Chapter 25

3K 56 5
                                    

BONG RAVENA'S POV

Andito kami sa bagong kwarto ng anak ko. Dalawang oras na ang nakalipas matapos ang operasyon niya, awa ng Diyos at nakaligtas ang anak ko.

"Tingin ko kailangan na malaman ni Alyssa." Pagsisimula ng asawa ko.

Napaisip ako sa mga sinabi niya, may hindi alam si Alyssa tungkol kay Kiefer nahihirapan kaming sabihin sa kanya dahil ayaw namin siyang biglain.

"Ayaw nga ng anak natin na ipasabi. Hayaan na natin si Kiefer magsabi sa kanya." Sagot ko.

"Matigas ang ulo ng anak mo, hindi naman pwedeng hintayin pa na lumala. Kailangan na malaman ni Alyssa." Pagdidiin ni Mozzy. "Alam kong mahihihirapan siya pero mas mahirap kung saka lang natin sasabihin kung kailan huli na ang lahat."

"Maghahanap muna tayo ng tamang tiyempo." Sabi ko habang nakatingin kami kay Kiefer na tulog parin.

"Mister & Misis Ravena." Sabi nung Doktor habang papasok. "Meron po ba kayong hindi nalalaman tungkol sa anak niyo?" Tanong niya.

"Wala naman po, lahat alam namin." Sagot ni Mozzy.

"Nadiskubre namin sa records niya na meron pala siyang sakit sa puso. Swerte lang dahil hindi ito nakaapekto sa operasyon niya kanina." Sagot ni Dok.

Oo, may sakit sa puso si Kiefer. Simula nung pinanganak siya, in-born na sa kanya yun. May maintenance naman siya kaya nahahandle niya yung sakit hindi katulad dati nung maliit pa siya. Madalas siyang atakihin. Nagkaroon kasi dati si Mozzy ng heart problem pero gumaling naman siya, napasa nga lang sa anak ko.

"Alam na po namin yan. May maintenance naman siya kaya hindi iyun nakaapekto sa Varsity career niya." Sagot ko.

"Mabuti naman. Since galing siya sa operasyon, dadagdagan namin ang medicines niya para maprevent ang further complications lalo na sa puso niya. Delikado kasi crucial ang operasyon. Okay lang po ba?" Sabi ni Dok. "Pwede niyo siyang itigil kapag maayos na ang kalagayan niya."

Pumayag naman kami basta para sa anak ko, gagawin namin.

"Matanong lang Dok, kailan po siya pwedeng lumabas?" Tanong ko.

"Obserbahan muna siya pati kanyang Heart, pag bumilis ang recovery niya at gumising na bukas. Pwede na kayo lumabas sa Lunes." Sagot nung Doktor.

JERON'S POV

"Iho, salamat sa pagalaga mo sa anak ko." Sagot nung Daddy niya.

"Wala po yun, gusto ko talaga siyang bantayan." Sagot ko.

Masaya ako dahil gumagaling na si Aly, pati nga magulang niya natutuwa sa pagbantay ko. Ito din ang chance na mapalapit ako kay Aly. Okay naman siya na ako ang magbantay. Konti nalang, mapapaibig din kita.

Pinagmamasdan ko siya habang natutulog pagkatapos kumain. Ang ganda parin, kahit alam kong hirap siyang matulog dito sa ospital. Naawa ako sa kalagayan niya, hindi sana mangyayari yun kundi dahil kay Kiefer. Nabwisit talaga ako, kung nagstay nalang si Aly sa Dorm hindi siya madidisgrasya.

"Ehem!" Napatingin ako sa kabila, sina Denden pala.

"Wag masyadong malagkit ang tingin." Sersyosong sabi ni Marge.

"Pinagmamasdan lang." Sagot ko.

"Over naman yata." Sabat ni Gizelle.

"May masama ba dun?" Natatawang sabi ko.

Umiling nalang sila. Malay ko kung anong iniisip nila sakin.

BEA'S POV

"May masama ba dun?" Natatawang sabi ni Jeron.

Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon