CONTINUATION: BEG
ALYSSA'S POVSabay kaming pumunta ng BEG, pagkapasok ay nagulat silang lahat. Ang alam kasi nila na galit ako kay Kiefer kaya nagtaka ang lahat kung bakit magkasama kami ngayon.
"Okay na kayo?!" Gulat na tanong ni Ella. "Parang kan-" Hininto siya nina Marge.
"Okay na sila ate! Ang sweet pa nga nila. Kainggit." Sambit ni Gizelle. Kwinento naman nila Marge kung pano siya humingi ng sorry.
"Kailangan ka pa talagang daanan sa flower at illustration board?" Natatawang tanong ni Amy.
"Hard kasi nitong Captain niyo. Kilala niyo naman siya bilang mapride diba?" Pangasar ni Kiefer. Hinampas ko naman siya sa braso ng mahina, nagtawanan naman sila at sinabing dumadami nanaman daw ang langgam.
"Diba nga sabi ko, hindi ko siya papatawarin hangga't hindi maayos ang sorry niya? Ayan." Nagiti kong sabi. "Hindi ako yung tipo ng babae na papayag makipagtawaran sa text or tawag, gusto ko yung harapan dahil mas sincere yun." Paliwanag ko. Kinilig naman sila at inasar si Kiefer pero natawa nalang din siya.
"Ang hirap mo naman, kinabahan ako kanina kasi naguusok yung mata mo nung nagpapaliwanag ako sayo." Sabi ni Kiefer.
"Dapat lang! Hindi niyo kami basta madadaanan sa simpleng sorry, gusto namin yung pinaninindigan talaga." Singit ni Denden na pinaboran naming mga babae. "Andyan na sila Coach, balik na sa pwesto." Sabi niya. "Kiefer, abot mo na yan kay Aly... Masyado mo ng pinagsisilbihan ang Prinsesa." Asar niyang sabi.
Pagkaabot sakin ng bag ko ay sinabi niyang wag muna ako uuwi dahil may pupuntahan daw kami. Sabi ko naman sa kanya na gabi matatapos ang training pero saglit lang daw sabi ni Kiefer, pumayag nalang ako. Mahirap din tanggihan.
AUTHOR'S POV
Pagkatapos ng training ay hindi muna umuwi si Alyssa dahil may pupuntahan daw sila ni Kiefer. Nagpaalam naman sa mga team mates kaya pinaalalahanan din ang dalawa tungkol sa curfew time. Umalis sila agad pagkatapos.
Pagdating nila sa lugar, tinanong naman ni Aly kung bakit dito siya dinala sapagkat ito yung park na pinuntahan nila ni Kiefer noon. Dito din sila unang nagkalabuan nung umamin siya kay Aly. Ninais din ni Aly na umuwi nalang dahil sa masasamang alaala ng lugar na iyon pero hindi pumayag si Kiefer at sinabing kalimutan na ang nangyari dahil para sa kanya eh past na yun. Tumango nalang si Aly at umubo sila sa may bench.
"Wag ka na malungkot. Kinalimutan ko na yun." Sabi ni Kiefer. Nasasaktan parin kasi siya tuwing naalala ang araw na sinaktan niya si Kiefer. Ang araw na nireject niya ito. Ang araw na humudyat sa labuan ng dalawa dati.
"Naalala ko lang. Bago palang nangyari yun. Hindi ka ba nasasaktan pag naaalala mo?" Seryosong sagot at tanong ni Aly. Agad naman pinahiga ni Kiefer ang ulo nito sa balikat at hinimashimas ang buhok nito saka nagsalita.
"Oo, pero ngayon hindi na. Tinatawanan ko nga lang pag naaalala ko." Natatawang sagot ni Kiefer. "Ikaw ang babaeng una kong iniyakan maliban kay mama. Grabe paghagulgol ko pag dating sa dorm namin, ang laki ng impact sakin nung nareject mo ako. Noon." Patuloy niya.
Inalis naman ni Aly ang pagkahiga ng ulo niya sa balikat ni Kiefer. "Sorry." Sabi niya. Ngumiti naman si Kiefer sa kanya at tinanguan.
"Buti nga naipaliwanag mo nung nagharapan tayo. Akala ko yung araw na nareject mo ako ang katapusan. Hindi pala. Binigyan mo ako ng pagasang maitama lahat ng hindi natin pagkakaintindihan." Sabi ni Kiefer. "Sakto nung araw din ay tumawag mama ko nung nasa dorm na, malas nga lang kasi umiiyak ako nun. Ayoko nga sabihin kaso alam mo naman kapag nanay diba? Nakwento ko tapos sabi niya, wag daw ako sumuko. Hayaan muna daw kita kasi pwede pa magbago ang isip mo na baka naguguluhan lang." Bigla niyang niyakap si Aly. "Alam kong walang kasiguraduhan kung hanggang kailangan ang sayang nararamdaman natin ngayon.." Kumalas siya sa yakap at tinitigan ng mabuti sa mata habang hawak ang dalawang kamay. "Sinisigurado ko naman na kung sakaling mangyari ang hindi dapat mangyari... Andito parin ako sa tabi mo, hindi ako mawawala. Ako sasalo sayo pag sinaktan ka niya. Kung sino man siyang papalit sakin." Ngiti niyang sabi
BINABASA MO ANG
Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1
FanfictionSila ay kilala bilang "Phenoms" ng Ateneo, si Kiefer at Alyssa. Magkaibigan. Tawagan nilang dalawa ay "Phenom" din. Pero... Papaano kung may mamuo sa kanilang pagkakaibigan? Paano kung isa sa kanila ay mahulog? Sasaluhin kaya o papabayaan lang? Ano...