Chapter 22

3.4K 67 10
                                    

AUTHOR'S POV

Habang nasa biyahe pabalik ng Ateneo ay may pumapalit na rumaragasang truck galing sa kaliwa. Hindi ito kalakihan pero sa bilis nito ay hindi namalayan ni Kiefer na sila'y mababangga na hanggang sa lumingon ito. Dahil sa gulat ay agad niyang inikot pakanan ngunit ang truck ay mabilis parin kaya naman niyakap niya si Alyssa bago pa man sila mabangga.

DORM

Habang naghihintay kay Alyssa ay nanunuod ng teleserye ang girls at biglang nagflash sa screen ang panibagong balita tungkol sa isang kotse na binangga ng rumaragasang truck.

"Pasintabi lang po, nakahagilap kami ng bagong report na may bumangga na truck sa isang pulang Suzuki Swift kani-kanina lamang. Kritikal ang kalagayan ng dalawang nakasakay dito. Kaagad isinugod sa ospital ang dalawang biktima..."

"Asan na si Kiefer at Alyssa?! Hindi ba Suzuki Swift ang kotse ng ginamit?" Pagaalala ni Denden.

Agad naman siyang pinakalma ni Ella sa pamamagitan ng paghimas ng likod.

"Makinig muna tayo." Pagpakalma ni Ella.

"... Ang plate number ng kotseng ito ay PHE 215. Nakakuha din ang mga awtoridad ng identification cards ng biktima ngunit hindi muna nila pinangalanan, ang hinala nila ay papunta ang kotseng ito sa Katipunan." Sabi ng Reporter.

Hindi na nila pinatuloy ang balita at pinatay nalang ang TV. Tulala silang lahat at nagalala, ang iba ay umiiyak na sa kaba.

"Hindi pa naman sure kung silang dalawa talaga yun... Maraming kapareho si Kiefer sa kotse." Kalmadong sabi ni Ella.

"Sinong may load dyan? Try niyong tawagan." Pagutos ni Den.

Agad naman kinuha ni Jia ang cellphone niya at sinimulang tawagan ang dalawa. Nakailang tawag na ito pero walang sumasagot. Nabalutan na silang lahat ng pagalala.

"Hindi pwede! Hindi pwedeng sila ang nababalita kanina." Iyak na sabi ni Marge.

Nanatili silang nagalala nang biglang tumawag kay Ella si Mika.

"Mika... Oo... Yung balita... Ha?! Asan sila ngayon? Salamat!" Sabi niya bago ibaba ang tawag. "Silang dalawa yung nabalita kanina, nasa ospital sila ngayon. Sinabi sakin ni Mika kung saan kaya pumunta na tayo!"

Agad naman nabuhayan ng loob ngunit natatakot parin sila. "Andun ba si Mika ngayon?" Tanong ni Den.

"Wala, hindi sila makakapunta ngayon. Dadalaw naman daw sila. Tara na!" Sagot ni Ella.

Agad silang tumayo at pumunta sa ospital. Okay pa naman ang damit nila kaya hindi na sila nagbihis, ang mahalaga sa kanila ay mapuntahan ang dalawang nasa bingit ng kamatayan.

HOSPITAL
DENDEN'S POV

Hindi ako makapaniwala sa sinapit ng dalawa kong kaibigan ang mas malala pa dito ay kritikal sila. Tinanong ko naman kung saan ang room nila at agad kaming pumunta dun para kamustahin ang kalagayan nila, ngunit sinalubungan kami ng Doctor.

"Hello miss, kayo po ba ang kaanak ng dalawang pasyente?" Tanong nito.

"Hindi po, kaibigan nila kami. Nabalitaan lang namin kanina sa TV ang pangyayari. Kamusta na po sila?"

"Kritikal ang kondisyon ng dalawa at nailagay sa coma. Ang babae, bagamat kritikal ay patuloy sa pagrekober habang nacomatose. Ang lalaki naman ay tinitignan pa namin ng mabuti dahil matindi ang pagkabangga. Sa side niya kasi bumangga ang truck, inaasahan namin na mas tatagal ang pagrekober niya kesa dun sa babae." Sagot nung Doktor. "Matanong ko po sana kung ano ang pangalan niyo at kung nasaan ang mga kaanak ng pasyente?"

Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon