Protect
--
King's POV--
"How is she?" I said pagkadating ko sa clinic. Kingina! Sobrang nagulat ako sa binalita sa'kin ng mga kaibigan ni Monique sa department nila. Mabuti nalang natapos ko agad ang exam ko!
"She's fine. She's too exhausted, it's better kung dalhin mo nalang siya sa hospital nila once she's awake. I think she needs some fluid too" si Tony
"Okay. Salamat"
Kahit hater ka ng isang tao, there's this time talaga na kailangan mo magbahagi ng gratitude. This time for has come.
"No problem."
Pinuntahan ko si Monique sa kwarto niya sa clinic and she's sleeping. These past few days she barely sleeps at puro aral ang ginagawa niya, sino hindi mapapagod? Shuta sobrang kaba ko kanina! Now I know kung anong pakiramdam nila when I'm on attack mode. It's a heart exploding feeling pala.
"Tay?" She's awake and she sounded weak pero nagulat ako when she runs off to the sink na nasa gilid niya and vommit. What the heck is happening? Is she sick?!
"Nay? O-okay ka lang? T-tara na sa hospital!" I said and I think I'm on the verge of life and death. Natataranta ako, sandali naman!
"Nahihilo ako" she said "But I'll be fine Tay, don't worry!" Looking at her now she's so pale again.
"T-tara na! I can't let you suffer this much!"
Bubuhatin ko sana siya pero she refused. She doesn't want to cause any chaos and confusion daw sa mga makakakita sa'min and she can walk iyon nga lang, visible ang weakness niya. Natatakot ako all of a sudden.
"Pre, susunod kami!" Sila Nikko and I just nodded.
I was assisting her to get inside my car at noong papasok na ako may eepal pa!
"Baby!" Si Kisses
"Stop meddling! Busy ako!" Sabi ko and entered my car
"Baby may sasabihin--"
Pinaandar ko na ang sasakyan ko at agad pinatakbo. Nonsense!
"Tay, dahandahan naman sa pag-dadrive!" She said "Baka mamaya, buntis ako paano na si baby?" She giggled pero I suddenly step on the break buti nalang hindi masyadong dama ang impact.
"What?!" I can't believe what I just heard.
"Baliw. Sineryoso naman!" She chuckled. She's still pale but here she is tuwang-tuwa pa ata sa pagkakataranta ko ngayon! 'Tong babaeng 'to talaga! "Ang sabi ko lang naman kasi, don't panic too much. Okay lang ako, mediyo nahihilo lang pero okay na ako, hindi na nga kailangan pumunta sa hospital eh pero sabi ng head nurse kanina, I need to have some fluid kaya iyon nalang gagawin ko. Dehydrated din ata ako eh! Medyo nasobrahan ako sa sarili ko these past few days" she said and still smiling.
"Ikaw kasi matigas din ang ulo mo eh! I'm so worried!" I said and sighed.
Pagkadating namin sa hospital ay agad na-confine si Monique and worst sumuka na naman siya.
"What happened?!" Si Dok as he was in hurry and obviously in panic too.
"Ang sabi sa'kin she suddenly passed out after their exam. Sabi ng head nurse over fatigue daw at dehydrated." I said.
Ang seryoso ni Dok, he seems angry and really worried.
"Mag-uusap tayong dalawa mamaya! Lumabas ka muna" sabi nito and I nodded.
Kingina. Masesermonan pa ata ako! Okay lang, tatanggapin ko naman. I will definitely understand him.
Nasa waiting lounge ako ngayon ng emergency room. Monique is weak at binigyan na muna siya ng pampatulog so she can definitely have a good sleep.