Umiiyak parin si Alyssa.
Tila may malaking bato ang tumama sa ulo niya. Lahat.mLahat ng pinagdaanan nila naalala ni Alyssa. Mula nung magkakilala sila, naging magkaibigan, nagkaaway, pagbabati, panliligaw ni Kiefer, pagkakamabutihan, aksidente, at pagtuldok ng masayang pinagsamahan nila.
Naalala niya lahat yun.
Hindi na niya tinignan ang orasan niya dahil sa sobrang pagiyak, habang umiiyak ay binubulong ang sarili na parang baliw. Hanggang sa may nagbukas ng pintuan, agad siyang tumayo, pinunasan ang luha at inayos ang sarili.
"Ay sige, sunod nalang ako dun Kim!" Boses ni Jia yun habang papasok ng CR, "Oy! Ate Aly!" Bati niya.
"Ikaw pala..." Sabi ni Alyssa, halatang walang buhay ang boses niya... Kirot ang napapaloob sa kanya. Binigyan naman nito si Jia ng ngiti pero ang pait ng ngiti niya. "Sige, una na ako... Malapit na din ang klase." Aalis na dapat siya subalit pinigilan ni Jia.
"Hindi ka okay." Pagpigil ni Jia habang nakahawak sa braso niya. "Anong nangyari sayo? Galing ka ata sa iyak." Habang nakaturo sa mata niyang namumula.
"Wala yan... Napuwing lang. Masakit kasi yung pagkapuwing." Palusot ni Alyssa. Hindi kumbinsido si Jia sa sagot niya pero pinalipas nalang dahil may klase pa. Muling nagpaalam si Alyssa at umalis na. Naiwan naman si Jia doon na nagiisip.
"Puwing? Grabe naman pagkapula ng mata nun." Sabi ni Jia sa sarili.
**
"Alyssa!" Bati ni Marge sabay yakap sa kanya, "Thank you din pala."
Kaklase ni Alyssa si Marge ngayon, kaya naman hindi mapalagay si Alyssa dahil isa pa... Magkatabi sila ng upuan.
"Thank you saan?" Tanong niya para hindi mahalataan, alam naman nito ang sagot.
Umupo si Marge at sinabing, "Kami na. Salamat sa tulong mo, hindi ako nagkamali."
Kami na.
Nakarinig nanaman ng masakit na salita si Alyssa, masaklap ay galing ito sa kaibigan niyang girlfriend ni Kiefer Ravena na... Bestfriend niya. Oo, bestfriend lang... Walang "SILA".
Ngumiti si Alyssa sa kanya at sinabing, "Sabi ko naman sayo! Basta ingatan mo yun ah? Pag may problema kayo, kwento mo lang sakin... Tutulungan kita."
Talo, talong-talo si Alyssa dun sa binitawan niyang salita. Mas nakadagdag lang sa sakit ng puso, wala naman siyang magagawa dahil nandyan na.
"Thanks, Ly." Sabi ni Marge.
**
Pagkatapos ng training ay dumeretso agad siya sa Shower Room dahil ayaw makita ang sweetness ni Marge at Kiefer. Walang gana si Alyssa nung nagtraining, nakikipagusap naman siya pero tipid lang ng sagot. Inisip naman ng iba na baka nastress lang ngayon. Pagkalabas ay nakita niyang magkaakbay ang dalawa kaya nauna siyang bumalik ng Dorm, hindi na naghintay sa team... Kumaripas siya sa paglalakad.
Habang naglalakad ay tinatawag siya nina Denden pero binalewala lang niya 'to, lumingon siya at binigyan ng ngiti bago humarap para magpatuloy sa lakad. Habang naglalakd ay nagsisimula nang tumulo ang luha, agad naman niyang pinunasan.
Pagpasok sa Dorm agad umakyat sa taas, nagbihis at gumawa ng requirements. Ilang saglit lamang ay dumating na sina Denden sa kwarto.
"Bilis mo naman maglakad, Ly. Hirap mong habulin!" Bungad ni Ella habang kumakain ng Piattos.
"Kainin mo nalang Piattos mo para makapagsimula na sa reports natin." Sermon ni Mae.
"Sabi ko nga." Sabi ni Ella at kinain ang Piattos.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1
FanfictionSila ay kilala bilang "Phenoms" ng Ateneo, si Kiefer at Alyssa. Magkaibigan. Tawagan nilang dalawa ay "Phenom" din. Pero... Papaano kung may mamuo sa kanilang pagkakaibigan? Paano kung isa sa kanila ay mahulog? Sasaluhin kaya o papabayaan lang? Ano...