The Final Chapter... Or Is It?

4.3K 62 2
                                    

Bumalik sa gym silang dalawa ni Alyssa, pagkapasok niya ay nagtaka siya dahil hindi nagalit si Coach sa kanya... Nginitian pa nga ito. Ano nanaman ba trip mo, Coach? Sabi niya sa sarili.

Nilapitan siya ni Coach at si Michelle naman ay bumalik sa training. "Namumugto ang mata mo, sumuko ka na ba?" Tanong ni Coach, nagulat si Alyssa kaya hinila niya si Coach Tai papunta sa bench.

"Paano?" Tanong ni Ly sa kanya, imposibleng may alam si Coach Tai pero sadyang magaling na mind reader intong Coach nila.

"Napansin ko nitong nakalipas na halos tatlong buwan, nagiging strained kayo ni Kiefer sa isa't isa... Nalaman ko naman ang dahilan, magsyota na pala si Marge at Kiefer kaya ka lumalayo. Iniiwasan mong masaktan, hindi ka nga magaling magtago Alyssa... Lumalamya ang training mo simula nang mawala na closure niyo, dun ko napansing may problema ka. Alam ko din ang paghihiwalay niyo ni Jeron, hula ko na dahil kay Kiefer yun. Pasensya na at napagiinitan kita ng ulo, gusto ko lang naman na magfocus ka din sa paglaro mo at hindi lang puro pagibig." Paliwanag ni Coach Tai, natawa si Alyssa sa kanya dahil tama ang hinala ng Coach niya. Mind reader nga talaga.

"Opo, at sumuko na ako. Kanina lang, sinubukan kong humingi ng chance pero mas lalo lang siya nagalit. Dun ko napatunayan na wala na akong puwang sa kanya, si Marge na yung babaeng nagpapasaya sa kanya ngayon." Ngiting sabi ni Alyssa. "Magsisimula ulit ako na wala ng "siya". Magmomove on na ako."

Inakbayan siya ni Coach Tai, "Pait ng ngiti mo ah? May mga bagay talaga na hindi karapatdapat para sa isa't isa, na kahit anong pilit mo... Wala parin mangyayari. Lalo na kung, yung taong sinaktan mo ay sobrang nasaktan. Pwera nalang kung may milagrong mangyari. Hehe! Alam mo na yun."

"Coach, pinanganak ka bang magaling magbasa sa isip ng tao?" Lokong tanong ni Alyssa subalit tinawanan lang siya ni Coach Tai at tumigil sa pagakbay. "Joke lang, Coach! Sige po, magtetraining na ako." Sabi niya at tumayo para sumabay sa mga girls.

**

Paglabas nila sa gym ay lumapit si Alyssa kay Marge, "Marge, pwede ba tayo magusap. Yung tayo lang?" Maayos niyang paalam sa kanya. Pumayag agad si Marge at pumunta sila sa Field, wala kasing tao kaya makakapagusap sila ng masinsinan.

"Ano ba paguusapan natin?" Tanong ni Marge, hindi naman masama yung pagkatanong niya pero halata dito ang tension sa boses niya.

"Hahayaan kitang magalit, pumunta ako sa ospital kaninang madaling araw at kinausap ko si Kiefer. Nauwi lang naman sa pagtatalo, tinanong ko pa siya kung papayag siyang bigyan ako ng chansa pero tinanggihan niya ako.." Bago pa magpatuloy si Alyssa ay tumayo agad si Marge para umalis ngunit tinigilan siya, "Hindi pa ako tapos, makinig ka muna... Kahit ngayon lang.."

Tumayo si Alyssa at nagharapan sila, "Alam kong galit ka sakin. Hindi naman kita masisisi kasi ako yung nanakit pero sana alam mo kung gano kasakit sakin makitang masaya siya sa piling mo. Nakakainggit ka, ang swerte mo kasi sobrang mapagmahal ni Kiefer."

Natigilan si Marge dun sa sinabi ni Alyssa, nakita niya ang pagiging totoo ni Alyssa habang nagsasalita kaya nakinig siyang mabuti.

"Binuhos niya sakin ang pagmamahal at pag-arugang kaya niyang ibigay pero sa sobrang pagka-selfish ko ay hindi ko naisip na makakagawa ako ng bagay na makakasakit sa kanya, ang iwan siya sa ere. Hindi ko alam anong nakain ko at napili ko si Jeron, natandaan mo na 2 weeks lang at naging kami agad. Nakuha ako ni Jeron sa mga panlalambing niya na alam kong mali pero nagpahulog ako, minahal ko naman siya at maayos naman ang halos pitong buwan namin. Nung sinabi mong umamin si Kiefer sayo, aminin ko na masakit parang dun nagsimula pero tinago ko lang dahil gusto kong sumaya siya ulit... Hanggang sa dumating yung araw na sinagot mo siya, it felt like the world crashed before my eyes. Ako nga tumulong sa inyong dalawa pero ako naman ang nasaktan..."

"Ly..." Paghinto ni Marge.

Nagpatuloy parin si Alyssa, "Napakabait niyang tao, kahit sinong babae ay mahuhulog sa kanya. And you are the luckiest. Sumusuko na ako Marge, hindi maganda ang closure namin ni Kiefer kanina. But I can conclude through our small argument at the Hospital that he already moved on and he really loves you. Wag mo siyang bibitawan, wag kang gagaya sakin na hindi marunong makuntento. Simula ngayon, hindi ko na kayo guguluhin pero sana magkakaibigan parin tayo."

"Salamat pero.."

"Pero paano ako? Magiging okay din ako Marge, wag mo nang alalahanin. Basta gusto ko lang ay ituloy niyo kung anong meron kayo ngayon at wag na wag niyong itatapon yan." Sagot ni Alyssa, "Bati na tayo ha?" Pumayag si Marge at nagyakapan sila.

Nagpaalam si Marge sa kanya pagkatapos dahil dadalawin si Kiefer sa ospital.

ST. LUKES HOSPITAL

Pagdating ni Marge ay nakiusap siya kina Mozzy kung pwede silang dalawa muna ni Kiefer ang magusap, pumayag ang mga ito at iniwan ang dalawa sa loob.

"Kamusta ka na?" Panimulang bati ni Marge.

Ngumiti si Kiefer, "Ito umo-okay na, pumunta nga pala dito si..."

"Alyssa. Alam ko, sinabi niya sakin. Nung una akala ko magagalit ako nung magusap kami sa Field pero natuwa ako sa kanya, Kiefer she's giving you up already. Naawa nga lang ako." Sabi ni Marge nang putulin ang sasabihin ni Kiefer.

Nagtaka naman si Kiefer kung bakit dahil una sa lahat wala dapat kaawaan si Marge kay Alyssa, "Naawa ka dun?" Medyo masamang tanong ni Kiefer.

"Oo, naawa ako kasi ramdam kong nasasaktan siya habang pinapakawalan ka na. Narealize niya talaga na mahal ka niya pero dahil sakin isusuko ka niya para maging masaya ka, para maging masaya tayo." Sagot ni Marge.

"Wag mong sisihin ang sarili mo, choice niya ang pakawalan ako pero ni isang salita wala siyang narinig sakin. And I am so thankful at nakilala kita. You are my brightest Angel." Saad ni Kiefer at niyakap siya ni Marge. "I won't let you go."

**

On the other hand, three musketeers featuring Mae, Jia and Michelle saw Alyssa sitting at the Field... She was smiling.

"Nagusap na ba kayo ni Marge?" Mae started to ask.

"Oo, sumuko na ako. Wala ng patutunguhan kung ipaglalaban ko pa, masakit pero... Kailangan." Sabi ni Alyssa at dahan dahan humupa ang mga ngiti niya.

"Peke ng ngiti mo." Singit ni Jia.

"Magiging totoong ngiti din yan pag nakamove on na ako. Ngayon palang nagsisimula na." Saad ni Alyssa. "Nakipagbati na ako kay Marge, buti naman at tanggap niya parin ako."

"Paano ba yan, bagong buhay na din!" Tuwang sabi ni Denden.

"Oo." Sabay ngumiti si Alyssa. This time, it is a smile of someone who is moving on.

"Group hug nga tayo!" Sabi ni Mae.

THE END.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

HEP! WAG KAYONG MAGAGALIT! HAHAHAHA! HINDI PA ITO FINAL.

Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon