Episode 16

3.5K 251 95
                                    

Offense
-
In the end ay nagbihis rin naman ako. Hindi niya kasi ako kinakausap at walang ibang ginawa kundi idedma ako noong hindi pa ako nakapag bihis. Hindi ko tuloy alam kong maooffend ako sa ginawa niya or what? Pakiramdam ko hindi ko man lang siya napasama sa liwanag. I giggled. A playful me annoyed him. Baliw 'tong lalaking 'to. Natawa ako and stole a kiss on his cheek. Maaga pa pero he's sleeping really peacefully dahil narin siguro sa sakit na iniinda niya sa katawan. Hay!

Lumabas na muna ako sa kwarto para puntahan sila Nana dahil kailangan ko rin silang kwentuhan sa mga nangyari kay King at iassure silang okay lang ang anak nila.

"Ganun ba anak, mabuti nalang kamo at andoon ka at si Jennifer. Itong Elijha na'to talaga at hindi nag tatanda! Sabi na nga'ng h'wag maghanap ng sakit sa katawan aba'y hindi nakikinig eh." Napabuntong hininga si Nana habang napatingin lang kami ni Tatay Mario sakanya

"H'wag na po kayo mag-alala Nana. Sisiguraduhin ko po na hindi na mangyayari ulit 'to. Confident po akong mabait na si King at hindi siya nangunguna! Sadyang may mga tao lang talaga sa mundo na hindi sanay sa pagbabago ni King at pilit na inilalabas ang dating side niya." Paliwanag ko

"Sana lang talaga hindi makarating sa mga magulang niya ang nangyari! Hindi maganda ang nangyari dahil umabot sa suspension. Compared sa high school days niya ay mas seryoso ang mga nangyayari ngayon" si Tatay Mario

"Iyon narin ang inaalala ko. Hindi naman na si Marife ang Dean, mabuti nga't napakinggan si Jennifer kahit papano" si Nana

Si Mam Marife ang Dean ng Highschool na Mommy ni Miss Jenny.

"Hindi ko po maintindihan, bakit po pagdating sa mga ganyan ni King ang bilis kung makapag react ang parents niya? Samantalang, base sa mga kwento, parang hindi naman naging magulang ang mga magulang niya sakanya" bumuntong hininga ako

Sa totoo lang curious rin talaga ako. Alam niyo iyong parang wala namang pakialam ang mga magulang ni King sakanya eh bakit kapag ganitong nagkakasala siya parang aligaga sila Nana at Tatay Mario na asikasuhin agad agad ang gusot? Parang natatakot silang malaman ng parents ni King ang mga kasalanan nito. Oo, nakakatakot ang Mommy niya pero hello? Presensya nila ang kailangan ni King hindi iyong kung kelan lang nila gusto magpaka parents ay doon lang sila aaksyon, medyo nakakainis din.

Ikinuwento sa'kin ni Nana na gusto na pala kunin ng parents ni King si King papuntang Germany pero ayaw ni King at nagpromise nalang sila Nana na aalagaan nila si King bilang anak nila basta ipagkatiwala lang nila ito sakanya. Kung ganitong marami daw offense si King aba'y syempre daw mas magiging pursigido ang parents niya na ibalik siya sa Germany.

Napabuntong hininga ako sa nalaman kong istorya. Naiinis ako! Naiinis akong isipin na may ganoong parents si King. Hindi niya deserve ang ganoong magulang na after siya ipinanganak ay iniwan ito sa iba at ngayong malaki na ay pwede nilang bawiin, anytime? No wonder dakilang KSP si King at sa patagal naming pagsasama ay unti-unti ko ng naiintindihan kung bakit ganun siya. Nakakalungkot lang.

"K-kailan po ba ang birthday ni King?" Tanong niya

"July 15 pinanganak ang batang iyan pero September 18 namin sinecelebrate, two months siya noon nang nailabas namin siya sa hospital" si Nana "Pero wala naman siyang paki tungkol doon. Kami lang namang tatlo ang nakakaalam" dagdag niya

Sabi ni Nana ayaw mag celebrate ni King ng birthday niya dahil wala naman daw pake ang nag luwal sakanya at kung magcecelebrate man minsan silang tatlo lang. Now I understand kung bakit pati sila Nikko hindi alam kung kailan ang birthday ni King. Nakakaloka.

"Nay!"

Napaangat tingin ako sa itaas dahil narinig kong tumatawag si King mula sa kwarto niya. Nagising ata.

Love Game 2: Lost in Love (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon