Episode 25

3.3K 205 68
                                    

Victory Party
-

Pagkadating namin sa resort ay totoo namang sobrang ganda nga ng lugar. Perfect na perfect for relaxation.

"Nay, ang ganda!" Si King habang nakaakbay sa'kin.

"Sobra tay!" I smiled.

Mukhang naiimagine ko palang ang sarili ko na feel na feel ang pagbabasa ng libro mamaya sa dalampasigan aba'y relax na relax na ang pakiramdam.

"Mukhang may papyesta ang pakiramdam ng isang kasamahan natin ah! Daming isda Tanix oh! Tibang-tiba diyan!" Si Nikko at tinutukso niya si Tantan sa mga babaeng nasa paligid dahil siya nga lang naman ang single. Sayang sila ni Coreen, ang tagal na pa naman ng relasyon nila.

Sayang sila.

"Nay, maligo na tayo!" Si King

Bakas sa mukha niyang ligong-ligo na siya. He's face are filled with so much excitement na para bang first time niya maligo sa dagat.

"First time tay?" I giggled "Ang init pa para maligo! Magkaka-sun burned tayo niyan Tay" I said habang inaayos ko ang gamit namin.

"Please Nay?" He said pleading like a kid.

"Tara pre! Maligo na tayo" sila Nikko

Maarte itong si Nikko sa katawan, sa skin niya, pero I don't know what's with him na bigla niyang sasamahan si King sa pagligo.

"Nay? Pwede?"

And I just nodded at talagang sayang-saya si Nikko at King na patakbo sa dagat. Sumunod din sakanila si Mokya and Tantan. Which is weird ang pagsunod ni Tantan doon, bakit kaya?

"Ang cute niyo ni Elijha" si Miss Jenny

"Really? Parang hindi po ba kami mortal enemies noon?" Natatawang tugon ko kay Miss Jenny. Nasa kwarto kaming dalawa ngayon at inaayos ang gamit namin sa magiging tulugan. Each team sa van ang iisang cottage

"Yes. Parang pag nakikita ko kayong dalawa parang nag start na agad kayong nagkagustuhan at first instance. Ang laki ng pinagbago ni Elijha and I have to comend you for urging him to change for the better." She smiled at me.

"Well, naging part lang ako ng changes ni King, it's still his decision in the end ang sinunod niya." I smiled

"I hope hindi ka magsawang mahalin siya Nique, I mean, whatever it is na kailangan niyo pang pagdaanan dalawa, sana maging matapang kayo. I've never seen Elijha being that happy. Para ko na siyang kapatid eh" natatawang kwento ni Miss Jenny and If I'm right to remember, ito ata ang unang pagkakataon na topic namin si King, I mean iyon, siya talaga ang casual na pinag-uusapan namin.

"Well, I don't know whayt's in him pero parang ang hirap na mag let go sakanya Miss Jenny. Lagi kaming magkasama pati sa bahay I don't know kung ano mangyayari sa'kin if we separate ways" natatawang tugon ko and I mean it.

"Then do everything you can, both of you para maging okay kayong dalawa." She smiled "Para ko na kasing kapatid iyang si Elijha. Parang safe to say to admit na nga na mas naging ate pa ako sakanya kesa sa ate niya. Para ako iyong tumayo bilang ate niya na hindi magawa ng sarili niyang ate for him. Wala naman akong reklamo though, kahit stress ang madalas makuha ko kay Elijha ay nasanay narin naman ako sakanya" she giggled.

Relatives ang Nanay ni Miss Jenny at si Nana at iyon nga, bestfriends ang Ate ni King at si Miss Jenny.

"Nakilala ko na ang Ate ni King last time, once. Medyo hindi sila close ni King pero parang mabait at mahal naman po siya ng ate niya eh" sabi ko

"Oo naman. Mahal ni Laura si Elijha, syempre nag-iisa lang nilang kapatid ang isa't-isa. Kaya lang kasi hindi sila close dahil syempre pinaghihiwalay silang magkapatid ng mga magulang nila. Ayaw ng daddy niya na maging close silang dalawa dahil na rin sa kundisyon ni King" si Miss Jenny "Sinasabi ko ito sa'yo hindi dahil gusto kong kaawaan mo si King, sinasabi ko sa'yo 'to dahil alam syempre deserve mo at alam kong curious ka rin sa pamilyang meron sila. Alam mo naman na ang kondisyon ni King diba?"

Love Game 2: Lost in Love (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon