5 DAYS LATER - June 29, 2013 (ABE'S DORM)
AUTHOR'S POVNgayon ang kaarawan ni Alyssa, nasa Batangas siya kasama ang family. At dahil kaarawan niya, pinasyahan ni Coach Perasol na kanselahin ang training ng ABE para makapunta si Kiefer, Ryan, Von, Juami at Christopher sa kanyang kaarawan. Nitong nakaraang araw ay sinabi ni Kiefer na hindi siya makakarating dahil may training sila ngunit kanselado na ngayon. Walang alam ang ALE at si Alyssa kaya naman nagisip ng sorpresa si Kiefer. Ang ibang ABE ay binati nalang si Aly, hindi sila makakasama dahil uuwi sila sa kanilang tahanan.
Tinawag niya sina Juami, Von, Ryan at Christopher para mapagplanuhan ang sorpresa pagkatapos ay tinawagan niya ang Daddy ni Alyssa.
-
Kiefer: Hello tito! Good morning po!DNA: Iho, napatawag ka. Good morning din, sabi ni Alyssa sa akin na hindi ka makakapunta ngayong birthday niya. Sayang naman, ikaw pa naman ang hinihintay namin dito. Kamusta na?
Kiefer: Okay lang naman po. Matanong lang, san kayo ngayon? Wala po ba dyan si Aly?
DNA: Nasa kwarto tapos si Aly nasa baba. Bakit?
Kiefer: May sasabihin po kasi ako, kanselado training namin dahil nga kaarawan ni Alyssa. Wag kayong mag-ingay kay Alyssa tito, pupunta ako mamaya para magsorpresa sa kanya. Kung nagtatanong kayo kung ano yun eh magpapatugtog kami mamaya pero tago kaming pupunta dyan para hindi mahuli. Okay lang po ba?
DNA: Magandang ideya yan, papunta na din dito ang team ni Alyssa pero hindi ko sasabihin kahit kanino maliban sa tita mo. Wag kang magalala. Buti naman at hindi natuloy, malungkot kasi si Aly kahapon pa.
Kiefer: Salamat po. Alam ko naman na malulungkot yun kaya masaya ako at hindi natuloy ang training namin. Importante rin po ito sa akin.
DNA: Importante? Bakit naman?
Kiefer: Ay.. Mamaya ko nalang sasabihin after namin magperform dyan. Sige po, ingat!
DNA: Sige sige. Ingat sa biyahe. Nga pala, anong oras dating niyo dito? 5PM ang simula ng party ni Ly.
Kiefer: 5? Tamang tama po, 6PM nandyan na kami. Ayusin pa kasi ang plano tsaka biyahe pa po.
DNA: Okay. Kiefer, ingat! See you!
Kiefer: Opo, bye tito!
-
VALDEZ'S HOME
ALYSSA'S POV20 years old na ako ngayon! Di na ako teenager. Matanda na. Haha! Sayang wala si Kiefer ngayon, training nila kasi malapit na ang laban. Okay lang, nandito naman ang girls at family ko kahit nakakalungkot lang. Ito kasi yung first time na hindi makakaattend si Kiefer. Hay..
Andito kaming ALE ngayon sa bakuran namin. Kwentuhan, chismisan, tawanan at kainan ang nagaganap.
Ella: May tsismis ako! Alam niyo, balita ko may boyfriend na si Ara!
LAHAT: Seryoso?!
Ella: Sabi na nga ba. Yes, totoolaloo kahapon pa. Sabi ni Abi, nakatsismis ko kahapon.
Den: Taray! Sino daw?
Ella: Alam niyo naman. *Ngumiti*
Ako: Iba talaga si Mang Thomas. Haha!
Amy: Swerte ni Ara Galang. Siya na!
Michelle: Ako naman! Si Ji-
Tinakpan ni Jia bibig ni Mich. Ano kaya tinatago?
Ako: Bakit mo tinakpan?
Ngiting nakakaloko naman ang tatlong musketera. Kilala niyo na sila.
Amy: Jia, is there something you might want to tell us?
BINABASA MO ANG
Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1
FanfictionSila ay kilala bilang "Phenoms" ng Ateneo, si Kiefer at Alyssa. Magkaibigan. Tawagan nilang dalawa ay "Phenom" din. Pero... Papaano kung may mamuo sa kanilang pagkakaibigan? Paano kung isa sa kanila ay mahulog? Sasaluhin kaya o papabayaan lang? Ano...