Chapter 37

2.9K 43 8
                                    

"Paano si Jeron?" Tanong ni Mae.

"Hindi ko alam, pagisipan ko muna ng mabuti." Sagot ni Ly habang pinupunasan ang luha. Pinainom siya ni Den ng tubig, "Girls... Atin lang 'to ha? Ako na bahala dito. Wag kayong maingay." Pakiusap niya saka uminom ng tubig. Pumayag ang lima ngunit pinalalahanan siya sa mga posibleng kahihinatnan ng sitwasyon, pinangako naman ni Alyssa na hindi siya gagawa ng bagay na makakasira sa kanila.

**

THE NEXT DAY

ALYSSA'S POV

Hindi masyadong maganda ang gising ko ngayon kakaisip sa mga pangyayari. Ito na siguro ang KARMA. Alam kong mali ang inasta ko kahapon pero hindi ko kasi inakalang ganito pala kasakit yun, may iba na ako subalit para akong sinaksak sa nasaksihang pagiisang puso ni Marge at Kiefer. Nakakatawang isipin, ako itong nag-let go, tumulong kina Marge tapos ngayon ako din pala ang masasaktan.

Bumalik lahat, lahat ng sakit na pinaranas ko sa kanya bumalik at nagpagising sakin. Napakasama kong babae, gago na at tanga pa. Dapat nga ako yung girlfriend niya at hindi si Marge. Dapat ako yung nakahawak sa kanya ngayon. Dapat siya ang kasama ko. Wala naman akong magagawa dahil ako nagsimula ng gulong ito.

Naawa ako sa sarili ko. Naawa ako kay Jeron, masasaktan ko din siya. Minahal ko naman siya pero narealize ko na hindi iyun katulad ng pagmamahal na ibinigay ko kay Kiefer. Samantalang si Jeron, buong pusong pinaparamdam sakin na mahal niya ako. Napakaseryoso niya sakin, lahat ng ginagawa ni Kiefer noon ay ginagawa niya. Hindi ko na alam ang gagawin, gulong gulo na ako.

*Phone ringing*

PHONE CONVERSATION

Ako: Hello?

Jeron: Hi, Love! Good morning!

Ako: Good morning!

Jeron: Lamig ng boses mo, okay ka lang ba?

Ako: O-Oo! Okay lang ako, bagong gising lang.

Jeron: Sunday, don't forget. May pinadala ako dyan na pagkain para sayo, kainin mo pagbreak sa training mamaya.

Ako: Yes, I won't. Opo, kakainin ko yun mamaya. Thank you! Sige na, I love you!

Jeron: Good, I love you too! Bye!

END OF PHONE CONVERSATION

"Kailan mo ba sasabihin kay Jeron?" Tanong ni Den sakin na nakikinig pala sa tawagan namin kanina lang.

"Kapag handa na ako, gusto ko maayos akong makakapagsabi sa kanya." Yan lang ang tanging sagot ko, naguguluhan pa kasi at ayokong biglain si Jeron.

**

FEBRUARY 2014

Nakalipas na ang dalawang buwan, masyang masaya sina Marge habang kami naman ni Jeron ay unting nagkakaproblema. Nitong nakaraang araw kasi, actually past month ay hindi ko na maramdaman si Jeron. Ako lang naman ang hindi nakakaramdam, siya naman ang todo effort sakin. Tuwing nagtatanong siya kung may problema ba ay sinasabi ko na wala, sabi ko na pagod lang. Tawagin niyo na akong sinungaling pero hindi ko parin masabi sa kanya ang katotohanan kung bakit ako nagkakaganito. Kinokonsensiya na nga ako eh, kaso hindi ko pa talaga kaya.

Nandito kami sa Pizza Hut ngayon, double date. Valentine's day ngayon... And guess who kung sino kasama namin? Si Marge at Kiefer.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasan tumingin sa dalawa, sweet na sweet kapag kumakain. Nagkukulitan pa nga silang dalawa, nakakainggit... Nakakaselos. Kami ni Jeron dito ang tahimik lang kumain, may sweetness din pero hindi na tulad ng dati.

"Are you okay?" Bulong ni Je sakin habang lumalamon.

"I'm okay." Pagsisinungaling ko. I am not, technically.

Inakbayan naman ako ni Jeron at sinabing, "Kung ano man yan, wag mo na isipin."

**

JERON'S POV

Nandito kami sa Pizza Hut, double date kasi Valentines. Habang kumakain kami, napansin kong walang gana si Ly pero kumakain naman. Mula nung isang buwan ko pa siya nahahalataan, nagulat nga ako kasi mukha siyang nagtatago ng sikreto. Nung 6th Monthsary nga namin last January 26, ang normal lang niya... Hindi nga niya naalala na Monthsary namin nun, sabi naman ni Alyssa na sobrang busy kaya nakalimutan niya. First time pa naman niyang makalimot kaya inintindi ko nalang, ayokong magalit sa girlfriend ko.

"Are you okay?" Tanong ko sa kanya ng pabulong habang kumakain.

"I'm okay." Mahina niyang sagot.

Inakbayan ko naman at sinabing, "Kung ano man yan, wag mo na isipin."

**

Paghatid ko sa kanila sa Dorm nagpaalam ako.

"Next time ulit." Sabi ko kay Alyssa sabay kiss sa cheeks tapos niyakap. Nung niyakap ko siya, ang lamig sa pakiramdam... Hindi ganito yung feeling nung huli ko siyang niyakap. Parang hindi si Alyssa, nung bumitaw ako at tinignan siya... Ang tamlay ng itsura niya pero hinayaan ko nalang dahil pagod siguro. Nagpaalam na din ako kina Marge at Kiefer saka umalis.

Habang nagdadrive ako, inisip ko kung ano ba nangyayari sa kanya. Hindi siya ganito dati, napakasweet pa nga niya. Ngayon parang bato na. May nagawa ba akong mali? Ginawa ko naman lahat para maging masaya kami. Feeling ko tuloy may pagkukulang ako.

Biglang may tanong na sumagi sa isip ko... Nagsasawa na ba siya? Is she slowly falling out of love?

Ang worst, nagseselos ba siya? Sa ayaw at sa hindi pero nahuli ko siyang tumitingin kina Marge at Kiefer nung kumakain kami at habang gumagala sa Mall. Hindi kaya sila ang dahilan kung bakit ganun siya ngayon?

Hindi ko alam. Kailangan ko siyang kausapin sa mga susunod na araw para maliwanagan ako.

-

Next Chapter: The Confrontation. Malapit na tayong matapos guys! Woot woot!

Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon