Episode 4

3.6K 260 89
                                    

Stuff toys and roses
-
An: It's been a month already, Happy NayTay day! #24 ❤ Vote, comment and spread 😊

an: no super duper edit. Will reread bukas and edit it! 🙏👌
-

Umalis si King at pinuntahan ko agad si Daddy.

"Dad, ano yun? Bakit ganun si King? Anong nangyari dun? May problema ba? A-ano iyong bawal at hindi ko dapat malaman?Hindi, ano ba iyong dapat kong malaman? Bakit parang bawal kong malaman?" diredirecho kong tugon.

"Hindi ako ang dapat kausapin tungkol diyan anak, you have to talk to Elijha" napaupo si Daddy sa kama at napabuntong hininga.

"Daddy, boyfriend ko si King,oo! Pero anak niyo ako. Bakit parang mas pinagtatakpan mo pa siya? Hindi ko dapat malaman? Bakit? Masasaktan ba ako?" napatingin si Daddy sa'kin. "May iba ba siya? Nahuli mo ba siyang may babae? Alam mo ba kung saan pumunta si King sa loob ng 3 months?"

My mind is thinking too deep and wide, hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman. Naiinis ako kasi wala akong maintindihan. What I saw and heard kanina means something is really not right. Something's wrong pero ayaw ipaalam sa'kin.

"Just as I've said, ayokong manggaling sa'kin anak, I'm sorry. You can go, you can talk to him. You deserve to know the truth from his mouth mismo" si Daddy.

Kahit pa anong kumbinsi ko kay Daddy ay close ang desisyon niya na ipaubaya kay King ang pagsasabi ng totoo and honestly  at this point. Nasasaktan na ako. I'm starting to feel sad about what's going on and I can't help but feel hurt. Parang ang blind ko sa mga pangyayari.

Bumalik ako sa kwarto ko and really, I feel shitty inside. Para akong natatakot tanungin si King kung anong nangyayari, what if totoo ang mga hinala ko? Nagkabalikan ba sila ni Icah ng hindi ko alam? Wala din akong balita sakanya for the last 3months, who knows what could have happened?

I tried to shake it off nalang and calm my mind pero habang tumatakbo ang oras ay wala akong ibang maisip kundi si King, hindi rin siya nagtetext ng kahit ano, walang balita. Kaya mas lalong nakakainis!

Bakit para akong naduduwag just now? Bakit parang natatakot akong malaman ang totoo from him, kahit ano tatanggapin ko naman eh, h'wag lang iyong may iba siyang babae and that he loves her more than he loves me. Just by the thought of it, natatakot na ako, naiiyak na ako and naduduwag na ako.

Two hours since then ay wala paring paramdam si King and I'm starting to be paranoid and disappointed at naiinis. Napabuntong hininga na muna ako and started to dial King's numberpara tawagan siya. Bahala na, I want us to talk.

"Nay" he answered

"Where are you?" tanong ko agad and I swear I don't want to sound like nilalambing ko siya instead, mas pinapafeel ko sakanya na galit ako at naiinis na ako.

"Hah? Ah-"

"I said, where are you?!" maldita na kung maldita pero I don't really care. Kapag hindi ako umastang matapang ngayon then most probably I'd lost this battle too soon.

"P-pauwi na" sabi niya

"Pauwi na?! Two hours kang nasa byahe going home?!" mas nainis tuloy ako "Where are you?!" nilalakas ko na ang boses ko dahil I feel so annoyed already.

"Pauwi na nga sa bahay" sabi niya and he sounded annoyed too. Aba! "Bukas nalang Nay, please? H'wag mo ako awayin, not now".

Sa sinabi niyang ito, parang piniga ang aking puso "Fine" at pinatay ko ang tawag and decided na magbihis dahil pupuntahan ko nalang si King sa bahay nila. Ayokong magpaka-gaga at hayaan nalang matapos ang araw na'to na wala akong gagawin, I'll know the truth whatever it is. It's now or never.

Love Game 2: Lost in Love (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon