Chapter 27

3.2K 55 9
                                    

Author's Note: May konting JeLy dito. Haha! Pasintabi sa mga KiefLy. :)

JERON'S POV

Madidischarge na si Alyssa mamayang hapon. As usual nagovernight ako dito para tulungan parents ni Aly sa pagbantay, nagpaalam naman ako sa team mates niya kaya ayos lang.

Kinailangan ko talagang magpaalam, overprotective sila kay Aly eh.

"Je."

Napalingon ako sa kanya, nakahiga ako dito sa isang kama. "Gising ka na pala, maaga pa."

Binangon niya ang sarili niya tapos sumandal sa unan. "Medyo kanina pa, hindi ka naman hinanap sa inyo?" Tanong niya sakin.

Bumangon naman ako at umupo. "Alam nila na dito ako matutulog. Gusto kitang bantayan tsaka hindi ako makatulog kakaisip sayo. Sa kalagayan mo. Hindi ka pa 100 percent." Seryosong sabi ko.

"Hindi mo naman ito kailangan gawin. But thanks." Tapos ngumiti siya sakin.

"Naiinis ka ba? Nakukulitan ka ba?" Out of nowhere na tanong ko.

Bigla naman siyang natawa sa tanong ko at sinabing, "Hindi, paano ako maiinis sayo eh ang bait mo? Nagsacrifice ka ng gawain mo this week dahil sakin."

"Ganun ka kasi kahalaga sakin." Sabi ko.... Sa sarili ko lang siyempre.

"Ha?" Oops, narinig yata.

"W-Wala, sige na kumain ka na para lumakas ka." Pagiwas ko. "Kaya mo na ba kainin yan magisa?" Tanong ko bago abutin sa kanya ang bowl na may soup.

"Kaya ko na 'to, thanks." Nginitian niya ako tapos inabot ko naman yung soup. "Ikaw? Kain ka na din. Wag ka na mahiya, pare-pareho tayong nagugutom dito." Sabi niya.

Gusto ko na kumain kaso nahihiya ako pero siya narin nagsabi kaya kumain nalang ako ng chips. Kumain naman ako ng marami bago pumunta dito kina Ly.

"Pwede magtanong sayo? Bakit ganyan ang pagalala mo sakin?" Tanong niya.

Napangiti naman ako dun sa tanong niya. Honestly, hindi ko alam. "Hindi ko alam. Hindi ako ganito dati, ngayon lang. But I swear, walang meaning yun." Paliwanag slash palusot ko bago kumagat ng chips.

FF: AFTERNOON

AUTHOR'S POV

Ngayon na makakalabas si Alyssa, kanina lang pumasok ang Doktor para tanggalin ang mga nakabenda sa kanya. Pinatayo nila si Aly at pinasubukang lumakad, wala na yung pilay niya kaya hindi na nilagyan ng support. Pagkaalis ng Doktor ay agad naligo si Aly, ang parents naman niya ay pumunta sa cashier para bayaran ang bills. Si Jeron naghintay lang sa labas ng CR sa loob ng kwarto. Pagkalabas ni Aly ay saktong dumating ang parents niya.

"Anak, gusto mo bang puntahan si Kiefer?" Tanong ng Daddy niya.

"Opo! Yun nga balak ko eh. Ikaw Je, sama ka?"

"N-No, hindi na. Hintayin ka nalang namin." Mabilis niyang pagtanggi.

Agad naman pumunta si Aly sa room 215, hindi na siya nagpasama kina Je. Si Mozzy ang sumalubong sa kanya pagbukas ng pinto.

"Hi Ly!" Bati ni Mozzy sabay beso sa kanya. "Pasok ka."

"Thank you po!"

Pagpasok niya ay nakita niya si Kiefer na nanunuod ng UAAP, supposedly kasama siya sa laban ngayon. Hindi nahalataan ni Kiefer si Aly kaya naman dahan dahan siyang lumakad palapit sa kanya tapos tinakpan ang mata.

Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon