Desperate
-Everything's going to be fine. Somehow gusto ko na paniwalaan ang ate ko that she's really serious with helping Monique and I. Pero, hindi na muna. I need to be cautious, it's like a life and death situation for me that I can't gamble easily.
"Okay ka lang pre?" si Nikko handing me a bottle of beer
"Okay lang ako, nag text kasi ang ate ko, she said Dad and the rest of the family are going here, mukhang totoo nga ang engagement" I said and sighed
"Hirap talaga ang ganyan eh no. Grabeh ang parents mo King! Basta-basta ka na nga lang nila iniwan na parang walang pakialam tapos babalik na parang wala lang nangyari" si Mokya shooking his head
It's complicated. The more I imagine it, the more na sumasakit ang ulo ko. Walanghiya talaga.
"Kahit kailan hindi ko rin maiintindihan ang mga magulang mo Tay! Gigil nila ako eh" si Nikko sabay inom ng beer na bitbit niya
"What's your plan King? Don't hesitate to tell us, we can help, okay?"
"Onga Tay! Tropa tayo sa hirap at ginhawa! Sabihin niyo lang sa'min, okay? Tsaka kapag napanindigan mo talagang ayaw mong makasal kay Icah, for sure naman hindi nila ipipilit! Nyeta, andiyan na nga si Nanay na laging andiyan sayo, choosy pa sila!" si Mokya and I sighed
"Pakasalan mo nalang kaya agad si Nanay, Tay? Legal age naman kayo ah! For sure wala na silang magagawa niyan!"
Napatingin ako kay Nikko
"Stop suggesting nonsense Nikko" pagsita ni Tantan
"Eh? nonsense ba iyon?" he asked "I don't think so, Lo! Eh kasi naman kesa sa iba ikasal si Tatay diba? Bakit hindi nalang magpakasal si King kay Monique, unahan niyo na Tay! For sure, wala naman na silang magagawa! Desperate measures na'yon!" he defends
Somehow, I get Nikko's point. But? Will Monique even consider that? Her parents? What if, pero hindi ko rin naman mapanindigan? It's a risk! Erase!
"Pwede iyon, pero pwede din..." si Mokya, he paused while he's about to say something "...pwede din magka baby na kayo! Pwede kasing pag kasal lang, pwede parin kayong paghiwalayin! Kung may baby na alangan naman kunin ang anak--mali, hindi rin pwede! Sobrang yaman niyo pre, mukhang wala talagang imposible sa pamilya niyo" he gave up.
I sighed. Ano nga ba ang gagawin ko? I'm not even sure.
"Ayaw ko muna isipin" I said "Can we even stop minding about it for now? I don't know what to do yet but I'm already sure about who and what I am fighting for. Iyon nalang muna" I said and drink my beer, Isang bote lang ang limit ko dahil baka makarate ako ni Tantan.
Halos madaling araw na kaming natapos and kahit papano nawala sa isip namin ang mga problema ko na dinadamay ko lang sila, puro kulitan nalang ulit. Something I am pretty thankful of. Kahit mga walanghiya 'tong mga kaibigan kong ito ay lagi nila napapagaan ang pakiramdam ko. I owe them a lot.
"Taena ka Nikko, lasing kana'ng hayup ka! H'wag kang hahalik!" I said dahil itong Nikko na'to lasing na
Nasa guest room kaming apat, iisang higaan dahil malaki naman ang kama.
"Alam namin namimiss mo si Nanay, so ano, umamin kana pre, sumuko na ang bataan? Tapos na ang gyera no?"
"Kingina ako na naman nakikita niyo!" Reklamo ko
"Umamin kana kasi Tay, promise walang makakaalam, kami lang! Tsaka ang unfair ah! Kami share ng share tapos ikaw... so, ano na Tay? May nangyari na no? Meron na iyan, proud na ulit ako sa'yo" si Nikko as he trying to kiss me, damn it.