Chapter 40

3.4K 55 7
                                    

MARGE'S POV

Marahil ay kwinento ni Author ang mga kaganapan sa game kanina. Medyo nagkausap kami ni Alyssa at tinulungan kompa siyang tumayo nung magkabungguan kami sa paghahabol ng bola, labag sa kalooban kong tulungan siya pero team mates kami kaya nirerespeto ko siya bilang Kapitana namin. Awkward pero meh..

PHONE CONVERSATION

Thirdy: Ate Marge!

Ako: Oh? Bakit?

Thirdy: Si kuya Kiefer naospital, kailangan mong pumunta!

Ako: Ano?!

Thirdy: Oo, pumunta ka na ngayon din!

Ako: Sige, pupunta na ako. Sabihin mo sakin kung saang ospital.

Thirdy: St. Lukes po.

Ako: Salamat, bye!

END OF PHONE CONVERSATION

Pagkatapos akong tawagan ay nabalutan ako ng pagaalala, ano nanaman kaya nangyari kay Kiefer? Kanina nung nagusap kami bago pumunta dito normal lang siya.

"Guys, hindi ako makakasama. May pupuntahan lang akong importante." Pagpaalam ko at pumayag sila, ganun din si Coach Tai. Agad ko naman hinila si Michelle palabas ng Dugout, "Mich, wag kang maingay... Naospital si Kiefer at kailangan ko siyang puntahan. Wag kang maingay, sige balik ka na dun." Tumango naman siya at kumaripas na ako palabas ng Arena.

ST. LUKES HOSPITAL

Nakasalubong ko agad sina Tita Mozzy, nakita kong naiiyak sila. Jusko, anong nangyayari dito? "Asan po si Kiefer? Ano po bang nangyayari sa kanya? Bakit nasugod?" Sunod-sunod kong tanong dahil naiiyak na ako sa sobrang pagalala. Nilapitan ako ni Dani para pakalmahin ako.

Tinignan ako nila Tita, at saka sinabi sakin. "Matagal namin gustong sabihin ito sa inyo pero hindi namin alam kung paano sabihin, inatake sa puso si Kiefer habang nasa laro kayo kanina. Oo, may sakit siya sa puso." Lungkot at nanginginig na sabi ni Tito Bong.

"A-Ano p-po?" Tanong ko ulit kahit nasabi na nila, hindi ako makapaniwala sa narinig ko... May sakit pala siya pero hindi manlang sinabi sakin.

"May sakit sa puso si kuya, simula nung ipinanganak siya nandun na ang sakit." Kabadong sagot ni Dani.

Agad akong napaupo at napahawak sa ulo ko, "Bakit 'di mo s-sinabi?" Nanghihina kong tanong sa sarili.

"Maaari na po kayong pumasok." Rinig kong sabi ng Doktor, agad akong tinulungang tumayo ni Dani at sabay kaming pumasok sa loob. Nakita ko ang mga nakasabit at nakakabit kay Kiefer at mas lalo pa akong nanghina nang makita ang matamlay niyang mukha. Parang kanina ang saya namin magusap bago ako umalis papuntang Ateneo tapos ngayon, nakahiga siya sa isang Hospital bed.

Hinawakan ako sa braso nila Tita habang papalapit kay Kiefer, wala na akong ginawa kundi umiyak matapos umupo sa upuan sa tabi niya.

**

Nagising ako after 1 hour, nakatulog pala ako sa kakaiyak. Tinignan ko siya ulit at nahuli ko siyang nakatingin sakin, "Marge..." Ngiting tawag niya sakin, halos tumalbog ang puso ko matapos marinig ang boses niya. Ngumiti lang ako dahil wala akong masabi, ang saya ko dahil um-okay na siya. "Wag ka na umiyak." Sabi niya habang pinupunas ang natitirang luha sa mata ko. "Papangit ka niyan, sige." Biro niya, pinagbigyan ko nalang dahil hindi siya makagalaw.

Sinimula ang ang paguusap namin sa isang tanong, "Bakit hindi mo sinabi sakin?" Napatingin siya sakin ng may awa. "Okay lang naman kahit sabihin mo, aalagaan naman kita." Patuloy ko.

Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon