King's secret
-
Don't forget to Vote, comment and share,please? ❤
-Halos mabingi ako sa mga tinanong niya. Parang huminto ang puso ko sa pag tibok. Niyakap ko siya ng mahigpit, sobrang higpit para hindi siya makatakas from me.
"Sumagot kana" sabi niya and she's crying really hard. She sounded like a kid right now
Bumuntong hininga ulit ako at napapikit saglit. If being honest is the best thing to do for her to stay then, okay.
"May sakit ako." I said directly and I noticed that she nodded "and It's the reason why my dad hates me. His only and closest brother died at the age of 21 because of the same sickness as mine. Sobrang close nila and he can't even moved on by the pain of losing someone he dearly love kaya ayaw niyang maattach sa'kin thinking I'm going to die anyway" natawa ako but I'm honestly breaking inside telling this to her. "And I learned to respect that at hindi na naglakas loob humingi ng atensyon galing sakanya dahil he will never give it to me ever and I'm tired begging for it and so I chose to stop and forget his existence nalang" I kissed Monique's forehead, telling the truth isn't all this easy it is harder than I thought.
Napabuntong hininga na naman ako. I can't even calm my self pero her tight hug makes me feel at ease kahit papano.
I cleared my throat once again before continuing "Is your father my doctor? Yes." I said "I know him since I was a kid. Madalas kami magkaaway dahil minsan masyado siyang strikto. It's a love and hate relationship Nay. Noong una nag dalawang isip ako na if it's a good idea na girlfriend ko anak ng taong alam lahat ng sekreto ko. Pero, naging mabait naman sa'kin si Dok kahit minsan inaasar niya ako" nakaramdam ako ng mas paghigpit ng yakap ni Monique sa'kin na parang sinisiksik niya na ang sarili niya. She wants to comfort me in the best way she could and I must say na she's doing it right.
"Oo, nakilala ko ang Kuya mo sa hospital, I used to spend my whole summer sa hospital community na may regular treatment. It's your dad's idea and he convinced my dad for it na isama ako sa community na yun." I sighed "Well, Vynce has a different sickness than I am pero iisang community kami. He taught me a lot of things besides basketball. Like, being positive despite the circumstances and enjoy life kahit feeling mo anytime you may not wake up anymore." Natawa ako bahagya pero nahampas niya lang ako ng mediyo malakas kaya napa-aray ako "Minsan nag pupustahan kami ng kuya mo, ang sinong hindi na makakabalik sa basketball court, talo. And your brother lost to me"
I heard Monique sob kaya napatigil ako.
"Ituloy ko pa ba to?" Natawa ako "Sabi ko naman sayo eh. Mas maganda talagang keep to myself nalang to. My life's full of shitty scenarios at gumanda lang noong dumating ka kaya the end na Nay!" at akmang tatayo ako pero she pulled me next to her again at tinanday niya pa ang paa niya sa akin. Hello? Kaya ko pa ba to?
"Tuloy mo" she said in between her sobs "Malapit na eh, inarte ka pa" she pouted kaya napapisil ako sa mukha niya.
"Well, when Vynce died, I tried my best to be strong kahit nakakatakot, it felt like ako na susunod noon pero somehow you're dad's been really helpful kahit na palagi kaming nag-aaway. Everything's really great, every summer I still get confine, doon ko rin nasisingit ang pag-aaral in advance to kill time at madalas magkasama kami ng daddy mo" sabi ko nalang, halos walang natira sa'kin eh.
"Pati din ba sa 3 months tay, kaya ka din nawala?"
"Totoo na sinama ako ni Daddy sa Germany for few medical tests pero kinuha din ako ng Daddy mo at siya ang nagconvince sa Daddy ko na bumalik ako dito" I said and sighed
"Is it deadly? are you going to die?" she asked in a bit sad tune.
"Everyone's going to die, it's only a matter of time" natawa ako pero nakurot niya ako "Sakit nun!" reklamo ko, ang bilis talaga ng kamay ng babaeng 'to "I'm just joking grabeh ka sa'kin!"