DARREN'S POV
Gusto ka ng taong gusto mo...........
Sunday na, nasa Asap studio na ako. Maaga akong umalis sa bahay para makapag ready pa ako para sa performance namin nila Bailey at Kyle mamaya.
Habang nandito ako sa may dressing room ay hindi parin mawala yung ngiti sa mga labi ko.
Sa oras oras ba namang pumapasok sa isip ko si Zaira, at kung paano siya magselos. Di ko alam pero kinikilig na natutuwa ako.
"Bro! " gulat naman sa akin ni Kyle. "Ngumingiti ngiti ka nanaman diyan. " dugtong naman nito sabay tabi sa akin.
"Panira ka naman ng moment eh. " sabi ko naman kay Kyle. (Kyle Echarri po hahaha)
"Eh ano ba kasi yang iniisip mo, yung ngiti mo abot langit eh. " sabi naman ni Kyle sa akin.
"Kasi Bro, si Zaira! " pabitin ko namang sabi sa kanya.
"Bro?! Anong nangyari kay Zaira? " pagaalala naman nito. Waw ah, alalang alala ang peg.
"Kalma muna. " pagpapakalma ko naman sa kanya. "Bro, nagseselos si Zaira kahapon kay Andrea. " sabi ko naman sa kanya, sabay laki ng mata niya.
"Ano?! Bakit nagseselos si Zaira?! May gusto ba siya sayo?! " sabi naman nito.
"Hindi ko alam, pero feeling ko parehas rin kami ng nararamdaman. Hindi naman sa nag aassume ako, pero ramdam ko bro eh. " pagpapaliwanag ko naman.
"Wala yan. Sus" pag kontra naman ni Kyle sa akin.
"Nagseselos ka lang eh. " singit naman no Bailey. Ano?! Si Kyle nagseselos?!
"Ako nagseselos?! Di no, hahaha. Ganto Bro, umamin kana. Baka maunahan ka pa ng iba diyan. " sabi naman ni Kyle sa akin.
"Nako palusot mo hahahaha" singit nanaman ni Bailey. Another one hahaha.
"Tara na nga, hahaha kung ano-ano na pinagsasabi niyo. Hinihintay na tayo nila ate alora. " aya ko naman sa kanila.
So katulad ng dati, always host ako dito sa Asap Chillout, eh nataon na sila Bailey at Kyle yung guest namin kaya nagsabay sabay na kami papunta sa asap chillout studio.
"Oh Darren andiyan na pala kayo. " sabi naman ni Ate Alora. At bumeso kaming tatlo sa kanya.
"Okay after 5minutes start na tayo. Mag ayos na kayo. " sabi naman ni Direk.
After 5minutes
"Hey Guys, Welcome to Asap Chillout" sabay sabay naman naming pagbati nila ate alora, ate sue, kuya diego at ni Ate alex.
"So ngayon, kasama natin ang mga teen hearthrob na sila Kyle Echarri At Bailey May. " pagpapakilala namin ni Ate Alex sa aming guest.
"So Darren, sa ngayon hindi ka muna host dahil guest karin namin ngayon." sabi naman ni Ate Alora.
"Oh Darren doon kana umupo sa tabi nila. " sabi naman ni Ate Sue.
Ako naman pumunta na sa tabi ni Kyle at sinimulan na nga kaming interview.
"Kamusta naman ang life niyong tatlo. " pagtatanong naman ni Ate alora.
"Ganun parin, masaya hahaha" sabi ko naman.
"Eh bali balita daw Kyle, lagi daw kayong magkasama ni Ac" halata namang nangaasar si Kuya Diego kay Kyle.
"Ahmm,yes po. Hahahaha, nag cocollab po kami sa vlog then nung concert po ni Ylona. " sabi naman ni Kyle sabay hiyawan ang mga audience.
YOU ARE READING
Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]
FanfictionThe Best Relationship are the ones you didn't expect to be in, The ones you Never even saw coming. Eyow! Especially sa mga Darrenatics. Hindi naman kagandahan eto. Pero sana Suportahan niyo HAHAHA. Pero kahit first time ko gagawin ko parin best ko p...