JULIAN'S POV
Time Check: 3:00am
3am ako nagising dahil nag alarm ako. Tinodo ko na yung Volume ng phone ko para magising rin si Zai. Pero walang epekto. Tulog mantika parin ang loko. Dinaig pa ako. Hays.
Ng makatayo ako ay niligpit ko muna yung higaan ko, then napagpasyahan ko na gisingin na 'tong si Czarina.
"Czarina! Uso gumising diba?" Papilosopo kong gising sa kanya habang inaalog ang katawan niya. Hahaha.
"Kuyaaaaaa" sabi niya naman habang kinukusot yung mata.
"Gising na. Maaga pa tayong aalis. " sabi ko naman sa kanya.
"Kuya itayo moko" aniya. Ang laki laki na neto nagpapatayo pa. Hays kung di ko lang 'to kapatid eh, kaya tinayo ko nalang siya.
At tumayo na nga si Zai. Nagderederetso siya sa CR. Kaya lumabas na ako para pumunta sa kwarto ko at maliligo narin ako.
Mga 30mins lang akong nag ayos at pinuntahan ko na si Zai sa kwarto niya.
"Ayos kana? Tara na. Akina mga gamit mo. " pagtatanong ko naman sa kanya sabay kuha ng maleta niya.
"Kuya asan si mama? " pagtatanong niya naman sakin. Inaantok pa talaga 'to halata naman sa mukha niya eh hahaha.
"Andun sa Kwarto. Puntahan muna natin. " sabi ko naman sabay pumunta na kami sa kwarto ni mama.
Dahan dahan ko namang binuksan yung pinto ni mama, sabay biglang nagising ito.
"Ma, alis na kami ni Zai. " paalam ko naman kay mama.
"Oh sige mag iingat kayo dun ha? Wag mo papabayaan kapatid mo. JULIAN. " paalala naman sakin ni mama.
"Opo ma, ako ng bahala kay Zai. " sabi ko naman kay mama sabay yakap.
"Oh sige mag text kayo pag nakarating na kayo. " sabi ulit ni mama.
"Opo ma. " sagot ko naman.
"Ma punta na po kami. " paalam naman ni Zai tas lumapit kay mama tapos niyakap at hinalikan niya ito sa pisngi.
"Okay sweetheart magiingat kayo ng kuya mo dun ha? Wag mo papabayaan sarili mo. " bilin naman sa kanya ni mama.
"Opo ma. " pagsangayon naman ni Zai.
At pagkatapos naming magpaalam ay bumaba na kami ni Zai. Hindi na kami kakain at wala pang naka handa, ipagtake out ko nalang si Zai ng Mc. Do mamaya.
•••••
Andito na nga kami sa Airport. Sa NAIA terminal 1. Kararating lang namin ni Zai.
Ang una kong nakita ay si Ella. Lumapit naman ito samin at binati kaming dalawa ni Zai.
Sunod na nakita ko naman ay sina Darren, Kyle and Bailey. Nagulat naman ako sa reaction ni Darren. Bakit hindi niya ba alam na kasama si Zai? Diba siya pa nga nagbilin sakin? Bigla namang lumapit sa amin yung tatlong binata.
"Hi Kuya Julian. " bati naman sakin ng tatlong binata. Tumango naman ako sa kanila.
"Hi Zai, akala ko ba hindi ka sasama? " pagtatakang tanong naman ni Darren.
"Ah-eh isusurprise lang sana kita hehehe. " sabi naman ni Zai na halatang inaantok pa.
"Oo nga nasurprise ako. " anito.
"Hay nako Darren, inaantok pa talaga yan si Zai. " sabi ko naman na bahagya akomg napatawa.
"Halata naman kuya eh hahaha." Sabi naman ni Darren. Wala namang ibang ginawa si Zai kundi tinaasan nanaman kami ng kilay.
YOU ARE READING
Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]
FanficThe Best Relationship are the ones you didn't expect to be in, The ones you Never even saw coming. Eyow! Especially sa mga Darrenatics. Hindi naman kagandahan eto. Pero sana Suportahan niyo HAHAHA. Pero kahit first time ko gagawin ko parin best ko p...