Passed out
--
Please don't forget to vote for the episode, you can comment your insights and share too! ❤
-Kinabukasan ay maaga ako nagising, as in maaga. Halos dalawang oras lang ang tulog ko pero kailangan ko parin gumising ng umaga dahil sa kailangan ko magluto ng breakfast, I decided na maaga pumunta sa school dahil hindi ako satisfied sa naging review kagabi. I'm preoccupied of what's happening at naiinis din ako kay King dahil kinaya niyang matulog ng mahimbing na may sama ng loob sa'kin.
On the other hand, bothered din ako sa text ni Icah. He didn't even bother to tell me that. Hinatid lang naman diba? Pero bakit?
I shook my head. Thinking about it wouldn't help me answer my test questions later. Ayaw ko mag over think. I sighed.
Aalis na sana ako ng bahay noong saktong bumaba naman si King mula sa itaas. He's awake at siguro pansin niya ng aalis ako kaya before he can talk inunahan ko na.
"Mauuna na ako sa school. May breakfast diyan, be sure to eat. Niready ko na rin ang gamot mo just to make sure na hindi na babalik ang fever mo. Text --"
"Galit ka parin ba? Sorry na Nay" he said hugging me all of a sudden "I was just worried about you tapos malalaman ko pa na kasama mo ate ko" he said
"Ano ba kasi mali sa kasama ko ang ate mo? Tsaka, mabait siya sa'kin at sabi niya sa'kin na boto siya sa akin for you and then hindi ka naniniwala! It feels like you don't want me to believe her na boto siya sa'kin for you. Lahat nalang Tay" I said "Sige na, pupunta na ako ng school! Mauuna na ako" I said at kumawala ako sa yakap niya
"Nay, hindi ko lang naman kasi talaga ma-gets kung bakit ang bilis mo pagkatiwalaan ang ate ko! You don't know her the way I know her! She's been a traitor ever since we were kids!"
"People change Elijha! At saiyo na nanggaling na bata pa kayo nun! Marami ng nag bago! Learn to know her a little better! Not because she hurt you once means she'll do it twice or third times. Give her a chance! Kapatid mo parin siya!" I said "Tay, I'm trying my best to understand your whole point pero kahit one chance lang, let her act like an ate to you like what it should have been!" I sighed "But anyways, kung ayaw mo hindi ko ipipilit naman." I said at tumalikod na ako "I need to go, 10am ang exam ko, I need to recap my reviewer pa. Onga pala, may text ka kagabi, basahin mo nalang!" I said at umalis na ako.
He didn't even bother to stop me but I understand! Sana lang talaga matauhan siya ng kaunti tungkol sa Ate niya. Sa tingin ko kaya naman namin ni King ipaglaban ang meron kami pero the fact na may kakampi kami sa pamilya niya that's a different thing. Mas nakakagaan iyon sa pakiramdam.
-
"Nique, ang aga mo ah" si Tony.
"95% kampante palang kasi ako sa narereview ko eh. I need to be calm and ready para naman walang sisihan. Marami akong iniisip lately kaya kailangan ko mag double time" I smiled
"Sige nga, di na muna kita iisturbohin! Mamaya ako pa dahilan hindi ka mag top sa klase, lagot na!" He giggled at natawa lang ako ng bahagya.
Kahit ganitong focus ako sa pagrereview hindi ko parin maiwasan hindi isipin si King. He's not even texting me. Galit parin ba siya? Eh kamusta naman iyong text sakanya ni Icah? Wala man lang ba siyang reaksyon doon at explaination?!
Damn it.
Hindi na ako makapag-concentrate pa kaya tinext ko na si King.