Author's Note: Binago ko yung writing style para maiba naman. :)
KIEFER'S POV
Hindi parin siya sumasagot or nagrereply man lang kaya tinawagan ko si Marge kanina para tanungin kung nasan siya, sabi natutulog daw. Si Ella naman tinawagan ko at pinasabi kong mahal ko siya at sorry, HB mode naman ang Ellavator.. Tatawagan para lang daw utusan. Ngayon mag-6 na at walang signs, impossibleng tulog parin yun hanggang ngayon. Duh, gabi na kaya. Nagalala tuloy ako, katangahan ko kasi... Nagassume agad ako kahit wala naman talaga.
"Ano meron dyan sa mukha mo?" Sabi ni Von. Naalala ko nanaman ang sabi niya na pinagtutulakan ko ang mga bagay na hindi totoo. Yes, napagtulakan ko at pahiya na ngayon.
"Si Aly." Hindi ako makapagpatuloy kasi alam kong leleksyunan nila ako.
"Tama ba inisip mo kanina or ako ang tama?" Tanong niya.
"Ikaw ang tama. Man! Pahiya ako. Nakausap ko si Fajardo kanina sa SB tapos inexplain niya din lahat na tama si Aly." Sisi kong sabi. Utak kasi, Kief!
"Kita mo na. Sobrang pagseselos mo pati mga bagay nabibigyan ng malisya. Ikaw ngayon ang pahiya." Sabi niya.
Masyado akong nagisip nun. Impossible ngang gumawa si Aly ng kalokohan, hindi naman siya tulad ng ibang babae na malandi.
"Ito nanaman kami, ngayon ako ang gagawa ng move. Mapride si Aly, baka sapakin ako nun pag kinausap ko kaagad. Ayoko kasing makita na humahawak sa kanya ibang lalake, maliban sa pamilya niya. Masama ba maging seloso? Parang nasasakal ko si Aly eh." Tingin ko nasakal ko siya sa pagbabawal ko, pero si Jeron kasi yun. Tanda kong may kompetisyon kaming dalawa at kailangan ko siyang higitan. Ngayon palang nagigipit na laban namin, pano pa kaya kung pipili na si Aly?
"Selos? Walang problema yun kaso may limitasyon din yan. Wala ka naman dapat ikaselos kasi ikaw lang ang mahal nun, hindi mo naman siya sinasakal pero kung pagpapatuloy mo ang ganyan attitude to the point na magiisip ka ng masama palagi tuwing iba ang kasama niya.... Nakakasakal na yun." Sagot ni Von. "Tipong kahit kaibigan niya lang or bestfriend, iisipin mong may something kahit wala naman talaga. Yun ang hindi tama." Patuloy nito.
"Kailangan magtiwala ka lang sa kanya." Singit ni Ryan. "Kung wala kang tiwala, lagi kang magiisip ng masama." Paliwanag niya.
"May tiwala naman ako sa kanya." Sabi ko. I trust Aly but I don't trust Jeron.
"Sabihin mo sa kanya yan, kasi sa alitan niyo pinapakita mo na wala kang tiwala. Pakita mo sa kanya na may full trust ka para naman humupa galit nun. Mahirap humingi ng tawad sa babaeng galit na parang tigre!" Sambit ni Ryan.
Trust. Dapat kong isaksak sa utak ko. Magtiwala lang.
"Salamat sa paliwanag." Sabi ko. "Ako na bahala sa kanya."
Ngumiti naman sila at tinapik ako sa balikat. Kailangan kong magpakalalake, ayusin ko ang gusot na ito pero magiging mapagmatyag parin dahil hindi pa tapos ang pakikipaglaban ko.
-
ALYSSA'S POV
Monday nanaman, training at school ulet. Mahaba nalang sana ang Weekends pero hindi rin pwede. Haha!
FROM: Kiefer <3
I'm sorry. Hindi ko sinadyang magalit sayo, wag ka ng magalit please?
Paano ko patatawarin ang isang lalaking bago lang pinainit ang ulo ko? Che, maghintay muna siya.
"Bahala ka dyan." Sabi ko sabay pasok sa bag ng phone.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1
FanfictionSila ay kilala bilang "Phenoms" ng Ateneo, si Kiefer at Alyssa. Magkaibigan. Tawagan nilang dalawa ay "Phenom" din. Pero... Papaano kung may mamuo sa kanilang pagkakaibigan? Paano kung isa sa kanila ay mahulog? Sasaluhin kaya o papabayaan lang? Ano...