Silence
--"Grabeh Nay, feeling ko may gyera tayong haharapin bukas" si Nikko habang nagdidikit kami ng mga designs sa venue ng pasurprise party ko kay King.
According nga kay Nana, never pa naexperience ni King ang mga ganitong handaan, isipin niyo iyon, sa sobrang yaman nila diba? Hay!
"Pa-surprise lang naman eh!" Sabi ko at natawa ako ng bahagya "Tsaka, back up namin kayo, kami parin ang involve kaya easyhan niyo lang for sure ayaw din ni King na mapahamak kayo" I said and alam kong tama ako
"What did Laura said? Will the engagement push through? Tomorrow na" si Tantan habang nakahawak siya sa hagdan na pinapatungan ko
"I don't know. I'm not really sure about it. Wala ding sinasabi sa'kin si King about dun, isa lang naman ang klaro sa'kin ngayon eh, pupunta doon si King dahil ipapaalam niyang wala na siyang pake, siguro kakausapin niya ang Daddy niya, I'm not even sure. Wala na akong alam, King's been silent about it. Well, whatever his decision will be, I'll accept it" sabi ko at ngayo'y pababa na ako ng hagdan
"Nay, paano na kung ma set iyong engagement ni Icah at King?" si Nikko
Paano nga ba?
"Edi may bago na kayong Nanay!" I smiled
"Loko kay Nay! Para namang papayag kami?! Una namin naging kaibigan si Icah, akala namin kilala na kilala na namin iyon eh, kaso hindi! Ibang-iba siya, never thought kaya niyang gawin iyon! Tsk!" Napailing ito at bumuntong hininga "Pero Nay, kilala naman natin si Tatay, hindi papayag iyon!" Sabay akbay nito sa'kin.
Comforting din talaga itong si Nikko, naaappreciate ko ang mga banat niyang seryoso, infairness.
"I find Nikko's question earlier a bit interesting Nique, somehow we know a bit about King's father, he loves to act too supreme, his decision might not change at all, what should we do?," Si Tantan.
Nasa kusina kami ngayon at nag-huhugas ng mga gagamiting gamit for tomorrow, like spoons and plates. Simpleng surprise lang ang gagawin ko, a get together sa'min magkakaibigan, sila Nana at Tatay Mario, si Laura, si Miss Jenny, Coach Danny at ang mommy at daddy ko, sila lang ang mga inimbita ko, sila lang din lang naman ang nakakakilala kay King eh. Dapat sana bonggahan ko sana pero dahil nga sa mga nangyari ay feeling ko inappropriate kung talagang may party kaming gagawin, stress pa si King e! Hay naku!
"The engagement might push through" he continued and I sighed.
"It's still going to depend on King's decision." Napabuntong hininga ako ng malalim "I hope he'll make the right choices" I smiled.
Sa totoo lang wala talaga akong maisip na kung anong gagawin, nakasalalay kay King ang magiging desisyon ko, I just need to trust him dahil matalino naman si King, alam ko kung anong magiging desisyon niya para naman sa'kin, para sa lahat.
Naging madali lang ang pagdedecorate sa venue dahil narin sa tulong ng mga kaibigan ko, ngayon ay kasama kaming naglulunch at pupunta naman kami ni Tantan mamaya sa caterer para sa food para bukas. Enjoy ko itong ginagawa ko ngayon, kahit papano'y nakakalimutan ko ang mga problema na nakatambay pa ata sa'min ni King, at talagang ibang klase din itong si Nikko! Benta sa'kin ang mga joke niya!
"Wait, excuse me" sabi ko dahil tumatawag sa'kin si Laura.
Bahagya muna akong lumayo sa grupo at sinagot ang tawag nito
"Laura?"
"Where are you Nique?" She asked
"I'm having lunch at the moment, why?"
Ewan ko pero kinabahan ako bigla, lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"Birthday ni King tomorrow, right? How's the surprise?" She asked at nakahinga ako ng medyo maluwag, nag overthink lang ata ako ng bahagya