Chapter 34

2.7K 50 3
                                    

SEPTEMBER 5, 2013

MIKA'S POV

"Tomsy! Narinig mo ba ang balita?" Tanong ni Ara habang bumabangon ako.

"Ano yun?"

"Si Kiefer... Nanliligaw na kay Marge!" Sabi niya.

Ang bilis... Sumuko na siya agad kay Alyssa?

"Ang bilis!" Sabi ko, nawala bigla ang antok ko dun ah.

"Exactly! Ito naman si Alyssa, suko na din pala. Pano na ang JeMik?" Lungkot na sabi ni Ara.

"Hindi ko alam." Yan lang ang sagot ko. Hindi ko na din alam kung mababalik ko pa si Jeron, mukhang masaya na siya. Hindi ko pa nasabi ang mga dahilan sa nangyari noon pero pakiramdam kong tatanggihan niya ako.

"Anong hindi?! Do something! You want him back right?" Tanong ni Ara.

"Oo, eh hindi naman natin masasabi ang lahat." Sagot ko.

"Kumapit ka lang." Singit ni Kim, aba ang aga naman gumising! "Pwede pa magbago ang damdamin nila."

"Aga ng gising natin Wafs!" Asar ko, bigla ba naman nangbato ng unan pagkatapos.

"Ingay niyo kaya!" Seryosong sagot ni Kim.

Ito naman si Ara, natatawa nalang. Mga taong 'to...

"Hahahaha! Tara na nga! Baba na tayo." Sabi ni Ara habang nagpipigil ng tawa.

MARGE'S POV

Ayun, dahil sa sinabi ni Alyssa sakin, narealize ko na tama nga at sobrang manhid na ako. Sabi pa nga na wala daw matutunguhan. Kaloka! Binigyan ko ng chance si Kiefer at ito, nanliligaw na ngayon. Nabunutan ako ng tinik matapos kong makipagusap kay Alyssa nung gabing yun. Masasabi ko na malapit na akong mahulog sa kanya, nagpaalam ako kay Alyssa at sabi niya ayos lang... Susuportahan daw niya kami kung sakali.

Buti nalang nakilala ko siya, tinulungan niya akong sumaya ulit. Yung sayang totoo, walang pagpapanggap. Hindi ko masasabing kami talaga baka magbago damdamin nun. Ramdam kong may 'Alyssa' parin sa puso niya. Kaya nga natatakot ako, paano kung isang araw sabihin niyang mahal niya parin si Alyssa? Babalik nanaman ako sa dati, wasak na Marge. Walang buhay, buhay pero patay ang puso. Lecheng pagibig!

Kakalimutan ko muna mga kinakatakutan ko, ang mahalaga... Masaya kami ngayon.

"Marge, hindi mo pa kinakain oh."

"Ay Kief! Sorry, may sumagi lang sa isip ko." Sabi ko, hindi ko maiwasang magisip. Ewan ko ba!

"I told you so many times... Wala na." Sabi niya sabay baba ng tinidor at hawak sa kanang kamay ko.

"Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo?" Tanong ko.

"Oo." Sabay turo sa kaliwang dibdib. "Ikaw na yan."

Natawa ako sa inasta niya, hindi niya ito ginawa kay Alyssa dati kung matatandaan ko. Laging nagkekwento si Aly kapag may lakad sila.

"Kumain na nga lang tayo." Sagot ko.

"Musta nga pala ang puso mo na sobrang manhid?" Tanong niya.

"Lumambot na." Nilunok ko muna kinain ko, "Lumambot dahil sayo." Ngiting sabi ko, "Salamat."

"Yes!" Sabi niya. Jackpot lang? Haha!

"Kumain ka na nga!" Pagpigil ko, ang saya niya eh!

**

Nandito kami sa luneta park ngayon, nagpapahangin. Nakaupo kami sa isang bench dito, napagod kalalakad.

Habang tinitignan ang paligid napansin ko ang pagtingin niya sakin. Ano nanaman balak mo Kiefer ha?

"Mas bagay sayo ang hindi nakasalamin." Sabi niya.

"So pag nakasalamin ako, hindi bagay?" Pangasar ko. "Sige ito na, tatanggalin na." Sabay tanggal ng salamin at lagay sa bag.

"Maganda ka naman kahit nakasalamin at mas maganda ka pag hindi suot ang antipara mo." Sabay ngiti siya sakin.

"Bolero." Diin ko.

"Sinasabihan ka nga ng maganda eh." Dismayadong sabi niya sabay kumot ng ulo. "Hindi ko maintindihan, kayong mga babae mas naniniwala sa insulto. Kapag naman maganda ang sinasabi, hindi kayo naniniwala."

"Masanay ka na." Sabi ko.

"K." Tipid niyang sagot.

Hay Kiefer, kung alam mo lang... Kinilig ako sa compliment mo. Hihihi!

ALYSSA'S POV

Nagdate ang dalawa, kamusta naman kaya? Blooming ni Marge kanina bago umalis. Iba talaga ang in love!

"Alyssa, wala naman kayong training diba?" Tanong ni Jeron.

Wala kaming tawagan, corny masyado eh. Mas okay kung pangalan namin, mas sweet. Char!

"Wala naman." Sagot ko.

"Kami wala din, punta tayo dun sa gym. You promised me before." Aya niya.

"Yung Volleyball? Sure, tara!" Sabi ko tapos pumunta kami dun sa gym nila. Yep, nasa La Salle ako ngayon. Nakita ko sina Kim kanina pero wala si Mika, busy daw. Grabe naman pagkabusy nun, ilang araw na.

JIA'S POV

Ate Marge just went out on a date kanina with kuya Kiefer. We only found out about it today. We didn't know anything, what is more shocking is ate Aly's reaction... Happy.

She. Is. Happy.

Hindi ako mapalagay nung mga oras na yun, gusto kong pukawin si ate Alyssa. Ramdam kong mahal niya parin si kuya kahit sabi niyang moved on na siya. Oo, moved on na pero sa tingin ko hindi pa. Napansin ko sa tingin nilang dalawa ni kuya kanina na may 'something' pa, nakatago lang sa mga ngiti nila. Don't get me wrong, baliw na kung baliw. Psychology student yata 'to.

PAK!

"Girl! Daydreaming ka nanaman? Kakatapos niyo lang magcelebrate ng Monthsary ni Marck." Si Kim pala yun, makahampas naman.

"I know, hindi yun ang iniisip ko. Sina ano.."

Sasabihin ko sana kung sino tas sumingit si Mich.

"Ate Marge, kuya Kiefer at ate Aly." Patuloy ni Mich. Mind reader ang peg, sige.

"Correct." I sighed. "Hindi pa nakamove on si ate kay Kuya." I said then I raised my right hand up.

"Ha? Ang saya kaya ni ate Alyssa kanina nang makitang makikipagdate na uli si kuya Kiefer, hindi nga lang sa kanya." Kim sadly said.

"Fake yun." I said confidently. "Hindi niyo ba nahalataan sa mga tinginan nila kanina? Obvious na obvious."

"Baliw ka nga, Ji." Ana interrupted.

"Ang masakit dito, gagawin niyang rebound si ate Marge. Nakakatakot." Sabi ko.

"Alam naman ni ate Marge kung ano sila ni kuya dati, nag H2H sila ate Alyssa nun. Wala na talaga." Kim said.

"Wag kayong kumpyansa, alam kong nasasaktan si ate Alyssa... Magaling umarte ang Kapitana natin." I said.

"At magaling magtago ng feelings." Jamie said.

We all nodded our heads.

-

Author's Note: Book 2? Pagiisipan ko pa. Haha!

Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon