WEDNESDAY: JUNE 9, 2013
JERON'S POV
Nandito ako ngayon sa ospital kung san nakaconfine si Alyssa. Hanggang ngayon ay hindi parin siya nagigising.
"Gumising ka na, miss na kita." Bulong ko.
Habang nakaupo ako sa tabi ng kama niya ay nagsipasok ang ABE, ALE at parents ng dalawa. Agad naman akong tumayo at binati silang lahat.
"Hello! Pasensya na hindi ako nakapagpaalam na pupunta ako." Hiya kong sabi.
"Okay lang iho, ikaw ba si Jeron Teng? Ang kaibigan ng anak ko?" Tanong ng Daddy ni Alyssa.
"Opo, pasensya na po ulet." Paghingi ko ng paumanhin.
"Tita! Tito! Jeron, labas muna kami." Singit nina Denden. Tumango kaming lima at lumabas ulit sila.
ELLA'S POV
Pagkarating namin ng ospital ay nakasalubong namin ang magulang ng dalawa, agad naman kaming pumunta sa kwarto pero nang buksan ay nakita namin si Jeron na umupo sa tabi ng kama ni Alyssa. Humingi naman siya ng paumanhin sa hindi pagpapaalam na bibisita siya, ilang saglit pa ay lumabas muna kami at naiwan ang mga magulang at si Jeron sa loob.
"Naiirita ako sa Jeron na yun. Bigla nalang susulpot! Hindi pa pinaalam sa atin muna." Inis kong sabi. Hindi naman sa nangiinsulto pero ayoko dun sa lalaking yun.
"Wala na tayong magagawa, nandyan na." Dismayadong sagot ni Marge.
"Kailangan na nila magising. Sana walang side effects ang operasyon ni Kiefer or kung meron man, yung hindi malala. Ang pagkacomatose ni Kiefer ay magandang oras para kay Jeron na agawin si Alyssa." Sabi ko. "Hindi ba? Paano nalang kung mauunang magising si Aly tapos tulog pa si Kiefer? Sana magising na sila."
"At hindi tayo papayag na maagaw si Alyssa." Sabi ni Denden.
"Hayaan muna natin, natandaan niyo ba sinabi ni Aly? Wag niyong kalimutan yun." Singit ni Amy.
Tumango nalang kami at hinintay na lumabas ang apat. Mamayang alas dose ng tanghali na ang operasyon ni Kiefer, sinabi ng Doktor kina Tito na maaaring tumagal ng 3 to 6 hours ang operasyon niya.
AUTHOR'S POV
Dapat may laro si Kiefer sa UAAP sa July 11 pero dahil nadisgrasya ay hindi muna siya isasama sa line up at posibleng hindi makalaro buong Season kung hindi siya gumaling kaagad at kung hindi siya maliligtas pagkatapos ng operasyon.
In short, maaaring maging katapusan na ito ng kanyang career at... Buhay.
Pagpatak ng alas dose ay pumunta ang Doktor sa room ng dalawa para ipaalam sa magulang ni Kiefer na dadalhin na siya sa Operating room, pinaalam din kung gaano katagal ang operasyon at posibilidad ng pagkaligtas. Pagkatapos ay dinala na nila si Kiefer sa Operating room, sinundan naman ng magulang niya at dun sila naghintay sa tapat ng Operating room.
Si Jeron ay lumabas na rin at nagpaalam sa ibang nakaabang sa kwarto nila Alyssa. Pagkatapos magpaalam ay pumasok na ang team sa loob, agad naman tumabi ang mga 'to sa tapat ng kama ni Alyssa. Maraming upuan doon kaya nakaupo ang lahat.
"Ate Aly, nasa Operating room na si kuya. Masyado kasing malala ang mga sugat niya dahil niligtas ka niya. Hindi namin alam kung maliligtas siya sa operasyon basta ang alam namin malakas siya at kaya niya yun." Sabi ni Jia.
Agad naman napaiyak ang lahat dahil doon.
"San ka ba kasi kayo nagpunta? Ayan tuloy." Iyak na sabi ni Ella.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1
FanfictionSila ay kilala bilang "Phenoms" ng Ateneo, si Kiefer at Alyssa. Magkaibigan. Tawagan nilang dalawa ay "Phenom" din. Pero... Papaano kung may mamuo sa kanilang pagkakaibigan? Paano kung isa sa kanila ay mahulog? Sasaluhin kaya o papabayaan lang? Ano...