Hope
-
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT & SPREAD mga Lodi 🤣😜
--I'm actually trying to calm myself down. Napipikon ako pero Monique's expression kanina is quite hunting me. Hay! I hope hindi siya masyadong nagalit. Napikon lang naman ako and damn that MR, isa nalang talaga siya sa'kin!
I went to Dr. Martin's clinic for the result and actually kinakabahan ako. I don't really why I have to go through something like this. Never wrecking moment of truth. Kingina!
"Hello, Elijha! Kamusta? You look well!" Isa sa mga nurse ng hospital kung saan andoon ang clinic ni Doc. Isa sa mga major owner ang Daddy ni Monika dito.
"Okay naman, si Dok?" I asked
"Nasa clinic niya, kamusta ka nga?"
Halos feeling close sa'kin ang mga nurse dito kahit kalaban ang tingin ko sakanila lahat! Everyone of them turns to monster like human beings all of a sudden.
"Okay nga Martha! Paulit-ulit ka eh" napaismid ako. Kainis eh.
"Oh ayan, ganyang Elijha ang gusto kong makita! Sige na puntahan mo na si Dok doon, titira ka ba ulit dito?"
"Ewan ko sa'yo! Titira lang ako dito pag retired kana!" I rolled my eyes and started walking away from her.
Isa sa kalaban ko itong si Martha dito sa hospital! She's around on her 40's at sobra siya kung nagagalit at mapanakit whenever I tend to refused medications. Tss!
"Hello, Elijha!"
Every nurse that I meet at the hallways, kilala talaga nila ako dito. Napadaan ako sa isang kwarto, nawala na ang name plate niya...
"Oy, lumabas na ba si Luie, ha?" I asked a nurse who passed by me.
"H-hindi mo ba alam?" She asked me in return.
"Magtatanong ba ako kung alam ko?" I rolled my eyes at nakapamulsa ako ng wala sa oras "Is he out? How's the operation?"
"Tatlong buwan na siyang patay, Elijha. Hindi niya kinaya ang operation sa America"
I was shocked. Louie is also one of my friends here before, halos magkaedad kami at may problema siya sa puso almost the same complications with Vynce, iyong kuya ni Monique. We used to hang-out before noong parehas kaming lahat in house sa community na'to... And the heck!
Sumuko narin pala siya. Sumunod na kay Vynce. I sighed, iniisaisa na mga kasabayan ko, nakakanyeta! My mind's getting exhausted over this kaya ayaw ko itong napapadako ako dito
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at talagang nadaanan ko rin ang dating kwarto ni Vynce. Napapagitnaan ng kwarto namin ni Vynce ang clinic ni Dok. Pumasok ako doon and Dok's on his swivel chair at may hawak siyang papel.
"What took you so long? Nasaan si Monique?" He asked at napaupo ako sa extra chair ng clinic niya facing his table.
"Nasa bahay namin" sabi ko nalang, naalala ko na naman ang mukha ni Monika kanina. Hay! Elijha, anong klaseng araw ba 'to ngayon?! "Is that the result?" I said as I pointed the paper with my lips.
"Oo" he simply replied and judging from his reaction and sighs, alam ko na agad ang resulta. Ano na? "Hinatid ito personally ng Daddy mo dito kanina ito. Nagkita kayo right? Kasama ang anak ko"
"Yeah, pero hindi naman sila nag meet personally. I wanted to go alone pero mapilit si Monika kaya pinasama ko na" I said
"Hanggang saan ang alam ni Monique tungkol sa sakit mo? I'm expecting she knows a lot even to the core of it"