Chapter 41

3.6K 50 0
                                    

Tumakbo si Alyssa pabalik sa kotse niya at doon binuhos ang luha, galit na galit sa sarili at hinahampas ang manubela. Natigil naman siya nang tumawag si Michelle sa kanya.

PHONE CONVERSATION

Michelle: Ate Aly!

Alyssa: B-Bakit?

Michelle: Asan ka? Yari ka kay Coach, hinahanap ka na dito. Balik ka na dito.

Alyssa: Ah.. Eh..

Michelle: Ate? Bakit nauutal ka?

Alyssa: *Umiyak*

Michelle: Asan ka? Pupuntahan kita, wag ka na umiyak.

END OF PHONE CONVERSATION

Pinutol ni Alyssa ang tawag kaya hindi alam ni Mich kung saan siya pupuntahan. Biglang naalala niya yung sinabi ni Alyssa na hindi siya pwedeng pumunta sa ospital. Agad naman siyang tumigil sa training, pumunta sa shower room pagkatapos ay mabilis na lumakad palabas ng gym.

"Mich! Saan ka pupunta?" Pasigaw na tanong ni Coach Tai.

"Alam ko na po kung saan pumunta si ate Alyssa!" Sigaw niya sabay tumakbo palabas ng gym pumuntang St. Lukes.

BACK AT THE HOSPITAL

Pagdating ni Mich sa parking lot ay napansin niya ang isang red na Honda malapit sa Entrance, nakilala agad niya ito bilang kotse ni Alyssa dahil sa plate number. Agad siyang lumapit at nakita niyang umiiyak si Alyssa sa loob, sumenyas siya na buksan ang pintuan.

Pagkabukas ay agad siyang pumasok sa loob at umupo sa tabi ng Driver's seat. "Ate, bakit ka nagpunta dito? Baka mahuli ka ni Marge." Hindi siya sinagot sa tanong niya kaya naisip niyang nakausap ni Alyssa si Kiefer at malamang ay nagkaroon sila ng maliit na pagtatalo. "Nasabi mo na?" Tumango naman si Alyssa dun sa tanong at tama nga ang hinala ni Mich.

"Mas lalong lumaki ang gulo niyo." Buntong hinigang sabi ni Mich.

Umayos si Alyssa ng upo. "Wala na ba akong pag-asa? Pinagtatabuyan na niya ako sa galit."

"Baka napagod na siya." Sagot ni Mich na may halong takot.

"I asked him for a second chance..." Bulgar ni Alyssa.

"Pero hindi niya binigay, tama ba?" Panigurado ni Mich.

Tumango siya at huminga. "Kailangan ko na tumigil, mas lalo lang ako masasaktan. Mas lalo lang din ako makakasakit." Pagbibitaw ni Alyssa.

"Sigurado ka ba?" Tanong ni Mich.

"Oo. Hindi man maganda ang closure namin, alam ko naman na hindi kami pwede. Kahit pilitin ko pa eh kita ko naman sa kanya na wala na talaga. Mahal niya talaga si Marge. Masakit at nakakapanghinayang pero yun ang kailangan kong gawin. Naging mahina ako, karma na nga kung maitatawag." Tuluyang pagsuko ni Alyssa. "Habang buhay ko dadalhin ang kasalanang hindi ko dapat ginawa kung naging maayos ako."

"Kung yan ang desisyon mo, rerespetuhin ka namin." Ngiting sagot ni Michelle. "New life?"

Ngumiti nalang siya, "Yes, new life. Balik na tayo sa gym, malilintikan na talaga ako ni Coach."

-

Bibitinin ko ulit kayo, next chapter is the last chapter na. Hindi ko masasabi kung Bad Ending ito, malay niyo malagyan ko ng twist. Salamat sa mga sumubaybay, sana mas maraming magbasa sa Book 2. Bye, magtatatype ulit ako para sa Ending Chapter! :)

Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon