Episode 2

4.9K 268 154
                                    

War
-
Don't forget to comment, vote and spread! ♡
-

"Aba mabuti naman at okay kayong dalawa" si Nana.

And yes, we're here at our house. Nag text daw kasi si Nana kay Monique kagabi na umuwi kami ng maaga dahil miss din daw ako ni Nana. Ayun, hay!

"Syempre naman Nana hindi ako matitiis nito eh, Love na love ako" sabay akbay ko kay Monique pero umismid lang siya

"Mag pasalamat ka kamo!" Si Nana "Ano naman nangyari diyan sa labi mo?" and Nana meant the bruise I have dahil narin sa sinuntok ako. Hay!

"Syempre Nana, miss ako ni Monique, kinagat niya ako, grabeh!" natawa ako pero siniko niya ako sa tagiliran kaya napayuko ako "Ang sakit Nay! Joke nga lang!" napairap ako sakanya

"Hay tama na yan ha! Kumain na tayo. Tawagin mo na ang tatay mo  Elijha!" si Nana kaya napatayo ako at pinuntuhan si Tatay na nagkaka-car wash.

"Tay kain na daw" tawag ko at lumapit  na ako sakanya

"Kamusta kayo ng girlfriend mo?" si Tatay

"Okay naman po. Pinatawad naman niya ako agad tsaka nabugbog lang ng slight" natawa ako ng kaunti.

"Maswerte ka sa naging girlfriend mo, pero sana iparamdam mo naman na swerte din siya sayo. Gawin mo ang tama, Elijha"

Napabuntong hininga ako. Halos lahat kinukulit  na ako, akala nila ang dali-dali ng sitwasyon ko pero hindi e, sobrang hirap! Ubod ng hirap.

Paano kung malaman niya na ang totoo? Will she stay? O magiging katulad siya ni Icah na aalis siya? Natatakot akong maiwan, it's that main point. I'm afraid to be left out by the person I am referring as my life now. Nakakatrauma na kasi.

Noong nasa malayo ako, I don't even know what to do anymore. Noon, okay lang eh. Being away from the real world is fine pero it's different now. Iba na ang pakiramdam. Natakot ako, natakot ako that maybe Monique's going to hate me because I left with no words of good bye uttered. Tama si Tatay na maswerte ako at malas si Monique sa'kin, that's the truth, alam ko naman yun pero I'd like to believe na may bagong chance ako 'to prove my worth, I just need some time.

"Mga tatay! Kain na po!" si Monique at natawa ako, lang'ya.

Pumunta kami sa dining table at kumain narin. I missed this, sobra! Eating with a dad, a mom and a wife, okay, a girlfriend in one table makes it all worth it. I really thought I won't be able to do things like this ever again. Mabuti nalang talaga pinayagan ako pumasok for college and to go back with my normal life. I want to be free at mabuti nalang nasaniban ang dad ko at pumayag narin and thanks to that someone for convincing my dad.

"Tumawag nga pala si Jenny at naenroll kana daw niya. Bago ka raw pumasok, kitain mo na muna daw siya" si Nana

"Panay tawag ni Jenny dito pati sa phone mo hindi mo daw sinasagot." si Tatay Mario

"Eh akala ko hindi importante! Puro talak lang kasi yun, don't worry! Tatawagan ko siya mamaya!" sabi ko nalang.

Pagkatapos namin kumain ay asusual, diretso kami sa kwarto ko. I'm actually tired, namamanhid pa ang buong katawan ko at feeling ko the amount of nervousness last day made me all tired today. Hay!

"Nay, halika nga dito sa tabi ko. Namiss kasi kita" sabi ko, nasa banyo kasi siya at nagbibihis habang nakahiga ako sa kama ko. Home sweet home. I miss my room. "Nay! tabi na bilis!" I'm making fun of her again. Sobrang miss ko talaga siya and it feels weird dahil kahit ang pagsusungit niya miss na miss ko rin. Sobra.

"Problema mo?!" she asked with so much authority pero humiga narin siya sa tabi ko at nakayakap sa'kin. "Anong department ka nga pala tay?" tanong niya

Love Game 2: Lost in Love (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon