TWO YEARS AFTER: ATENEO VS LA SALLE FINALS GAME 3
AUTHOR'S POVNgayon magaganap ang maaaring maging huling laro ni Alyssa bilang isang Ateneo Lady Eagle. Nanalo ang La Salle nung Game 1 ng Season 78 Finals at bumawi naman ang Ateneo sa Game 2. Intense ang naging labanan dahil gusto ng Lady Eagles na manalo para kay Alyssa, huling Season na niya kasi ngayon. Ito na din ang 3-peat Championship run ng Ateneo kung manalo sila ngayong game.
Nung nakagraduate na si Ella at Denden ay nagkaroon ng konting pressure ito para sa team dahil si Alyssa nalang ang natitirang "gunner", subalit nabawasan naman dahil kay Deanna Wong. Isa siyang Rookie Libero na naging Floor General agad dahil sa lakas na kanyang pinakita, ngunit iba parin ang Dennise Lazaro kaya minsan ay hindi nila maiwasang mamiss ang dalawa, wala naman itong kaso kay Wong dahil idolo rin niya si Denden at sayang daw dahil hindi niya ito naabutan.
Nasa Dugout ang Lady Eagles para maghanda sa kanilang pagpasok sa Arena, hindi mawawala ang chikahan mode nila bago maglaro, naging ritwal na nila yun para mabawasan ang pressure.
"Ready ka na?" Tanong ni Amy habang sila ay naghahanda.
"Oo naman." At ngumiti siya dito, agad naman lumungkot ang mukha niya habang tinitignan ang ibang team mates. "Malapit na natin silang iwan."
Inakbayan siya ni Amy na nalulungkot din, "Ganun talaga, hindi naman tayo pwede magtagal dito. Masaya naman ang limang taon natin, nakadalawang panalo na tayo tas ngayon ito ulit para sa pangatlo at huli natin Championship bilang part ng team." Natawa nalang ang dalawa at bumalik sa ginagawa nila.
Lumapit ang ibang team sa kanila, "Ate, malapit niyo na kaming iwan." Lungkot na sabi ni Michelle, siya ang papalit kay Alyssa bilang Captain sa Season 79.
Kinausap naman nila ang buong team at sinabing, "Hindi namin kayo iiwan, susuportahan namin kayo kahit wala na kami dito. Wag kayong matakot na lumaban sa susunod na Season, panatilihin ang Heartstrong, okay? Ikaw Michelle, wag mo silang pababayaan... Ikaw na ang magiging "Ate" sa team, kayo girls pakatatag lang... Kaya niyo yan, mahal namin kayo!" Umiyak silang lahat habang naguusap, lahat ay nakakaramdam ng anxiety sa malapit na pagalis ng Captain nila, "Tama na nga ang iyak! May game pa tayo." At natawa sila.
Nakita nila si Coach Tai na pumasok, malas lang dahil namumugto ang mata nila. "Tama na ang drama, may game pa tayo. Kahit anong mangyari, Heartstrong parin ha? Salamat nga pala sa inyong mga gagraduate na, lalo na ikaw Alyssa, napakalaki ng inambag mo. Sana kahit graduate ka na eh patuloy parin ang humbleness." Sabi ni Coach at mukhang naiiyak, "Nako, pati ako naiiyak na! Maghanda na kayo at tigil na pagiyak, sige." Ngiti niyang sabi at lumabas ulit sa Dugout.
"Amats nanaman si Coach, sabi niya tigil na ang drama pero siya din muntik na maiyak." Natatawang sabi ni Jia.
"Basta tandaan niyo laging sinasabi namin sa inyo." Pagpaalala ni Alyssa.
"Yes Captain!" Sabi nilang lahat.
"Ipapanalo natin ang game para sa inyo!" Sabat ni Michelle at lumambot ang puso nila Alyssa, after nun ay group hug sila. Nakita naman nilang pumasok ang Fab 5 ibang players na grumaduate na.
"Hello!" Bati nila habang papasok. Nagbeso naman sila bilang pag-welcome.
"This is it!" Panimula ni Gretchen. "Ang dami niyong pinagdaan nung wala na ang dalawang 'to pero nakaabot parin. Nakakaproud kayo, sobra." Sabi niya habang tinuro si Denden at Ella.
"Alyssa, alam mo na gagawin mo." Sabi ni Dzi sa kanya.
"Guys! May announcement nga pala si Denden." Sabi ni Ella.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1
FanfictionSila ay kilala bilang "Phenoms" ng Ateneo, si Kiefer at Alyssa. Magkaibigan. Tawagan nilang dalawa ay "Phenom" din. Pero... Papaano kung may mamuo sa kanilang pagkakaibigan? Paano kung isa sa kanila ay mahulog? Sasaluhin kaya o papabayaan lang? Ano...