Chapter 24

2.6K 54 5
                                    

"Pakibuksan po ang ilaw." Sabi ni Kiefer.

"Anak, nakabukas na ang ilaw." Sabi nung Daddy niya.

Dug. Dug. Dug.

"Kiefer!" Sigaw ni Alyssa. Biglang tumayo sina Ella para lapitan siya.

"Bakit Alyssa?" Tanong ni Ella.

"Si Kiefer nasaan?!" Seryosong tanong niya. Halata na ang pagbagsak ng luha sa mga mata.

"Nasa bagong room niya."

"Oo nga pala. Nanaginip ako eh, nabulag daw si Kiefer galing sa operasyon niya. A-Aray..." Iyak na sagot ni Alyssa habang sumakit ang ulo niya. "Natatakot ako, alam kong tulog parin siya ngayon. Pano kung magkatotoo panaginip ko? Bagong opera siya." Lungkot niyang sagot.

"Hindi Ly, may side effects nga yung operasyon niya pero sigurado kaming hindi kasama ang pagkabulag doon." Panigurado ni Amy.

"Tahan na, anak nandito lang kami para sayo." Sagot nung Mommy niya.

Agad naman pinunasan ni Alyssa ang luha niya at humiga ulit.

"Aly, gusto mo na ba kainin yung dinala ko? Baka gutom ka na." Tanong ni Jeron.

"Salamat, medyo gutom na rin ako eh." Sagot ni Aly habang nakahawak sa tiyan niya.

Agad naman inayos ni Jeron ang pagupo niya at pinatayo ng bahagya ang unan para makasandal. Kumuha naman si Jeron ng Banana galing dun sa dala niya at tinulungan niyang pakainin si Alyssa.

"Salamat." Ngiting sagot ni Aly habang ngumunguya.

"Basta pag may kailangan ka, nandito lang ako." Ngiting sagot ni Jeron.

"EHEM." Singit ni Denden. Tumingin naman ang lahat sa kanya.

"Bakit?" Tanong nila.

"Wala. Inubo lang ako." Palusot ni Denden sabay tingin kay Ella at Amy ng nakakaloko. "Naiisip niyo ba ang iniisip ko?" Bulong ni Denden.

Tumingin silang tatlo sa dalawa. "Ayoko talaga dyan." Baling ulit ng tingin ni Ella kay Denden. Napatango naman si Amy bilang pagsangayon sa sinabi ni Ella, ganun din si Denden.

Susubuan sana ni Jeron cereals si Alyssa.

"AY! May lamok!" Sigaw ni Ella. Bigla naman napatingin ang magulang ni Aly pati silang dalawa. "De po, okay na... Napatay na." Ngiting sagot ni Ella sabay nagiba ng tingin sila Aly. Tumingin naman siya ulit kina Den at nagtawanan sila pero mahina lang.

"Demoya ka talaga, paano magkakalamok dito samantalang may aircon?" Natatawang mahinang tanong ni Amy at nagtawanan nanaman ang tatlo.

"Shonggabells! Kunwari lang, may pa subo effect pang nalalaman si Jeron eh." Sagot ni Ella habang natatawa. "Tingnan niyo ulit ngayon, hindi na siya sinusubuan ni Jeron. Effective." Patuloy niya.

"Girls? Anong binubulong niyo dyan?" Takang tanong ni Alyssa habang kumakain.

Napatingin ang tatlo. "Wala! Pinaguusapan lang yung mga nasa Dorm ngayon." Palusot ni Denden. Kumain nalang ulit si Aly.

Biglang bumukas ang pinto, ang mga Lady Eagles pumasok.

"Uy!" Bati nila Ella.

"Hello po Tito at Tita.... At Jeron!" Ngiting bati nila.

"Hello din!" Bati nila.

Nagulat naman sila nang makita si Aly na nakasandal habang kumakain.

"ALYSSA VALDEZ!" Sigaw nila sabay takbo palapit kay Aly. Napatigil sa kain si Alyssa at pinapatong muna kay Jeron sa mini table. "GISING KA NA! MISS KA NAMIN!" Sabay yakap sa kanya.

"Erggh... Girls, sasakalin niyo yata ako. Haha!" Sabi ni Aly at agad naman kumalas ang mga ito sa yakap. "Miss ko na din kayo! Musta training?"

"Ito... Kulang kami kasi wala ka." Lungkot na sagot ni Marge. "Sa wakas, gising ka na. Tinakot mo kaming lahat."

"Malapit na akong lumabas dito. Miss ko na kayo!" Sabi ni Aly tapos group hug ulit ngayon kasama na sina Ella.

Pagkalas sa yakap ay nagtanong sina Jia. "Ate, si kuya? Anong balita sa kanya?"

"Ah.. Successful ang operasyon pero nilipat siya sa ibang room dahil bagong opera lang. Ang saya ko nakasurvive siya." Maligayang sagot ni Aly na agad nagpangiti sa lahat.

"Andyan ka pala kuya Je, sorry. Hehe." Sagot ni Jia pagkalingon.

"Hindi, okay lang... Alam ko naman miss niyo si Kiefer." Ngiting sagot ni Jeron.

"Kumakain ka pa ate, sige kain ka muna. Dun lang kami sa gilid." Sabi ni Jia.

Umupo naman sila sa bakanteng upuan habang si Aly ay kumakain ulit ng cereals. This time, si Jeron ang sumusubo sa kanya.

Habang pinagmamasdan sina Aly ay nagchikahan ang buong team.

"Isang subo pa kay Alyssa at tatayo na ako dito para ipasok sa loob ng bunganga niya ang kutsara." Sabi ni Bea.

Nakita nilang sinubuan ulit ni Jeron si Alyssa.

"Pigilan niyo ako." Sabi ulit ni Bea.

"Chill ka lang! 4 na kayo nila Ella na inis na inis dun." Singit ni Marge. "Actually... Buong team na."

"Gusto mo ng tubig?" Tanong ni Jeron. Um-oo si Aly at inabot sa kanya ang bottled water na dinala.

"Thank you." Sabi ni Alyssa bago uminom. Ngumiti nalang si Jeron sa kanya at nagpatuloy siya sa pagsubo kay Alyssa ng pagkain.

Umiiling lahat ang ALE habang pinapakain si Alyssa. Ang magulang naman niya ay tila natutuwa sa pagalaga ni Jeron sa kanya.

Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon