FEBRUARY 16
AUTHOR'S POVPagkatapos mapanalunan ng ALE laban kontra FEU ay nagdiwang sila sa dugout dahil pasok sila sa Final 4.
"Sabi sa inyo, girls na kaya niyo!" Maligayang sabi ni Coach Tai
"Hindi namin magagawa 'to kundi dahil sayo Coach!" Sabi ni Alyssa sabay akbay kay Coach Tai.
"Free Dinner!" Hiyaw ni Sir Liao. Tumalon talon naman ang mga babae samantalang si Ella ay napapasayaw.
"Tignan niyo si Ellapots, nakarinig lang na "Free Dinner" nagsasayaw na!" Sabat ni Denden at natawa naman ang lahat.
"Let's go Team Pagkain!" Hiyaw ni Jia habang tumatawa parin sila, maliban kay Alyssa na busy sa phone.
"Tara nang malamanan ang tiyan." Aya ni Coach Tai. "Alyssa, tara na."
Tumayo naman si Alyssa at humingi ng tawad dahil hindi siya makakasama sa Team Dinner. Nagtaka naman sila kung bakit at sagot ni Alyssa na may pupuntahan siyang importante, hindi na nila tinanong kung alin at paglabas nila ng Arena ay nagpaalam si Alyssa na mauuna siya.
Hindi niya binanggit na si Jeron ang kikitain niya, nagtext kasi si Jeron na gusto siyang kausapin.
**
STARBUCKS
Pagdating ni Alyssa ay natagpuan niya si Jeron na nakaupo at umiinom ng kape, lumapit naman siya dito at hinalikan sa cheeks saka umupo. "Hello." Bati ni Alyssa.
Tinigilan ni Jeron ang paginom sa kape at binigay sa kanya ang isang kape na tinakpan. "Coffee."
Napansin ni Alyssa na seryoso ang mukha ni Jeron. "Ano ba paguusapan natin?" Tanong niya sabay higop sa kape.
"We need to clear things out." Seryosong sagot ni Jeron, napatingin si Alyssa na halatang kinakabahan. "Congrats nga pala sa panalo niyo, I'm very proud of you." Ngiting sabi ni Jeron.
Ngumiti si Alyssa ng slight. "Ano ba kaklaruhin natin? Wala naman tayong problema." Pagtataka niya.
"Mahal mo pa ba ako?" Seryosong tanong ni Jeron na nagpatigil kay Alyssa sa paginom ng kape, tinignan siya ni Alyssa ng seryoso sa mukha pero walang binigay na sagot. "Mahal mo pa ba ako?" Muling tanong ni Jeron. Napasandal sa upuan si Alyssa dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. "Bakit hindi mo ako masagot?" Tanong ni Jeron.
Inayos ni Alyssa ang pagkaupo niya tinanong siya, "Kapag sinabi kong hindi na, anong gagawin mo?"
"Hindi mo dapat ako tinanong. Sagutin mo ang tanong ko." Pagbaling ni Jeron.
After 2 minutes of silence.
"Mahal kita pero..." Hindi matapos ni Alyssa ang sinabi niya dahil pinutol siya ni Jeron.
Hinawakan ni Jeron ang kamay niya at binigyan malungkot na tingin. "Pero mas mahal mo siya at mahal mo parin siya." Patuloy ni Jeron at nginitian siya ng may halong lungkot. Hindi niya sinabi kung sino ang tinutukoy dahil halata na kung sino ang pinaguusapan. Sasagot dapat si Alyssa pero tinigilan siya. "Hindi natin kailangan maglokohan dito, kinausap ko si Denden at sinabi niya sakin ang lahat." Bulgar na sabi ni Jeron. "Walang alam si Marge at Kiefer, tayo lang pito ang nakakaalam."
"Mahal kita." Mahinang sagot ni Alyssa. "Tinanggap ko na lahat, matagal na yun."
Hindi nakumbinsi si Jeron sa kanya. "Oo nga, tinanggap mo pero hindi mo naman maiwasang masaktan tuwing makikita mo sila. Oo, nahuli kita... Nung nagdate tayo kasama ang dalawa, nakita ko sa mata mo. Nagseselos ka diba? Nasasaktan ka, nagsisisi ka, ang tamlay mo nun. Nung una hindi ako naniwala sa mga inisip ko pero nahalataan ko sayo mismo." Pangbubuko niya.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1
ФанфикSila ay kilala bilang "Phenoms" ng Ateneo, si Kiefer at Alyssa. Magkaibigan. Tawagan nilang dalawa ay "Phenom" din. Pero... Papaano kung may mamuo sa kanilang pagkakaibigan? Paano kung isa sa kanila ay mahulog? Sasaluhin kaya o papabayaan lang? Ano...