AUTHOR'S POV
Ngayon ay Unang araw ng klase, si Alyssa ay incoming 4th year Psychology student sa Ateneo samantalang si Kiefer ay incoming 3rd year Communications Technology Management student. Naging magkaibigan ang dalawang ito nung unang magkakilala sa Ateneo, Sophomore na si Aly at Freshman palang si Kief noon. Dun din nagsimula ang kanilang pagkakaibigan na hanggang ngayon ay di pa din matinag kahit sikat silang dalawa sa UAAP na parehong binansagang "Phenom" sa magkaibang larangan ng sports. Tumungo na tayo sa storya.
*Tumunog ang alarm*
Nagising sina Aly, Den, Ella at Mae matapos marinig ang alam. Dahil nasa tabi ito ng kama ni Aly, siya ang pumatay nito.
Aly: 4AM na, pagkalabas niyo ng kwarto pakigising nalang yung iba.
Tumango naman ang tatlo at lumabas na para gisingin ang iba habang si Aly ay pumunta sa bathroom para maligo at magayos para sa training. Maya maya pa ay bumaba na din ito para kumain kasabay ang team.
*Habang kumakain*
Ella: Aly, nagtatanong si Kief kung ano schedule mo ngayon... Lalabas daw kasi kayo kapag sumakto sa uwian niya ang uwian mo.
Nagtinginan naman ang iba at binigyan nila si Aly ng nakakalokong ngiti. Sa tinagal kasi ng pagkakaibigan ng dalawa ay di mawala sa isip ng karamihan kung ano na nga ba ang susunod para sa dalawang 'to. Marami kasing nagsasabi na bagay silang dalawa.
Jia: Uy! May date si ate mamaya!
Aly: Date? Madalas kasi akong nilalabas ni Kief pag free kaming dalawa. Kayo mga iniisip niyo dyan! 9:30 to 2 lang klase ko ngayon, eh siya?
Ella: Ah! Hanggang 2 lang din klase nun, baka magiging magkaklase kayo niyan!
ALE: Ehem!
Aly: Psst! Stop! Haha, magkaibigan lang kami nun... Walang 'something' sa aming dalawa kaya kung ako sa inyo kumain na tayo dahil may training pa.
Den: Okay, sabi mo yan eh.
Ngumiti nalang ang buong team at nagpatuloy na sa pagkain. Pagkatapos ay hinugasan na nila ang kinainan at naligo't nagayos na habang si Aly ay naghintay nalang sa sala. Pumunta na sila sa BEG pagkatapos.
BEG
Sakto naman pagdating nila ay nandun na si Coach Tai na naghihintay sa kanila. Nagstart na agad sila magtraining. Habang nagtetraining ay napansin ni Michelle si Kief na papasok ng gym at papunta sa bench para umupo, agad naman itong lumapit sa mga ka-Rookies at kinalabit ang mga 'to.
Michelle: Psst, si kuya Kief nandun sa bench nakaupo... Manunuod din siguro satin.
Kim: Nakita ko. Eh diba may training sila dapat ngayon?
Ana: Oo nga, baka tumakas yan para panuorin tayo magtrain. Haha!
Jamie: Te, baka naman kasi si ate Aly lang ang panunuorin niyang magtrain. *ngiting nakakaloko*
Jia: Tama, baka si ate Aly lang sadya niya dito.
Patago silang nagtawanan nang marinig ito ni Coach Tai. Yari na! Lumapit ito sa kanila at tahimik na pinagsabihan, di naman napansin ng ibang girls dahil busy sa training.
Coach Tai: *kinalabit isa sa mga Rookies* Aha! Kayo mga babae, hindi ito oras para tsismis! Dito tayo para training, di para kwentuhan.
Natawa ang Rookies sa accent ni Coach Tai. Oo, marunong na siya magtagalog.
Coach Tai: Anong tinatawa niyo dyan? Sino ba pinagusapan niyo?
Tiningnan naman ng lima si Kief na nakaupo sa bench, tumingin din si Coach sa direksyon ng tinitingnan. Ngumiti naman itong si Coach Tai na abot tenga pagkaharap ulit sa kanila.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1
FanfictionSila ay kilala bilang "Phenoms" ng Ateneo, si Kiefer at Alyssa. Magkaibigan. Tawagan nilang dalawa ay "Phenom" din. Pero... Papaano kung may mamuo sa kanilang pagkakaibigan? Paano kung isa sa kanila ay mahulog? Sasaluhin kaya o papabayaan lang? Ano...