Chapter 4

7.6K 98 8
                                    

WEDNESDAY: June 5, 2013 - 3:30AM

KIEFER'S POV

Susungkitin mga bituin

Para lang makahiling

Na sana'y maging akin

Puso mo at damdamin

Kung pwede lang

Kung kaya lang

Kung akin ang mundo

Ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo

Maaga akong nagising ngayon. Di nga ako nakatulog ng maayos kakaisip sa mga nangyari kahapon, lalo na yung yakap namin ni Aly. Ayoko na nga siyang pakawalan pero hindi naman kami pwede magsama buong araw. Haha!

Nakikinig ako ngayon sa kanta ni Eric Santos na "Kung Akin Ang Mundo" sa aking iTouch. Ang ganda kasi ng kanta, masarap pakinggan at sakto ang bawat sinasabi nito sa nararamdaman ko.

Napansin ko na gumigising na si Von, humikab ito at kinamot ang mata saka umupo. Kami palang dalawa ang gising ngayon, tulog pa kasi si Ryan at Juami.

Von: Uy, gising ka na pala. Aga ah.

Kiefer: Di makatulog kaya ito nakikinig nalang ng kanta.

Tinanggal ko ang earpods sa tenga ko at tinabi ang iTouch.

Von: Di makatulog? Di makatulog kakaisip kay Aly? Haha.

Kiefer: Miss ko na kasi agad. Clingy ko masyado. *Ngumiti*

Von: Eh sa halos parati kayong magkasama, siyempre mamimiss mo yun. Kailan mo ba balak manligaw?

Kiefer: Malapit na. Aamin muna ako.

Von: Siguraduhin mong malapit na. Haha! May napansin din ako kay Aly kahapon habang nasa training tayo. Palagay ko may gusto siya sayo, hindi mo lang masyadong napapansin. Ang saya din niya na kasama ka, wag mo na itigil yan Kief... Mahuhulog na din yun sayo. *Ngumiti*

Kiefer: Buti ikaw napansin mo. Sana!

Buti si Von napapansin niya si Aly, mas lalong gumanda ang mood ko. Nakita ko din na habang magkasama kami kahapon na kinikilig siya tapos mamumula... Basta ang saya niya kahapon. Sana ito na ang sign.

Mahuhulog ka din sakin, Ly. At kapag nangyari yun, mamahalin kita ng husto. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para mapanatili kang masaya sa tabi ko.

Von: Ayan ngumingiti ka nanaman. Sabi na nga ba, basta si Alyssa ang topic sumasaya ka! Haha!

Ryan: Oy sino pinaguusapan niyo dyan?

Juami: Si Alyssa nanaman ba yan Kiefer?

Gising na pala ang dalawa, bumaba sila sa taas ng kama nila at sumama sa kwentuhan namin.

Kiefer: Sino pa ba? Hehe.

Juami: Lakas ng tama mo kay Aly! Nga pala ang sweet niyo kahapon. Haha!

Ryan: Pinagmamasdan namin kayo buong training hanggang uwian. Ikaw na, Phenom! Bagay talaga kayo. *Kinilig*

Von: Malapit na guys. Konting tiis nalang at magkakatotoo na ang "KiefLy".

Ryan: Lahat naman tayo excited para dyan. Kiefer, ikaw bilis bilisan mo pagpapahulog kay Aly. Balita ko na may crush sa kanya si Jeron.

Napatingin naman kaming tatlo kay Ryan. Ano sabi niya? Si Jeron? May gusto kay Aly? Imposible.

Ryan: Ay.. Sorry, nadulas yata ako. Hehehehehe. *Peace sign*

Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon