THE NEXT DAY: June 4, 2013 - 4AM
ALYSSA'S POV
Panibagong araw nanaman! Di parin ako makalimot sa kalokohan ng dalawang Rookie na yun, nagawa pa talagang i-tweet sa Twitter! Mga bata nga naman.
Nagtext si Kiefer, mabasa nga. Siguro alam na niya ang nasa Twitter, kagabi niya kasi ako tinext.
-
FROM: Kiefer Phenom (Sent: 10:30PM - June 3, 2013)
Phenom! Assume nalang ako na natutulog ka na sa mga oras na ito. Nagbukas ka ba ng Twitter bago matulog? Nahuli pala tayo ni Jamie at Jia na naguusap sa Seaside. Haha! I read the replies and it was too funny, nagtrending pa nga tayo number 1 Worldwide under "KiefLy"... Meron na palang ganun? Di manlang natin alam. Siguro kung gising ka pa ngayon, sa part na 'to ng pagbabasa ng text ay gulat na gulat ka na. Haha! Anyway, malamang tulog ka na kaya bukas mo na mababasa tong text pero di bale, magkakasama naman tayo bukas sa lunch break natin... Di nga lang tayo pareho ng uwian. :'( 3:30 kasi dismissal mo, 30 minutes kang nauuna sakin and worst... May training tayo pareho kaya tuwing MWF nalang tayo magkakasama after training, during classes, vacant, bago magtraining, except for Saturdays and Sundays of course! Free Days mo yun until September kasi start na nun ng intense training niyo for Season 76 Volleyball. Malapit na din yung samin ngayong July na kaya tuwing Sunday nalang kita makakasama ng husto na walang training, sana makanuod ka ng mga laban namin para naman ma-inspired ako. :"> pag nagstart naman Season niyo, susuportahan talaga kita. Peksman!
Okay that was long enough for you to read. Good night and good morning, my beautiful Phenom Bestfriend! I love you, see you! :* >:)<
PS: Wag ka na magreply kasi magkikita naman tayo bukas at wag mo na pagagalitan ang dalawang Ninja, its okay lang naman. Haha! Mga bata pa naman kaya natural na kikiligin pag may nakita. :)
-
Natuwa ako sa long message ni Kiefer ganun kasi talaga siya magtext, mahaba pero sweet at nakakatawa parin. No wonder kung bakit matibay ang friendship namin, hindi man kami laging nakakakitaan pero nagagawa parin namin magcommunicate through calls or texts. Malakas kasi tiwala namin sa isa't isa kaya naman natutuwa ako na kahit hindi ako makatawag o text sa kanya, naiintindihan niya naman... Ganun din naman ako sa kanya.
Nagtrending pala kaming dalawa sa Twitter. Nakakaloka, yung dalawang Ninja ang may salarin!
*Tumingin sa paligid at namataan na wala si Ella, Den at Mae*
Ako nalang pala ang gising sa kwartong 'to? Aga naman nagising ang tatlong yun! Makababa na nga.
Pagkababa ko, sumalubong sakin ang ngiti ng ALE na abot tenga. Alam na yata nila ang nandoon sa Twitter. Okay hotseat na ako nito mamaya.
Ella: Aly, maupo ka dito... Nauna na kaming kumain dahil may tatanungin kami sayo. Habang kumakain ka ay tatanungin ka namin... Okay?
Patay, hotseat nga.
Aly: O-okay, pwede naman ako magpaliwanag kada sagot ko d-diba? *Nauutal*
Den: Yes! Dapat valid! *Ngumiti*
Amy: Bawal magsinungaling, we have two witnesses here! *turo kay Jia at Jamie*
Ngumiti naman si Jia at Jamie sakin. Napayuko ako at tumingin sa tatlong musketera at tumango.
Aly: Yes ma'am.
Ella: Sige, kumain ka lang habang tatanungin ka namin. Den, ikaw na magsimula.
Den: Thank you Donya. Aly, ano ang ginawa niyo ni Kief sa MOA kahapon?
Aly: Uh... Nanuod kami ng movie tapos pumunta kami sa Blue Magic para bilhan ako nung malaking Teddy Bear... Nagdinner kami sa Shakey's then tumambay at naglakad sa Seaside after.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1
ФанфикSila ay kilala bilang "Phenoms" ng Ateneo, si Kiefer at Alyssa. Magkaibigan. Tawagan nilang dalawa ay "Phenom" din. Pero... Papaano kung may mamuo sa kanilang pagkakaibigan? Paano kung isa sa kanila ay mahulog? Sasaluhin kaya o papabayaan lang? Ano...