Episode 41

3.5K 279 177
                                    

Journey

-
Happy 5th NayTay day today! 🤗

Ps: this is not edited. Runned out of time kaya sana maintindihan niyo. Walang net sa bukid namin kaya kailangan ko na 'to iupdate. Huhu
-

Nasa harapan ko na ngayon ang walang malay na si King, andaming nakakabit sakanya'ng apparatus just to help him breathe. Naaawa ako sakanya. Sa totoo lang I didn't took his condition seriously, alam kong it may cause his life pero ngayon na nasa harapan ko siya fighting and trying to make it hurts me. Totoong mapanganib ang sakit niya, I should have known better. Iba parin talaga sa pakiramdam iyong sinampal ka ng katotohanan.

"Nique, kumain ka muna oh. Pinaluto ni Eliza iyan for you." Si Mokya at inabot niya sakin ang lalagayan ng pagkain.

"Kami naman muna Nay, pahinga ka muna sa extra bed oh. Kami na magbabantay malay mo pag full charged kana gising na si Tatay" si Nikko habang nakangisi ito sa'kin

Kasama ko ngayon ang barkada ni King. Alas nuwebe na ng gabi, umuwi na muna sila Nana at Tatay Mario dahil kukuha na muna sila ng gamit. Kami na muna magbabantay.

"Okay lang ako. Baka gumising na si King, I can't miss it." Sabi ko at bahagyang ngumiti sakanila.

"Nay, dapat fresh looking ka pag nakita ka ni Tatay! Tingnan mo oh, mukhang magbebenta kana ng eye bags, murag bilihin ngayon! Hali na mga suki"

Ang kulit ni Nikko may pasayaw pa talaga. Hay naku!

"Have a rest Nique, we will wake you up if something is up, okay?" Si Tantan at napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya

"Sige na nga!" I said and smiled to them

"Hay naku! Nakakahalata na ako Nay ha! Paborito mo si Lolo! Mas sinusunod!" He rolled his eyes on me kaya bahagya akong natawa.

"Bushak ka talaga Nikko!" I said at talagang natawa ako sa mga gestures niya "Matutulog nga muna diba? Tsaka, baka may dumating na linta dito mamaya gisingin niyo rin ako ha? Baka kulang pa iyong sapak ko sakanya eh!" I said

"Eh? Nasapak mo si Icah, Nay?" Si Mokya at gulat na gulat siya

"Oo! Nakita ko Mokx! Thou shall not make Nanay angry talaga. Gusto ko sana awatin eh kaso gigil din ako kay Icah kaya hinayaan ko ng banatan ni Nanay!" Tumawa ng bahagya si Nikko, ang kulit talaga. Hay naku!

"Sasampalin niya ako edi syempre ako na nauna. Ayaw ko man gawin iyon hindi ko narin napigilan. Magulo ang utak ko tapos parang nananadya pa siya" pag depensa ko sa sarili ko

"Forgiven." Si Tantan "C'mon now, have a rest." Madiin niyang tugon kaya natahimik nalang kaming tatlo at natulog nalang ako.

Kahit papano kampante naman akong magiging safe si King habang nakabantay ang mga barkada niya. Maliban kanila Nana, sila naman ang pinaka trustworthy na pamilyang kinikilala ni King eh. Tama din sila, I really need some rest at sana nga pag gising ko ay gising narin si King at sana nga panaginip nalang lahat ito.

Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim. Bumabalik ako sa scenario sa kotse. That was sad. Naisip ko, ako ba kaya talaga ang totoong dahilan kung bakit inatake si King? Kung hindi ko ba pinilit si King na ibreak ako, hindi ba talaga siya aatakihin? Is these all my fault?

I really should have known better. Napapahid ako ng aking luha at kinalma ang sarili ko, ayaw ko naman na mahalata nila Nikko na umiiyak ako ngayon, ayaw ko na silang mag-alala pa.

-
Nagising ako at tahimik ang buong kwarto at tanging mga aparato lang ang naririnig mula kay King. He's still in deep sleep at naiiyak ako habang nakikita siya ngayon, hindi panaginip ang lahat, totoo lahat ito.

Love Game 2: Lost in Love (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon