Episode 18

3.4K 234 164
                                    

Positive

-

Sana h'wag niyo pong kalimutang iVOTE, mag Comment ng inyong opinyon and Share the stories :)

PS: Ang totoo hindi ko sana iuupdate ito at maghihintay akong ma-reach ang quota ko sa Ep. 17 na 90 pero sige, ipost ko nalang 'to para may good vibes at mawalis ng bahagya ang bad vibes sa twitter world. HAHA! Enjoy :)

-

"Nique?" si Tantan andito na siya.

"Ay hala, pwede ba tapusin ko nalang 'to?" Sabi ko sakanya. Hindi pa kasi ako tapos sa pag-aayos ng counter namin eh

"Nique ako na dito, kami na bahala" si Kristine "Infairness ha ang thoughtful ng mga friends ni King sa'yo! Lalo na iyang si Tantan! Swerte mo rin ano?"

"Grabeh, sakto lang naman" natawa ako at nag ayos na ng gamit ko "sige, salamat sainyo ha?" at kumaway narin ako sakanila "Tony, uuwi na ako. Thank you for today" kumaway ako sakanya

"Bye Nique!" sabay kaway sa'kin ni Tony

-

"Oy Tantan, sure ka bang okay lang ito sa'yo?" sabi ko noong nasa kotse na kami at pauwi na kami "Nakakahiya sainyong mag barkada"

"This is nothing, we want to stop King from worrying about you. You know him, don't you? He's quite possesive" natawa siya pero very very slight lang

"Oo nga eh, salamat talaga sainyo" sabi ko nalang at tumahimik na ako. Medyo nakakailang din kasi talaga itong pagiging tahimik ni Tantan eh. Ni hindi ko pa nakitang tumawa 'to na as in halakhak talaga. Bakit kaya siya ganito?

"Nique, are you okay?"

Napatingin ako kay Tantan sa biglaang pagtatanong niya, mediyo nagulat ako kasi ilang minuto naring nakalipas ang pagtahimik namin

"O-oo naman, b-bakit?"

"Mokya told me about how he told you about King and Icah seeing eachother last day. Hindi mo pa alam" sabi niya at natahimik ako ng iilang segundo...

"Hindi na sinabi sa'kin ni King kaya bahagyang nagulat lang ako" sabi ko at medyo napayuko ako pagkatapos ko siyang sagutin "S-set up daw?"

Nagtanong na ako, siguro naman hindi naman pagtatakpan ni Tantan ang kamalian na iyon incase hindi talaga iyon set up diba?

"We think so. Umalis agad si King when he saw Icah on the resto. You don't have to worry about it okay? We won't-- well at least, I won't make King cheat against you. Don't worry, okay? I'm quite certain he's not going to do that" sabi niya at ewan ko ba, gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Tantan

"Salamat ha? Salamat sainyo ng mga friends mo. I really appreciate it, kahit hindi niyo na nakakasama lagi si King sa mga night out niyo dahil sa'kin ay sumusuporta parin kayo sa'kin" sabi ko at natawa ako ng bahagya. Alam ko rin naman kasi na miss na rin nila ang dating King eh, alam niyo iyon? Iyong nakasanayan nila ay hindi na nila nagagawa dahil sa'kin

"Nah, it's nothing. You made a drastic change for King, we owe you kaya most of our loyalty as King's friends lies in you. It's for his betterment kaya walang reklamo" ngumiti siya

"Alam mo, confirmed ko na" natatawang tugon ko kay Tantan

"Confirmed what?"

"Na, ikaw talaga ang white sheep sa barkada niyo!" Natawa ako "You're different from the group pero it really shows how you care for them kahit nabubully ka nila minsan"

"Kahit masakit sila sa ulo, I owe them a lot lalo na si King. Somehow my gloomy life is in hue whenever I'm with them and I think kahit iba ang ugali ko from the rest, I'm still destined to be their friend after all" natawa siya

Love Game 2: Lost in Love (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon