THREE DAYS AFTER: June 22, 2013
AUTHOR'S POV
Tatlong araw matapos ang mga pangyayari, naging okay at mas masaya sila. Yung pakiramdam na masaya ka dahil walang gulo o kahit ano. Kumbaga normal lang.
Sa kanilang banda, si Jeron naman ay patuloy na nagpaparamdam kay Alyssa pero sa pamamagitan ng tawag at text lang. Hindi alam ni Alyssa na may intensyon ring manligaw si Jeron sa kanya at dahil nandun si Kiefer, mas nasubukan itong si Jeron. Si Kiefer ang laman ng puso ni Alyssa ngayon ngunit mababago kaya ito? Depende.
ALYSSA'S POV
Sabado nanaman! Walang training as usual. Wala din kaming gagawin ngayong araw kundi gumala, nag-aya kasi si Denden na pumuntang Tagaytay kasi nabobore na siya sa dorm. Hindi naman kami busy kaya go kami! :)
Den: Girls, Tagaytay tayo. Maiba naman, lagi na nalang tayo dito sa Dorm. Sino gusto sumama?
Aly: Ako!
Ella: In na ako.
ALE: Lahat!
Den: Okay, sino magmamaneho?
Marge: Ako nalang.
Den: Edi magayos na tayong lahat, may rest house kami doon. Uuwi tayo bukas ng hapon. Ano okay lang ba?
Ella: Sige! Yaman mo talaga Den!
Den: Porket may rest house mayaman agad? Haha!
ALE except Den: Kunyari pa.
Tumawa nalang siya at umakyat na kaming lahat para ayusin ang gamit sa pang-overnight. Matagal na din kaming di nakakapunta sa malayo kaya exciting 'to!
-
FROM: Jeron Teng
Hi! Good morning, pwede ka ba ngayon? Gusto sana kitang yayain. Okay lang?
Ngek, wrong timing.
TO: Jeron Teng
Hi, Je! Sorry hindi ako pwede may outing kasi team namin. Next time nalang? Sorry ha.
FROM: Jeron Teng
Okay, enjoy kayo! Ingat ka wag na magreply. :)
FROM: Kiefer <3
Phenom! Morning! Pwede ba tayo lumabas mamaya? Miss na kita eh. :(
TO: Kiefer <3
Phenom! Sorry deins ako pwede may overnight kaming mga girls sa Tagaytay. Don't worry dun naman kami kina Den matutulog. Next time nalang ha? Sige, miss you too!
FROM: Kiefer <3
Wrong timing. :( sige, ingat ka dun ha? Remember what I told you about boys, friendly pero not too much okay? Alam mo na yan. Haha! Sige, miss you too. Don't reply. :)
-
Seloso talaga niya, haha! Ilang araw na kami di masyadong nagdedate. Magkasama naman sa school pero naging busy kasi pareho lalo na siya, palapit na laro nila kaya na-extend na din training.
Ella: Ehem! Dalawang lalake ina-aya si Aly kaso wrong timing.
Tsismosang Besh.
Mae: Haba ng hair! Nag-rejoice ka ba girl?
Den: Magkasunod pa nagtext. Ikaw na Ly, di kana mareach!
Aly: Kukulit niyo, haha!
Den: Totoo naman.... Okay, ayos na ba ang lahat? Lalarga na.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1
FanfictionSila ay kilala bilang "Phenoms" ng Ateneo, si Kiefer at Alyssa. Magkaibigan. Tawagan nilang dalawa ay "Phenom" din. Pero... Papaano kung may mamuo sa kanilang pagkakaibigan? Paano kung isa sa kanila ay mahulog? Sasaluhin kaya o papabayaan lang? Ano...