Author's Note: Hello! Medyo magfofocus ito sa mga iba pang signs na mangyayari habang palapit na ng palapit ang pagkahulog ni Aly kay Kiefer! Enjoy reading! :)
-
FRIDAY: June 7, 2013 - 4:10AM (DORM)
ALYSSA'S POVKiefer: Aly, matagal ko na pinaplano 'to. 4 years na rin tayong dalawa at marami na tayong pinagdaan. Mga pagsubok na hindi natin inaasahan na madadaanan natin pero hindi parin tayo sumuko kahit ganun kasi alam natin na kaya natin yun lagpasan. And we did. *Ngumiti* Nung naging tayo ang saya saya ko nun, sobra.. I became the happiest and the luckiest man in the world on that day I made you mine.
Lumuhod na si Kiefer sa harapan ko. Alam ko na ang mangyayari pero hahayaan ko na siya magpatuloy.
Kiefer: Right now I am kneeling here in front you, asking for your permission to allow me to be the man that will be with you forever.
Ayan na, napapaiyak na ako. Ganun din siya.
Nilabas niya ang maliit na box at tinapat ito sa akin.
Kiefer: Ms. Alyssa Caymo Valdez, will you marry me? *Nakangiting sinabi*
*BEEP BEEP BEEP*
Ano ba yan! Panirang alarm, ang ganda na ng panaginip ko eh! Andun na yung moment namin dalawa, naputol pa! Pangalawang panaginip na yun na tungkol sa amin ni Kiefer, at masasabi kong yun na ang isa sa mga senyales ng pagka-in love ko sa kanya.
Bumangon ako at nakita kong nakabangon na din ang tatlo.
Den: Itong si Aly, umagang umaga nakangiti nanaman.
Aly: May napanaginipan kasi ako.
Ella: Sino si Kiefer?
Aly: Oo, dalawang gabi na nga eh.
Mae: *Nanlaki ang mata* Denden! Diba nasayo listahan ng mga signos mo?
Den: Nasa akin, bakit? Gusto mo ba tignan? Ito oh. *Kuha sa drawer at binigay kay Mae*
Kinuha naman at tinignan ang mga nakalagay. Lumaki nanaman lalo ang mata niya, ito na ang pinakalaking pagbuka ng mata sa ngayon. Singkit kasi. Nakatingin parin kami sa kanya.
Mae: NANGYARI NA ANG THIRD SIGN! ALYSSA 8 NALANG!
Napakunot noo naman si Den at Ella at lumapit ito kay Mae para tignan ang listahan. Habang ako naman ay natulala nanaman. Am I really falling for him?
DENDEN'S POV
Tinitignan ko ngayon ang listahan ng mga signos ko na binabasa ni Mae. Sumigaw kasi ito na nangyari na daw ang third sign.
Den: Patingin nga.
Inabot naman sakin at tinuro ang pangatlong sign.
"3. Tuwing matutulog ka, papanaginipan mong kayong dalawa na magkasama at masaya. Ito yung mapapasagot ka paggising mo "Sayang, sana di nalang natapos yung panaginip!""
Nanlaki ang mata namin ni Ella, tinignan naman namin si Aly na tulala. Lumapit naman kaming tatlo sa kanya at tinabihan sa kama niya, nakabalot pa ang kalahati ng katawan sa kumot habang nakaupo at nakasandal sa likod ang unan niya.
Den: Alyssa, malapit na.
Ella: Konting kunti nalang, Ly. Ahaha!
Aly: I can't believe this is happening.
Mae: Neither do we. *Ngumiti*
Den: Makakatotoo na ang love team niyo. Aly, susuportahan ko kayong dalawa! *Yakap*
Ella: Namin kasi Den, namin.
Den: Oo nga pala. Hehe. *Kumalas sa yakap*
Napangiti naman si Aly at nag group hug kaming apat. Malapit na magkaboyfriend Phenom namin. Thank you, Lord.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1
FanfictionSila ay kilala bilang "Phenoms" ng Ateneo, si Kiefer at Alyssa. Magkaibigan. Tawagan nilang dalawa ay "Phenom" din. Pero... Papaano kung may mamuo sa kanilang pagkakaibigan? Paano kung isa sa kanila ay mahulog? Sasaluhin kaya o papabayaan lang? Ano...