ZAIRA'S POV
Sunday, kakauwi namin ngayon galing sa punta Belle. Nag Overnight nalang kami, para mahaba pa yung Bonding namin.
Nagsi-uwian narin naman sila Sam hinatid sila ni Kuya Vernie, then sila Ac, Ylona, Bailey at Kyle naman ay hinatid lang kami dito ni Kyline sa bahay at umuwi narin.
Si Kyline naman ay nagpaiwan muna dito sa bahay, nagpaalam na siya kina Tito Butch at Tita Rowena. Wala naman daw kasi siyang gagawin, kaya dito muna daw siya sa bahay.
"Hi Ma! " salubong na bati ko naman kay Mama sabay halik.
"Hi Tita" bati naman ni Kyline Kay mama, sabay nag beso rin ito.
"Uy Kyline, ang laki laki mo na. Dalagang dalaga kana. Buti napasyal ka dito. " sabik naman na bati ni Mama kay Kyline. Syempre na shookt siya ilang years ba naman niyang hindi nakita 'tong si Kyline halos nung last na kita niya pa dito ay Batang bata pa talaga.
"Ayos lang po tita, Nagpaalam na po ako kina Daddy at Mommy sobra ko po talaga kasi kayong namiss lalo na po si Zai. " nakangiting sabi naman ni Kyline.
"Ow thats good. Sabihin mo kina Butch at Rowena dumalaw dito minsan, namimiss ko na silang kachikahan eh. " sabi naman ni Mama kay Kyline. "Kumain na ba kayong dalawa? " tanong naman ni Mama. Umiling naman kami kaya inaya na kami ni Mama papunta sa Kitchen.
"Ma? Nasan po pala si Kuya? " tanong ko naman.
"Hay! Ayun, wala nanaman. May bago nanaman silang movie eh. " sagot naman ni Mama.
"Really tita? Wow. Ang galing talaga ni Kuya Julian. " singit naman ni Kyline. And yes! Kilala niya si Kuya Julian, kasi parang naging Kuya niya narin to dati. Pero mas close si Kuya ko sa dalawang Kuya ni Kyline.
"Oo nga eh, pero ikaw andami mo naring Projects. Congrats! " sabi naman ni Mama.
"Oo nga Kai, lagi naming napapanood ni mama mga teleserye mo. Ang galing galing mo na talaga. Di ko nga inaasahang maalala mo pa ako eh. " pagdadrama ko naman kay Kai. Syempre namiss ko kaya to. Hahaha.
"Thankyou Zai. Pero ah? Never kitang makakalimutan. " sabi naman ni Kai. "Bestfriend kaya tayo noon, pati si Kylev-- "
"Ah-eh oo nga naman, syempre lab na lab kita. " pagpapalusot ko naman, kasi naman tong si Kai. Di ko ata na inform tungkol dun samin ni Kylevin. HAYS.
"O sige na, bilisan niyo na diyan at umakyat na kayo dun sa kwarto. Dun muna kayo magtambay dalawa. " sabi naman ni mama.
At binilisan na nga namin sa pagksin namin.
After 15mins
Dali dali kaming umakyat ni Kyline sa kwarto ko. Si Kyline naman agad namang humilata sa kama ko.
"Omaygad! Ang laki ng kama mo Zai" sabi naman ni Kyline with matching pikit mata pa.
"Ewan ko sayo! Parang wala ka namang ganyan. " pagbibiro ko maman sa kanya.
"Uy pero Bes namiss kamo talaga kita. Akalain mo yun pinagtagpo ulit tayo ni tadhana. " sabi naman ni Kai.
"Oo nga eh, sobra kitang namiss. Namiss ko yung kakulitan at pang bubully mo sakin. " sabi ko naman sa kanya sabay tawa.
"Ahh! Namiss mo pala ah. " sabay hampas ng unan sakin. Aba! Pillow fight pala gusto neto ah. Wait lang hahaha.
At wala kaming ginawang dalawa kundi magkulitan ng magkulitin.
YOU ARE READING
Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]
FanficThe Best Relationship are the ones you didn't expect to be in, The ones you Never even saw coming. Eyow! Especially sa mga Darrenatics. Hindi naman kagandahan eto. Pero sana Suportahan niyo HAHAHA. Pero kahit first time ko gagawin ko parin best ko p...