako na nakangiti. "So.. Tayo na?"
"Haha.. Oo. Oo, Kyle. Kyle tayo na." Masayang sabi ko tumayo naman siya at tumalikod na nakapamewang at humarap din na nakangiti.
"Zai, Thank you!"
"Dapat lang! Pasalamat ka talaga at wala ng ligaw ligaw pang naganap." Natawa naman siya sa sinabi ko kaya natawa na din ako. "Pero sana kahit May relasyon tayo gusto ko parang yung dati parin gusto ko walang magbabago. " dagdag ko naman.
"Oo naman, Bestfriend parin naman tayo eh. " sagot naman ni Kyle.
"Ano guys okay na?" Nakangiting sabi ni Ren. Sabay abot ng binili niya.
"Ah oo Ren, Salamat ha?" Pag papasalamat ko. Grabe, ang bait talaga ni Ren.
"Ah-eh." Nauutal na sabi lang niya. Tinaas naman namin yung kamay namin ni Kyle na mag kahawak.
"Kami na."
End of flashback
Sinabi din kanina ni Kyle kanina sakin na tinulungan pala siya ni Darren. Hays, Ang bait talaga!
Ang sarap lang talaga sa pakiramdam. Akalain niyo 'yon? Kami na? Kaso kelangan namin itago muna. Hays. Pumasok kaming dalawa ng Kylevin sa isang relasyon, dapat ingatan namin to. Isang beses lang masira 'to baka pati friendship namin mawala rin.
•••••
"Anak? May bisita ka." Sabi naman ni mama mula sa labas ng kwarto ko.
"Ha-ah? Balik nalang po kamo sila mamaya." Hinatak ko pa ang kumot at nag talukbong. Buti naman at hindi na ko ginising ulit. Kasi ang aga aga may bisita agad ako. Huhu, inaantok pa ako.
YOU ARE READING
Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]
FanfictionThe Best Relationship are the ones you didn't expect to be in, The ones you Never even saw coming. Eyow! Especially sa mga Darrenatics. Hindi naman kagandahan eto. Pero sana Suportahan niyo HAHAHA. Pero kahit first time ko gagawin ko parin best ko p...