Love Game
It's me, Icah and Mrs. Montecillo in a private school van now. At ngayon ay wala naman akong ginagawa kundi ang maglaro lang ng game sa phone ko.
"King, okay naba ang pagrereview mo?" si Mrs. Montecillo
"Yup. everything's fine already" direktang tugon ko. Kahit pa wala akong pakialam sakanya ay masyado akong good mood ayaw ko mag sungit.
"Good" sabi niya lang, good talaga! "How about you Icah?"
"Po?"
"Okay ka lang ba? Parang kanina ka pa tahimik at parang wala sa sarili. Are you feeling well?"
"Ah, okay lang po ako Mam. Medyo kinakabahan lang. Ganito po talaga ako"
Kahit ayaw ko sila pansinin ay wala naman akong choice dahil kami lang naman dito.
"Mag stop over na muna tayo for our lunch. Okay na ba sainyo itong resto?"
"I'm fine. Ikaw ba Eli?" Si Icah all of a sudden and she smiled at me. Weird, kanina lang tahimik siya ngan parang nasa mood na.
"Okay lang din" I said casually
Kumain kami sa isang resto and here I am being out of place dahil nag-uusap ang dalawang babae. Ang hirap na ganitong ako lang lalaki though sanay naman ako. Bahala na nga. Magka-text kami ngayon ni Monika. Kingina naaalala ko na naman ng mga pasimpleng moves niya sa'kin kanina. Pisti parang gusto ko na bumalik ng Manila eh. Different feeling! It still feels like I'm electrified inside.
Ngango ang aga pero kinikilig ako! Lintek get a grip of yourself King! Kalma! I giggled in my mind. Maybe it's just that this mood Minique has right now is making my heart happy. Different level! Ang corny pero kingina talaga, sarap mabuhay!