Staying away
--"Tay, after class diretso na agad ako dito ha? Sundin na natin si Daddy para wala ng gulo!" Natatawang tugon ko.
It's 7:00am and I'm all set to go to school samantalang si King hindi pa pinapayagan ni Daddy na mag out at mamayang hapon nalang daw. And I agreed! I want to make sure muna talaga na magiging okay siya before siya lumabas ng ospital.
"Okay na talaga ako Nay, no need to let me rot in here!"
Here he is having tantrums again dahil hindi na pagbibigyan ang gusto niya. Obviously gusto niya ng mag-out dahil gusto niya akong samahan sa school. Alam niyo naman 'to.
"Tay, please? Ayaw ko rin makampante. Promise after class diretso na ako dito para sabay na tayong umuwi sa bahay. Okay? Please Tay. Hindi rin kasi ako magiging okay kung mag-aalala pa ako sa'yo, at least kung dito ka diba sure talaga na magiging okay ang lahat?" I said and finally he nodded kahit alam kong napipilitan, still, cute parin naman.
"Promise me everything's going to be okay Nay, okay?"
"Oo. I love you, please h'wag ka pasaway dito ha?" I giggled and kissed him "I love you" at umalis na ako after his I love you too.
Glad everything is fine. Nasabi ko narin kanila Nana about sa nangyari kay King at talagang naaawa ako because they can't do anything about the situation pero sinabi ko narin naman sakanila na okay na si King and that he understands a bit kahit papano.
"Nique, good morning! Read the notes na nilagay ko sa book mo? Iyon ang mga discussion natin kahapon and then some coverage for the quizzes today tapos tinext--"
"Anthony?" Tugon ko
"Hmm?"
"Libre kita mamaya ng lunch, sama ka sa barkada namin ha? Please?" I said.
Sa totoo lang malaki ang naging tulong ng mga sticky notes na nilagay niya sa book ko kaya hindi ako nahirapan mag catch-up sa mga na discuss kahapon. Because of that effort din ay malamang hindi ako nganga sa quizzes mamaya dahil kahit na na-advance study ko na iyon ay syempre kailangan uulit-ulitin.
"Naks! Wala ba boyfriend mo? Baka mamaya magkabukol na naman ako" natatawang tugon nito at alam kong kahit nakatawa ito'y seryoso siya dahil totoo naman talagang nagka bukol siya sa pagbatok sakanya ni King noong nakaraan.
"Bukas pa papasok iyon. Sige na ha? I just feel like I owe you something. Sobrang laking tulong ng ginawa mo!" I smiled.
"Sige na nga! Hindi na ako tatanggi diyan" he smiled back.
After class ay ready na kaming lumabas ni Tony sa classroom noong nagulat ako at nasa labas na ng classroom namin si Tantan. Anong ginagawa niya dito? Kinabahan tuloy ako.
"Tantan? Why are you here? May nangyari na naman ba kay King?" I said at talagang nag-aalala ako bigla. I'm seriously worried.
"Relax. I'm just fetching you up for lunch. Everyone's in the canteen already and they asked me to come here for you!" Paliwanag nito.
"Hay! Glad it's not some kind of a bad news." Napahinga ako ng maluwag "By the way, isasama ko si Anthony ha? I owe him a treat for yesterday" Natatawang tugon ko at tumango lang si Tantan.
Habang papunta kami ng canteen ay hinarang na naman kami ni Espasol at ng mga alipores nito. Kailan ba titino ang babaitang ito at naiimbyerna na talaga ako! Sobrang nakakainis na ng presensya niya sa mundo... Este sa school na'to! Minsan parang gusto ko maging dating King ulit si King eh para mapalayas niya na 'tong babaeng 'to eh! Nakakasira ng araw!
"Look at this bitch guys, perfect example of a mouse playing while the cat is away. Wala lang si King ayan ka lumalandi na naman. Kulang nalang si MR para squad goals ah! Does King even know this side of you?" Tinaasan niya pa ako ng kilay. I get it. Dahil kasama ko ngayon si Tony at Tantan ay ganito na agad ang iniisip niya. Grabeh ang isip nitong kulto na'to!