Wag kalimutan bumuto, mag comment and ishare ang story na 'to sa kapwa. (Haha)
-
Regret"Nique, dalhin mo muna si King sa clinic. Kami na bahala" si Nikko and honestly ngayon ko lang siya nakitang nagseryoso.
"I'm fine." Si King na hirap mag salita dahil sa sugat sa bibig "Let's talk Nay"
Gets ko kung bakit ganito nalang siya kaaligagang makipag-usap sa'kin. Obviously ako na naman ang inaalala niya. Concern siya sa maaaring isipin ko, he's paranoid.
"Pumunta na muna tayo ng clinic." I insisted "Tony, please kung pwede ikaw na muna bahala sa booth? I owe you this one, please?"
Ngumiti si Tony "You don't need to inform me that, kaladkarin mo na iyan sa clinic. Ako na bahala" at tumango na lamang ako at sinamahan si King sa clinic.
Kasama ko ngayon sila Jane at Eliza na kusa namang pinasama nila Nikko sa'kin.
"Nay--"
"Tay, mamaya kana magsalita! May sugat ka oh! Gusto pa atang dagdagan ko iyan eh! Mag-uusap tayo mamaya dahil kailangan nating dalawa iyan pero sa ngayon, please lang! Tumahimik ka muna"
Nakakagigil. Hindi ko naman as in meant itong galit na nararamdaman ko. It's just that I needed to show this side of me para sumunod. And he did.
Pumasok kami sa clinic at agad pumunta sa isang room, pinahiga ko na muna si King doon as I'm waiting for the med kit.
"Ako nalang po bahala kay King" sabi ng isang nurse
"No need. Ako na, ako naman ang girlfriend" I insisted. Ayaw ko iyong nararamdamang excitement ni Ate noong makita si King. Possesive gone wrong pero ayaw kong pagbuntungan si Ate sa inis ko ngayon.
Nakita kong umirap sa'kin ang nurse bago ito umalis sa kwarto pero wala akong paki!
"Nay, okay lang ako. Wala lang 'to. Promise!" He said kahit naman hirap sa pagsasalita.
"Hindi ako galit sa'yo. At wala akong balak magalit sa nangyari, kaya please? Stop worrying." I sighed
"Aray Nay" mahinang tugon niya habang ginagamot ko ang sugat niya. This is by far the worst na nakita ko siyang ganito na maraming sugat. I hate it.
"Kakausapin ko si MR. Hindi na tama ang pangingialam niya--"
"That won't do. H'wag mo na isali ang sarili mo. He's a bastard kaya don't make me worry" sabi niya at nagiwas tingin siya. I sighed.
"Do you honestly think na palalampasin ko lang 'to? Tay? Kakausapin ko si MR! This has to stop! And pwede ba Tay, kung pwede at kung kaya, iwasan mo nalang muna siya. Well, hindi ko alam--"
Naputol ang sasabihin ko noong nagring ang phone ko and it's Nana. Seems like umabot na sakanya ang balita. Siguro dahil kay Miss Jenny.
"Anak, nabalitaan ko iyong nangyari kay Elijha, kamusta siya? Tumawag sa'kin si Jennifer" Nana's crying. Her motherly love for King is really so genuine.
"Nana, ako na po bahala kay King! Okay naman po siya, actually kasama ko po siya ngayon. After dito sa clinic, uuwi po kami diyan. Diyan niyo nalang po hintayin si King. Don't worry po. Malayo sa bituka niya to. Nakulangan pa nga ata eh" natawa ako and I just did that on purpose para mawala ang pag-aalala nila Nana.
"Ganun ba? Sige. Hintayin nalang namin kayo dito. Salamat anak ha? Isa kang hulog ng langit sa'min".
Ang sweet nila Nana at talagang ayaw ko silang mag-aalala ni Tatay Mario. And I love them dearly for racing King and pouring him love na hindi kayang ibigay ng mismong mga magulang ni King. I'm just being thankful