At ease
--Monique's POV.
Napapikit na lamang ako noong nakita kong naglalakad papunta sa loob ng kwarto ni Icah si King, parang gusto ko siya habulin dahil natatakot ako na baka anong mangyari at kung anong pag-uusapan nila, gusto kong marinig kung ano man ito, ayaw kong hayaan nalang na mag-isa siya doon...
Pero hindi eh. Hindi pwede dahil gusto ko naman respetuhin ang pagkakataong iyon para sakanila. Gusto ko rin na manindigan si King, magdesisyon siya.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ko ilulugar pa ang sakit na nararamdaman ko. Kahit na ayaw kong ipakita kay King na sobra akong nasasaktan ay hindi ko alam kung paano dahil ayaw ko siyang mag-alala. Ayaw kong mag-alala na naman siya at isipin kasalanan niya na naman kahit hindi naman. Ayaw kong maisip niya na nasasaktan ako dahil hindi niya ako kayang ipagtanggol, ayaw kong sisihin niya ang sarili niya dahil hindi niya ako kayang protektahan. Hindi.
"Anak, tubig oh" si Tatay Mario.
Nasa hallways kami ngayon ni Tatay Mario, naghihintay kami kay King.
"Salamat Tay" sabi ko at inabot ko ang tubig na inaalok niya.
My heart hurts big time. Gusto kong iiyak ang nararamdaman ko. I'm angry with the current situation, I'm angry with what's going on. I'm angry with the fact that I'm going through something na ang hirap ipaglaban! It's just that, crying won't change any of these now. Shit happened the least I expected it.
Alam ko naman na maaari nilang ipilit ang kasal pero hindi ko naman inimagine na ganitong proseso ang kailangan namin pagdaanan, umabot sa sakitan at umabot sa muntikan ng pag sayang ng buhay.
"Pasensya kung wala akong nagawa kanina, wala akong nagawa para ipagtanggol ka, anak" si Tatay Mario, binasag niya ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.
"Naiintindihan ko po itay, alam ko po na hindi mo rin ginusto ang nangyari" Pagbuntong hininga ko matapos ko sabihin ito "Kung may choice lang tayo'ng lahat para iwasan ang lahat ng ito ay malamang, hindi rin naman natin gusto mangyari ito, diba?. Kung may choice lang, kaso wala eh, wala tayong magawa dahil ang lakas nila" tugon ko sakanya.
"Magiging okay din ang lahat. Hindi naman pang habang buhay ang pighati ng tao Monique, iyon nalang ang isipin mo ha?"
Nakaramdam ako ng mahinang pagtapik ni Tatay Mario sa ulo ko. Tumango nalang ako para pilit intindihin ang lahat.
Akala ko pagkatapos kong ipaintindi kay Daddy na magiging matatag ako whatever happens ay kaya ko ng i-take lahat ng maaaring mangyari, basta para kay King, basta para sa'ming dalawa. Magiging madali lang lahat.
Kaso, hindi rin, hindi madali, ang hirap dahil pakiramdam ko sa mga pagsubok na dumarating sa'min ni King, pabigat ng pabigat at talagang pahirap ng pahirap! I sighed.
Noong nalaman kong magbabakasyon kami ng pamilya ko sa Japan at talagang hindi kasama si King, I knew from there, something is up, something is about to happen and tama nga ako.
My Dad wanted to protect me and so he decided to take me with him and mom para lumayo. Dapat sana connecting flight na iyon, Japan to Italy pero noong malaman ko ang about doon ay kinausap ko si Daddy na hindi ko gustong takbuhan nalang ng basta-basta ang taong nagparamdaman sa'kin kung gaano kahalaga ang chances ng isang tao. I was given a chance to love a worthy man, why would I miss it?
Alam ko naman na walang ibang gustong gawin si Daddy kundi ang protektahan ako but he has to know that I'm a grown up now, I can do and decide things myself, I can decide whatever my fate will be, I need to learn and I just need guidance and support from them. Luckily, I've convinced him, at pinahabol ko na rin na sana h'wag isisi ni Daddy kay King ang kung ano man ang mangyari at nangyayari, wala naman iyong kasalanan sadyang may mga tao lang talaga na ayaw siyang maging masaya at mahirap man tanggapin, isa na doon ang pamilya niya! Kaurat.