Author's Note: Part of the plot po ang lahat yun! Sorry sa mga nabiyak ang puso. Huhu!
ALYSSA'S POV
Minahal ko si Kiefer, masakit sakin yung pinakawalan niya ako. Kailangan ko naman tanggapin dahil ginusto ko lahat ng pangyayari, hinayaan ko sarili kong mahulog sa ibang lalake. Hindi ko pinagsisihan yun dahil mabait naman si Jeron sakin, nagkaaminan kami nung gabing inaway ako ng ALE.
FLASHBACK
"Alyssa may aaminin ako sayo." Sabi ni Je habang kumakain kami.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Gusto kita." Sagot niya habang nakangiti.
Napangiti ako nun, nitong nakalipas na araw habang nagsasama kami... Unti akong nahulog sa kanya. Nung una, kaya lang naman ako lumapit sa kanya ay dahil miss ko si Kiefer. Hindi ko lang alam na nahuhulog na pala ako sa isang Jeron Teng, alam kong mali ito pero nagmamahal lang naman ako. Bahala na kung magalit sila sakin.
"Gusto rin kita." Sagot ko.
"Tayo na?" Tanong niya.
"Yes." Sagot ko.
"Yes!" Pasigaw niya tapos tumingin mga tao sa amin. "Sorry."
"Ikaw talaga!" Sabi ko.
"P-Paano si Kiefer?" Tanong niya.
"Papakawalan ko na siya." Sagot ko.
END OF FLASHBACK
Nauna kaming gumising ni Mae, si Mae hindi siya na galit sakin pero pinagsabihan niya ako ng mabuti. Nandito kami ngayon sa Dinner area kumakain.
"Sigurado ka ba dyan sa ginawa mo?" Tanong ni Mae.
"Oo, kesa makipaglokohan pa ako kay Kiefer. Inunahan ko na." Sagot ko.
Huminga siya ng malalim at sinabing, "Sana hindi ka nagkamali sa desisyun mo."
Tumango nalang ako at kumain ulit.
"Ate Ly!" Michelle yata yun.
"Mich, bakit?" Tanong ko.
"Gusto kang kausapin ni Jia pagkatapos mo kumain." Sagot niya.
**
"Jia?" Tawag ko.
"Tuloy lang." Sagot niya, halatang galit parin sakin 'to.
Pagpasok ko nandun sina Marge. Lahat sila, nandun.
"Patatawarin ka namin." Sabi niya bago pa man ako umupo. "Siguraduhin mo lang na tama ang ginawa mo."
"Guys, I'm sorry nasaktan ko kayo." Sabi ko. "Hindi ko kayang lokohin si Kiefer ng matagal, inunahan ko na." Dagdag ko.
"Pero sana marealize mo parin... Sana." Singit ni Ella. "Malaki ang parte niya sa puso mo, alam kong hindi mapapantayan ni Jeron yan."
"Gumawa lang ako ng desisyon." Sabi ko.
"Desisyon na pagsisisihan mo sa bandang huli." Giit ni Denden.
Hindi ko na pinatuloy ang usapan. Nagsorry nalang ulit ako at lumabas na ng kwarto, sumalubong sakin si Mae at niyakap niya ako.
"Magiging okay din ang lahat. Sayang lang kayo ni Kiefer pero sana magising ka balang araw, mapagtanto mo na mahal mo parin siya." Sabi ni Mae sakin.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1
FanfictionSila ay kilala bilang "Phenoms" ng Ateneo, si Kiefer at Alyssa. Magkaibigan. Tawagan nilang dalawa ay "Phenom" din. Pero... Papaano kung may mamuo sa kanilang pagkakaibigan? Paano kung isa sa kanila ay mahulog? Sasaluhin kaya o papabayaan lang? Ano...