CONTINUATION: June 4, 2013 (BEG)
KIEFER'S POV
Nilagay ko na ang sports bag ni Aly dun sa bench. Pagkalingon naming dalawa ay nakangiti silang lahat sa amin. Naputol ang mga ngiti nila nang magsalita na sila Coach.
Coach Tai: Okay tama na ang ngiti! Start na tayo ng training girls! Same routine parin.
Coach Perasol: Boys, warm up na bago magtraining!
Agad naman akong tumingin kay Aly at tumango naman siya kaya pumunta na ako sa side namin. Nagwarm up na kami.
After nun ay nagsimula na kami magtraining.
ALYSSA'S POV
Ngayon ay tapos na kami magwarm up, ganun din sila Kiefer. Ngayon ay magsisimula na kami sa pagtetraining. Habang nagtetraining ay napapansin ko na tumitingin si Kiefer sa akin. Pasulyap sulyap din naman ako ng pagtingin sa kanya habang nasa training kami nang biglang matamaan ng bola sa ulo si Kiefer.
Tumakbo ako para tingin kung okay lang siya.
Aly: Phenom, ayos ka lang? *Nagaalala*
Pano ba naman kasi habang nagtetraining eh tumitingin sa akin.
Kiefer: O-okay lang ako, h-hindi naman masakit masyado.
Von: Bro, sorry di ko sinasadya.
Kiefer: Okay lang Von.
Inalalayan ko siya tumayo at saka binitawan, bumalik na kami sa kanyang mga pwesto. Bigla naman nagsalita ang Coach namin.
Coach Perasol: Ayan kasi, kakatitig kay Kapitana natamaan ka pa ng bola sa ulo.
Coach Tai: Perasol, mukhang nasobrahan sa titig ang bata mo sa alaga ko.
Sabay nagtawanan silang dalawa pati ang ABE at ALE, ngumiti nalang ako at bumalik ulit sa training. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinitignan, kahit medyo pawisan na siya ang gwapo parin niya. Kahit matamaan ng bola, gwapo parin. Hay.
KIEFER'S POV
Natamaan ako ng bola. Tinitignan ko kasi si Aly. Ang ganda niya talaga, kahit malayuan ang ganda parin tignan. Isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya maliban sa ngiti niya.
Andito na ulit ako sa side namin at nagtraining ulit. After 1 hour ay nagpabreak muna ng 30 minutes, lumapit naman si Von at nagtanong.
Von: Gusto mo siya?
Kiefer: Sinong siya?
Alam ko naman ang tinutukoy niya, hehe.
Von: Si Aly, kaya ka natamaan ng bola kanina kakatitig mo kasi.
Kiefer: Oo, gusto ko siya. Kaso natatakot ako kasi bestfriends kami tsaka di rin ako sigurado kung ganun din ba ang nararamdaman niya para sa akin. Takot akong umamin. Baka tanggihan niya ako.
Von: Dapat maging matapang ka, ikaw ang nanliligaw. Walang mangyayari kung hindi mo sasabihin. Malay mo ganun din pala siya sayo, pinipigilan niya lang.
Kiefer: Naghahanap pa ako ng tamang tiyempo, pero sa ngayon pinaparamdam ko muna yun sa kanya. Ayoko naman siya biglain.
Von: Hayaan mo, nandito naman ako para suportahan ka. Pag kailangan mo ng tulong sabihin mo lang.
Kiefer: Salamat, lapitan ko muna sina Aly.
Tumango naman si Von sakin at pumunta na ako sa side ng mga girls. Nagbreak din sila ng 30 minutes kaya makakausap ko din siya.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1
FanfictionSila ay kilala bilang "Phenoms" ng Ateneo, si Kiefer at Alyssa. Magkaibigan. Tawagan nilang dalawa ay "Phenom" din. Pero... Papaano kung may mamuo sa kanilang pagkakaibigan? Paano kung isa sa kanila ay mahulog? Sasaluhin kaya o papabayaan lang? Ano...